Pupunta kaya siya??

348 11 0
                                    

October 14, 2008.

Tuesday. 9:00pm

Hindi ko alam kung masyado lang talagang malakas ang loob ko o desperado  lang talaga ako.

Pero wala akong magagawa. Higit sa lahat, Papa ko ang pinakakinatatakutan ko. Kaya kung ikukumpara sa praning na lalaking yun, mas takot ako kay Papa.

Bahala na. Saka handa naman ako eh. Nakatights ako ngayon kaya masisipa ko kaagad siya kung sakali. May emergency spray din ako. Ahahahahahahaha!! Tingnan na lang natin.

Ang nakapagpanira nga lang ng get-up ko ay yung dala kong buy 1 take 1 hamburger. Ano bang naisip ko at  nagdala pa ako nito?? Well, kung sakaling maalala niya. Hindi naman ganoon kalaking kawalan ang 30pesos, kahit panglunch ko na yun.

Saka suhol na rin kung sakaling siya nga ang nakakita ng phone ko.

Pero grabe. Ang galing niya. Kagaya ng sinabi niya eto ako't nasa room kung saan siya kagabi nakapwesto at hinihintay siya.

Na may dalang buy 1 take 1 hamburger.

Paano niya kaya nahulaan na magkikita ulit kami? Haaaay!! Nakakamigraine ang existence ng lalaking yun. Makapagreview na nga at bukas ay may finals pa ako. Buti na lang isang subject lang ang itetest bukas.

Sayang naman ang pagtulog ko ng five hours kanina. Mas naiintindihan ko kasi ang inaaral ko tuwing gabi.  Kaya balak ko talaga na magpuyat ngayon.

...

...

...

Pupunta kaya siya??

Okay Lea! Tigilan mo na yan. Basta ang plano pag lumampas ng 12am at wala pa rin siya, umuwi ka na lang. Pagkatapos pagplanuhan mo kung paano mo sasabihin sa Papa mo na nawala ang phone mo.

TWELVE MIDNIGHT LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon