Shit. Bakit ang sakit?

336 13 15
                                    

November 6, 2008

Thursday 1:30 am

“Magkita tayo….Bukas ng umaga.”

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na hindi nakapagsalita. Ang tanging napansin ko lang ay kung paano natigilan si CJ sa sinabi ko.

Hindi na ako nakatiis at sinundan ko pa yung sinabi ko.

“Ah---k-kasi diba? Pwede naman siguro na magkita tayo sa umaga…tutal magkapareho lang naman tayo ng building. Uhmmm….Pero kung masyado kang busy tuwing araw, okay lang naman sa akin kahit sandali lang. Para di na natin kailangan pang magki---“

“HINDI PWEDE.”

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako sa sobrang seryoso ng mukha niya. Hindi yung tipikal niyang blangkong mukha….ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso ang mukha niya.

Pero actually, medyo nayamot ako pagkakasabi niya nun.

“A-Ano bang problema kung sa araw tayo magkita?! Buti nga wala pang humuhuli sa atin eh! Saka akala mo ba madali para sa akin na pumunta dito? Kung hindi ka lang…(espesyal)..para sa akin….”

 

“SABI NANG HINDI PWEDE. AYOKO.”

 

Mas lalo lang akong nainis.

“Ano bang ikinagagalit mo?! Ang gusto ko lang naman sa araw na lang tayo magkita kesa ngayong hatinggabi pa. Para naman hindi na ko mag-abala pang pumunta pa dito sa dis-oras ng gabi.”

“KUNG ABALA LANG PALA SAYO ANG PUMUNTA DITO EH BAKIT NANDITO KA PA? EH DI WAG KA NANG PUMUNTA...

.....WALA AKONG PAKIALAM.”

….

….

….

Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko inexpect na sasabihin niya sa akin yun.

Natulala ako.

So ganun lang pala kadali sa kanya yun.

Sa pananalita niya, wala pala sa kanya kahit na di pa ako magpakita.

Samantalang ako, naglalaan pa ng oras para sa kanya.

Naiisip siya palagi.

Namimiss siya.

Sa tao na ang alam ko lang ay ang initials ng pangalan niya at course niya.

Ang tanga ko.

…..

…..

Hindi ko na namalayang may tumutulo na pala sa mga mata ko. Ano ‘to? Umiiyak ba ako?

Para akong timang.

Nang maintindihan ko na ang lahat, pinunasan ko kaagad ang luha ko at tumingin sa kanya.

 “Hahaha! Oo nga no? Bakit nga pala akong nag-assume sa pagkakaibigang ‘to? Ah! Wait, hindi nga pala tayo magkaibigan…..Hahahaha! Sorry. Pasensya na.” sabi ko habang pinipilit kong kumalma at hindi umiyak.

Shit. Bakit ang sakit?

“Sige. Aalis na ko. Thank you na rin sa pagtuturo sa akin. Sorry din sa lahat ng abala….

….

….

….

….sira ulo ka. Bakit ginawa mo pa ang lahat ng yun sa akin kung ganito lang naman ang sasabihin mo sa akin…

….

….

….sira ulo ka CJ. Sira ulo ka.”

Nagtatakbo ako papalayo sa kanya. Papalayo sa building kung saan kami nagkakilala.

Ayaw ko na siyang makita ulit.

TWELVE MIDNIGHT LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon