CHAPTER 3

4.6K 116 0
                                    

NAKAHIGA sa damuhan si Maisha habang nakatitig sa malawak na kalangitan at sa mga kumikinang na mga bituin. Mag mula nang makauwi sila kanina ng kaniyang kaibigan, hindi na mawalawala sa kaniyang isipan ang kaniyang ama. Paulit-ulit na lumilitaw sa kaniyang balintataw ang hitsura nito. Matanda na nga talaga ang Don Julio. Malaki na rin ang ipinag-bago ng hitsura nito.

"I missed you so much." bulong ni Maisha sa hangin kasabay ng muling pagbalong ng mga luha sa kaniyang mga mata.

10 YEARS AGO

"Maisha, hija. Come on. Wala ka pa rin bang balak na kausapin ako?" tanong sa kaniya ng kaniyang Papa habang nakatayo ito sa gilid ng kaniyang kama. Imbes na harapin ito at kausapin, mabilis na nagtalukbong ng kaniyang kumot ang dalagita. Wala siyang balak na pakinggan ang mga sasabihin nito sa kaniya. Malamang na mag sisinungaling na naman sa kaniya ang kaniyang papa at mas kakampihan pa nito si Gatdula. "Princess. Bakit mo ba ipinahiya si Gatdula kanina sa mga tauhan natin? Hindi mo dapat ginawa 'yon." sabi niya na nga ba e! Si Gatdula na naman ang tama at siya na naman ang mali sa mata ng kaniyang ama.

"I don't want to hear anything about him. Just leave me alone." galit na saad niya sa kaniyang ama.

Napapikit na lamang ng mariin ang Don Julio pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "You should say sorry to him first thing in the morning. Hindi gano'ng ugali ang dapat na ipinapakita mo sa kaniya. Gatdula is now part of the fam-"

"No he's not. Kahit kailan hindi ko matatangap na maging parte siya ng pamilya. He ruined my life, papa. He took everything away from me." sigaw ng dalagita habang umiiyak ito sa ilalim ng kaniyang kumot.

Paano niya ba ipapaintindi sa kaniyang anak na mali ang lahat ng iniisip nito sa binata? Hindi niya inampon si Gatdula para ipamigay dito lahat ng mayroon ang kanilang pamilya. Maisha can't understand his situation. Tumatanda na ang Don, at habang tumatagal ay lalo niyang nararamdaman ang panghihina ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang sakit. That's why he needs to train Gatdula how to handle his business. Dahil ito lamang ang kaniyang maaasahan pagdating ng araw.

"Maisha-"

"Please. I want to be alone, papa." mahinang sambit nito habang humihikbi pa.

Wala ngang nagawa ang matanda kundi pabayaan ang kaniyang dalagita. Alam niyang lilipas din ang sama ng loob nito sa kaniya maging kay Gatdula. That was Don Julio's expectation. Pero mali pala ito. Dahil habang tumatagal, mas lalong lumalayo sa kaniya ang loob ng kaniyang unica hija.

"Are you happy?" sarkastikong tanong ni Maisha kay Gatdula habang magkaharap sila sa hapag kasama ang kaniyang ama.

Napatingin naman sa gawi ng Don ang binata pagkuwa'y muling binalingan ng tingin ang dalagita.

"What do you mean?"

"Don't play so innocent Gatdula. Why don't you just leave the mansion and forget everything about my dad's-"

"Maisha." mariing sambit ng Don Julio na siyang nagpatigil sa iba pang nais nitong sabihin sa binata. "Enough. Nasa harap tayo ng pagkain. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na walang kinalaman si Gatdula sa lahat ng ibinibintang mo sa kaniya? Don't give me headache, Princess." galit na saad nito sa anak.

Pero sa halip na tumigil ang dalagita at pakinggan ang kaniyang ama. Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa binata. "See? This is all because of you. Kung sana hindi ka dumating sa buhay namin, masaya sana kami ng papa. You thief." aniya at matalim na titig ang ipinukol sa binata pagkuwa'y padabog na tumayo sa kaniyang upuan at walang paalam na lumabas ng kusina para mag tungo sa kaniyang kuwarto.

WE GOT MARRIEDWhere stories live. Discover now