",Sabihin mo umuwi na sya at wala ako sa company"

"Ok sir"

Inalis ko na sa tainga ang telepono at nilagay sa lalagyanan

Pumunta na ako sa banyo at naligo

Dria PoV.

Para kong nasa contest ng mga beauty queen ngayon dahil sa question and answer ang peg
dahil sa mga tanong nila akin

"Bakit body guard ang trabaho mo?"tanong sa akin ni Klief

Lahat sila nakatingin sa akin at malapit sa mukha ko kaya ako ito pakurap kurap dahil nakakasilaw sa kagwapuhan nila

"Graduate ako pero mas pinili ko ang trabahong makakapag pasaya sa akin kaya eto ako ngayon isang body guard"

Dami naman tanong,

"Ehh Ilan taon kana?"tanong naman ni Xander

"25"

"Isang taon lang ang tanda namin sayo"

"Ah ganon ba"

Pakes ko naman

"Eh gaano kana katagal na body guard ni Blade?"tanong naman ni Diger

"Kanina lang"

"Ahh,sana makatagal ka sa kaibigan namin iba sya sa inaakala mo pero kapag naman nakilala mo sya ng higit pa na sya mabait yan"

"Sana nga matagalan ko sya"

"Nga pala Siya ang may ari ng Hide out na to di alam ng magulang nya na elegal ang ginagawa nya kaya sana wag mo na lang sabihin kong saan kayo nagpupunta dahil kapag may nagawa syang kasalanan "NANAMAN"doon na sya patitirahin sa ibang bansa"nagulat ako dahil sa sinabi ni Nietche kaya napatango na lang ako

"Nasaan na nga pala si Boss"tanong ko

"Sa dulo nitong kwarto don ang kwarto nya"naka smirk na sagot ni Diger

"Ah haha ge punta lang ako sa kanya"paalam ko

"Wai-"di ko na pinakinggan ang sasabihin ni Nietche dahil sinara ko na agad ang pinto

Naglakad ako papunta sa kinaroonan ng sinasabi nilang kwarto ni Blade saka kumatok ng walang sumasagot pinihit ko ang doorknob ng makita kong di naka lock unti unti akong pumasok pinalibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto
simple lang itong black,white at gray kaya maganda tignan may kingsize ng bed,side table at may kung anong nakalagay don sa gilid naman may isang single sofa ang nandon

Ng nalibot ko na ang paningin ko ay naglakad pa ako at dahan dahang sinara ang pinto,

"Nasaan na kaya si Boss?"tanong ko sa sarili ko

Tumanaw ako sa dulo ng kwarto nung may marinig akong pagbukas ng pinto
Nakita ko naman si Blade don na nakatwalya ang kalahati ng katawan nya,tumutulo ang buhok at basa pa ang katawan.
Ng makita nya ako nag smirk sya at unti unting lumapit sa akin wala akong imik habang lumalapit sya dahil nakatingin na ako ngayon sa katawan nya na malaki napalunok ako ng ilang beses dahil sa ganda ng katawan nya
Di ko alam ang gagawin ko nung malapit na sya sa akin umatras lang ako alinsunod sa galaw ng paa nyang papalapit sa akin
nakatingin lang ako sa mga mata nyang itim na itim ang gandang tignan
Ng umatras ulit ako pader na ang naatrasan ko kaya napatigil na ako at nakadikit na ang aking likod sa pader
Kaunting distanya na lang ang layo nya sa akin nung makalapit sya nang tuluyan kinorner nya ako sa dalawang kamay nya at amoy na amoy ko ang bango nya mula hininga hanggang katawan
at kaunti na lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya naka smirk pa rin sya sa akin.bakit ba ang gwapo gwapo nya at ang bango bango?nung mapatingin sya sa labi ko ay unti unti syang tumingin sa akin at unti unti nyang nilalapit ang mukha nya nung matauhan ako nung magkadikit na ang mga ilong namin saka ko inuntog yung noo ko sa noo nya kaya napahawak sya dito

"A-aaray"hiyaw nya habang himas himas ang noo

"Sorry boss"hingi ko ng tawad at hinawakan sya

"Get the fuck out!"sigaw nya sa akin

Masakit na yung noo, nag ienglish Pa, aba'y matindi

"Ikaw na nga tong hiningan ng tawad ayaw mo pa"

Baka gusto kasi lumuhod Pa ako, no way

"I said GET THE FUCK OUT"sigaw nanaman nya sa akin
"Sino ba ang may sabi sayong sundan ako dito?alam mo bang wala akong pinapapasok kahit sino dito ha?"tanong nya sa akin sa mababang tono at nakakunot noo parin nakaupo na sya ngayon sa gilid ng kama nya at ako naman ay malapit na sa pinto nung magtanong sya

"Ako lang,"sagot ko na walang pag aalinlangan"saka talaga namang susundan kita kasi nga diba body guard mo ko"

"So?lumabas kana,at baka hindi ako makapag timpi sayo at kung ano pa magawa ko"mahinahon na saad nya

"Nakita mo naman diba lalabas na ako napahinto lang naman ako kasi tinanong mo ko tsk"narinig ko naman na nagmura sya kaya mabilis na akong lumabas ng kwarto at padabog itong sinara
pumunta na lang ulit sa kwarto ng mga tropa nya

Nung makapasok ako nakita ko silang naglalaro na ulit ng baraha nung makatingin silang lahat sa akin nginitiian ko lang sila at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kanila

"Pwede bang dito muna?nag aapoy kasi si Blade ngayon baka mamaya bugahan nya pa ako"

"Hahaha Ge ba"sagot ni Xander

"All right,Gusto mong sumali?"tanong naman ni Klief

"Sige,paano ba yan?"

"Madali lang to'gusto mo bang ako na magturo sayo?"suhestyon ni Diger

"Hoy,Nerdy boy,Iba na lang ang landiin mo wag na si Dria,"nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Neatche kahit di ko naintindihan ngumiti na lang din ako

My Strictly Body GuardWhere stories live. Discover now