Chapter Two

23.6K 124 7
                                    



- Dapat sana matagal ko na tong update, pero naguguluhan pa din ako kung ano bang dapat kong gagawin, kaya ginawa ko nalang syang neutral, para mas madali nalang i-edit. :D

~ ~

- KenDi's POV -

Tiningnan ko yung lalaking bumati sakin at tinawag akong "kends".

Ang gwapo nya pa din, he has this oblong-ish face na sobrang bagay sa expressive mild colored brown eyes nya, tapos yung typical pointed nose that looks exactly like it was perfectly sculpted by a professional sculptor, his thin but seductive lips, and his thick eyebrows.

" Bansot! Welcome home! " Bigla akong ni yakap ni Chance pag-kasabi nya nun kaya hindi man lang ako nakapag-react sa sinabi nya.

" Chance Damian! Why are you late? Malapit na sana kaming matapos, buti at naka-abot pa kayo. " Mom lovingly smiled at Chance tapos sa kanya. Then motioned them to sit down.

Chance sat down beside me, while he sat down right infront of me.

Nakapag-pakilala na ba ako? Well, hindi pa. I'm Kendria Diann Agustin, 22 years old. And my brother Chance Damian Agustin. We're twins, pero accellerated si Chance nung elementary at dalawang beses pa.

" So? Anong pasalubong ko mula sayo? " Habang ngumunguya sya ay tinanong ako nitong kakambal ko na wala atang good manners and right conduct! Geez, tama ba namang mag-salita habang ngumunguya? Ang balahura talaga nitong lalaking to kahit kailan!

" Yucks Chance! Don't talk when you chew! Baka matapunan kami nyan! " I scolded him, naka-simangot nako ng marinig ko ang isang tawang nakaka-tindig balahibo, sh*t! Ilang taon na yung lumipas but he has this same effect on me. Aaish!

After dinner, nag-punta kami ng garden tatlo at doon pinag-patuloy ang kwentuhan. Actually, si Chance lang ang nag-kwekwento at binabara ko lang sya. Habang sya naman, taga-tawa lang.

" Hindi nga? Wala man lang nag-attempt na manligaw sayo dun? " Hindi maka-paniwalang tanong ni Chance sakin ng tanungin nya ako kung nagka-boyfriend ba ako doon.

" Meron naman, pero di ko type. " Kaswal kong sagot. Gusto ko sanang idagdag " pano ba naman kasi, yung gusto ko. Nakababatang kapatid lang yung turing sakin. At nasa tabi mo lang sya ngayon! " pero di ko na ginawa, aba! Matagal kong tinago sa balahura kong kapatid ang tungkol sa feelings ko para ka sa kanya.

" Sabagay, ang panget mo kasi. Kaya siguro wala man lang nan-ligaw sayo. Hahahaha! " Aba't!

" Hoy Chance! Baka nakaka-limutan mo! Kambal kita kaya magkamukha lang tayo! Hhmp! " At tumawa lang naman silang dalawa. Nakakainis! Kung hindi lang sya kasali sa tumatawa ay baka-nabatukan ko na si Chance!

Wala eh, hopeless romantic ako, mahal ko yung taong mahal lang ako bilang nakababatang kapatid. Oo na! Cliche na kung cliche! Paki-alam nyo? Sa gusto ko sya eh.

" Tumigil ka na nga! " Hinampas ko nga si Chance! Bwesit na lalaki, pag-tawanan ba ako. Hmmp :3

" Alam nyo ang cute nyo. Haha! Mauna na'ko pre! Gabi na eh. Geh! Bye kends. " At hayun tumakbo na sya papuntang loob ng bahay, magpapa-alam siguro kina mommy. Haaay!

Kinublit ako ni Chance kaya nilingon ko sya, kinunot ko yung noo ko ng makita ko syang ngiting-ngiti sakin, problema nito? Tssk.

" Tssk. Kendi, halata ka eh " Bigla nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti lang sya at tumawa pagkatapos ay tumayo na.

" Haha! Pasok na tayo! It's getting late. " Tinalikuran nya na ako at umuna na ng lakad.

Napatulala ako sa langit. Sh*t! Hindi kaya nahalata na ako? Sh*t! Baka malaman nya! Hindi! Imposible, ni hindi nga nya ako pinapansin, at hindi man lang ako makakuha ng pagkakataong ipakita yung feelings ko.

Imposibleng malaman ni Chance na gusto ko yung bestfriend nya.

~ ~ ~

a/n :

Chapter two tapos :3 haha! Walang nag-comment T.T ayaw nyo sumali sa characters ko? Hindi ko naman bababuyin mga pangalan nyo eh T.T mag-comment kayo guys T.T

Labs lat ❤️❤️

My Brother's BedroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon