"Ah ganon ha,Girls hawakan nyo"biglang lumapit sa amin yung apat na babae saka ako hinawak sa kamay nung dalawa.

Walang nakakakita sa amin kasi nasa parking lot kami at walang nakadistinong guard dito

Bigla nya akong sinampal

"Deserve mo yan"

sinampal nya ulit ako

"Inaano ba kita,ha?"nakatingin ako sa kanya ng masama,kung nakakamatay lang ang pagtitig ko malamang patay na sya ngayon

"Tingin mo ha?"hinawakan nya ang buhok ko sobrang higpit.shit.ang sakit nya,

"Girl,saktan mo pa,deserve nya yan,because she's flirt,haha"

"Yes,talagang sasaktan ko pa sya,haha"baliw na sya

Pinagsasampal nya pa ako ng ilang beses at sinabunutan kahit dumudugo na yung labi't ilong ko di nya ko tinigilan.pati yung mga babae may kinuha sila sa gilid ng parking lot at kinuha yung kahoy na pamalo,at pinagpapalo sa akin

Di ako nag sasalita at tinatanggap lahat ng sakit na di ko deserve.

Nakakaiyak talaga pero matatag ako di ako iiyak ng dahil sa sasakit na pinaparanas nila,

Iiyak lang ako kapag nasa isang sitwasyon ako na sobrang saya ko

Nung nakarami na sila ng pagpalo sa akin,nanlalambot na ang tuhod ko,at gusto ko ng makaganti sa kanila.

Pero subukan lang nila akong pakawalan,masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko,tapos kapag naman sisipain ko sila,mas lalo lang nilang hinihigpitan.

"Ano kaya mo pa?"

"Haha,girl sa susunod kasi kilalanin mo muna kung sino ang binabangga mo"sabi ng isa nyang kaibigan.

Di ko alam kung ano ng nangyari sa mukha ko.Ang sakit ng katawan ko,dahil sa mga palo ng mga demonyitang iyon.tandaan nila hahanapin ko sila,at ipapabugbog rin

Tinigil na nila ang ginagawa nilang pagpalo sa akin ng mahabang malaking kahoy,at bigla na lang nila akong binitawan at bumagsak ako sa sahig ng parking lot,ang init init pa dahil alas kwatro pa lang ng hapon

Sinubukan kong tumayo at buti naman nakaya ko.kailangan ko ng puntahan ang boss ko dahil baka mamaya ano pang mangyaring masama don.

Humakbang ako sa hagdan buti at nakaya ko pa.
Nung nakita ako ng mga guard,nagtaka sila.

"Ku-uya-ng gu-uard,sasusuno-od ma-aaglagay di-n ka-yoo ng body guard sa pa-arki-ng lot"tumango na lang sila at nagtuloy na ako sa paglalakad

Lahat ng dadaanan kong tao napapatingin sa akin.
Eh,kasi naman eh,kahit di ko tingnan ang itchura ko sa salamin alam kong magulo ang buhok ko,puro pasa ang katawan, may mga dugo sa labi at ilong. at iika ika

Nung nasa elevator ako tuloy tuloy lang sya,kaya nakarating agad ako sa last floor kaya pumunta agad ako sa office nya kahit hirap na hirap na ako,grabe ang nangyari sa akin ngayon,ngayon lang nangyari sa akin to.

Binuksan ko agad ang pinto ng office nya saka ako napangiti

"Buti at walang nangyaring masama sayo,"nakangiti ako sa kanya
Napalingon sya sa akin,at takang taka sa itchura ko

"Anong nangyare sayo?"tanong nya habang lumalapit
Nung nakalapit na sya,bigla na lang akong napatumba sa kanya at napayakap,saka lang ako nawalan ng malay.

Diger PoV.

"Bakit nandito ka,Elisha?"saad ko

Nandito ako ngayon sa office ko,
Shit,bakit nandito tong flirt na to'sa company ko.

My Strictly Body GuardWhere stories live. Discover now