"Hello po sir,"

"Girl andito si Sir Blade"

"Ang gwapo nya sa suot nyang longsleeve,hihi"

"Hi po sir"

"Sino kaya yung kasama nyang babae"

"Hi po sir"

Kapapasok pa lang namin ang dami na agad bumabati sa kanya pero tuloy tuloy lang sya at kahit isa wala syang pinansin.

Sumakay kami ng elevator at pinindot nya ang pangalawa sa huli nitong building,siguro don ang office nya.

Pagkabukas pa lang ng elevator marami ulit ang bumati sa kanya nasasakay sana ng elevator pero nung nakita nila si Blade,di sila sumakay kaya nagtuloy tuloy lang ang pagakyat namin papuntang office nya

Pagkabukas naglakad kami,wala ng tao ngayon dito puro pinto na lang sa dalawang gilid bali taglima yung mga pinto at may pinto sa gitna,

Don pumasok ang boss ko sa dulo sa gitna kaya pumasok din ako don,

Ang ganda ng office nya sa may gilid may mahabang sofa nakabilog saka may lamesa sa gitna.
Tumingin naman ako sa gitna malapit sa glass wall na tanaw ang city don naman may apat na hagdan na pakurba, sa taas non may office table, may pangalan sa gitna,at sa kabilang gilid naman may pinto ulit ayan siguro yung conference room

Nagpunta sya don sa table at umupo sa swivel chair saka kinuha ang isa sa mga nakatambak na papel sa lamesa nya,sumunod ako sa kanya
Nakita ko ang nakasulat don sa gitna ng table nya,

CEO Owner
Engr.Blade Matthew Horgan

"Ano tatayo kana lang ba yan umupo ka muna don sa sofa"masungit nanaman na saad nya napangiti naman ako kaya tinignan nya ko na nagtataka

"Haha,mas mabuti ng masungit ka kesa ang tahimik mo eh,"nakangiti paring saad ko

"Ah ganon mas gusto mo pa akong nagagalit sayo?"seryoso sya dyan kaya lalong nakakatawa yung mukha nya

"Ikaw nagsabi nyan"naglakad na ako papuntang sofa at umupo,may nakita naman akong mga prutas sa center table kaya kumuha ako ng grapes,favorite ko kasi ito eh

"What the,hoy,may bayad yang kinakain mo"

"Kung ganon paki awas na lang sa sahod ko"napa iling nalang sya saka bumalik sa ginagawa

Kanina pa ako dito at bored na ako dapat pala di na lang ako sumama sa kanya pero di naman pwede yun kasi body guard nya ko,hayst.
Tumingin ako sa orasan ko,4:00 pm na pala at gutom na rin ako kasi ang huli namin kain yung sa mall pa

"Boss,pwede bang bumaba muna ako at kumain?"tumango lang sya dahil busy pa rin sa hanggang ngayon,mga nasa one fort na lang naman yung mga papel kaya kaunting kembot na lang makaka uwi na rin kami

lumabas na ako at sumakay ng elevator,pagkababa ko nagpunta ako sa isang restaurant malapit sa company pagkatapos kong kumain bumalik agad ako nagtake out din ako para pasalubong sa kanya,

Pagkadating don sumakay ako ng elevator,buti naman at tuloy tuloy dahil walang sumasakay na empleyado,
Naglalakad na ako ngayon papuntang office nya nung mag ring ang phone ko

~Banana cha-cha~Banana cha-cha,move it lalalala~

"Hello"

"[Hello si Xander to]"

"Oh,Xander bakit ka napatawag?"

"[May itatanong lang sana?]"

"Ano yun"

"[May kilala ka bang Ms.Burnido?]"

"W-wwala,bakit?"kinakabahan akong ewan,bat nya kaya natanong?

"[Ah ganon ba,haha wala natanong ko lang,sige bye na may meeting pa ako eh]"

"Bye"pinatay ko na ang tawag

Kumatok muna ako ng tatlong beses sa office ng boss ko at tuluyang pumasok nakita ko naman syang may kausap kaya naupo na lang ulit ako sa sofa

"Yeah...ok...then i call you back later....and please ako ang tatawag sau...shit i know....ok mamaya magkita tayo.....ok....bye"rinig ko sa mga sinabi nya

"Babae,after 1 hour,may ipasusundo ako sayo"

"Ok boss,gusto mo ng food,dinalhan kita"ngiting ngiti pa ako nyan

"Busog pa ako,itapon mo na lang o kainin mo ulit"walang ganang sagot nya

Sama naman neto,tatapon agad,ako na nga yung nagmalasakit kasi ang alam ko dipa sya kumakain,tapos sya pa galit..hayst hirap pasalamat ka ang gwapo gwapo mo..busit

Don't forget to vote, comment and follow me

My Strictly Body GuardWhere stories live. Discover now