CHAPTER 4

4.5K 98 0
                                    

PAGKATAPOS mag jogging sa loob ng Hacienda Mondragon ay nag pasiya na ring bumalik ng mansion si Gatdula. Nakasanayan niya na kasi ang magpapawis sa umaga simula no'ng makabalik siya ng Sta. Isabela galing Maynila.

Paakyat na sana siya sa hagdan nang makasalubong niya ang mataray na anak ni Don Julio na pababa naman. Kagaya nang palagi nitong ipinapakitang ugali sa kaniya, nakasalubong na naman ang mga kilay nito habang matalim ang tingin na ipinupukol sa kaniya. Napapailing na lamang si Gatdula at nagtuloy sa pagakyat ng hagdan. Pero mayamaya ay napatigil ito nang biglang humarang sa daraanan niya ang dalagita.

"Why?" seryosong tanong niya rito.

Mabilis naman na lumipad ang isang kilay ni Maisha pagkuwa'y nakapamaywang na tumayo sa harapan niya.

"Papasok na ako sa school." aniya.

"Then?" kunot noo na balik tanong ni Gatdula.

"I don't have a driver. Wala ka naman ginagawa, kaya ihatid mo ako."

"Akala ko ba ayaw mo akong makasabay sa iisang sasakyan?" nagtatakang tanong pa nito.

"You're not a guest in this house, Gatdula. Hurry up. I hate waiting." anito at muli siya nitong tinarayan. Tinabig pa ang balikat ng binata bago ito tuluyang bumaba ng hagdan at lumabas ng mansion.

Wala sa sariling napapabuntong-hininga na lamang ang binata 'tsaka nagtuloy sa pag panhik sa kaniyang kuwarto upang maligo at mag bihis.

Pagkababa ni Gatdula ay agad siyang nag diretso sa garahe ng mansion. Naroon ang dalagita, nakatayo sa gilid ng kaniyang sasakyan na tila inip na inip na ito sa kakahintay sa kaniya.

"Get in." utos niya nang makalapit na siya rito. Pero sa halip na kumilos si Maisha at sumakay sa sasakyan niya, nanatili lamang itong nakasandal sa bintana ng kaniyang kotse. Kunot noo niya itong muling binalingan.
"Why? You're getting late señorita. Get in." aniya.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" turan nito.

Ilang segundo munang tinitigan ni Gatdula ng mataman ang dalagita bago lumipat sa kabilang pinto ng kaniyang sasakyan at binuksan iyon. "Get in." aniya. Mabilis na pinaikot ang mga mata ng dalagita at tamad na umikot sa gawi niya at sumakay sa passenger seat. Napapatiim bagang na lamang ang binata at padabog na isinara ang pintuan.

Tahimik at seryosong nakatuon ang atensyon ni Gatdula sa pagmamaneho niya habang abala naman sa pagkalikot ng kaniyang cellphone si Maisha. Minsan ay napapatingin ito sa kaniyang gawi at ngingiti ng nakakaloko na hindi niya naman mahulaan kung ano ang ibig iparating niyon sa kaniya.

"Paki dala ng gamit ko, mabigat e!" aniya pagkatapos ipinid ng binata ang kaniyang sasakyan sa garahe ng eskuwelahan. Mabilis namang umibis ng front seat ang dalagita at nagpatiunang naglakad papasok sa building kung saan naroon ang kaniyang class room.

Muling nag pakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula pagkuwa'y napapailing na kinuha ang mga libro ni Maisha na nasa back seat ng kaniyang kotse. Inihatid niya iyon sa classroom nito.

"Excuse me, saan banda ang classroom ni Maisha?" tanong niya sa estudyanteng nakasalubong niya sa hallway.

"Ah. Second floor po, third room." sagot nang batang lalake.

"Thank you." iyon lamang at muli siyang naglakad at umakyat sa ikalawang palapag ng building para tunguhin ang classroom ng dalagita. Nasa tapat pa lang siya nang ikalawang silid ng marinig na niya ang ingay na nagmumula sa kasunod na classroom. Mga bata nga naman, kay iingay tuwing wala pa ang guro nila.

WE GOT MARRIEDKde žijí příběhy. Začni objevovat