Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

PROLOUGE

15 0 0
                                        

Kasalukuyan akong nasa may bundok ngayon. Ang ganda ng tanawin. Medyo maaraw pero maya-maya naging maulap at naging makulimlim. Parang uulan.

"Hayss ito na naman." Usal ko sa sarili. I stare blankly in nowhere. I feel so empty. Parang may kulang o sadyang nalulungkot lang talaga ako.

I always go here pag malungkot o masaya ako. Ewan ko ba pero parang ito kasi yung place na sinasandalan ko mula pagkabata. Dito ako naiyak, nasigaw at natawa. Ang lagi kong kausap? Mga ulap, araw, buwan at ulan. Baliw na nga siguro ako para ilabas lahat ng nararamdaman ko sa mga bagay na hindi naman nagsasalita.

I feel so empty as always. My heart is aching. I am really in pain. Tulala ako lagi, blangko nasa isip at pakiramdam ko unti-unti akong sinasaksak sa dibdib ng literal. What's the reason? Hindi ko din alam.

At ito nga ako ngayon, andito, inaalala lahat ng masasaya at malulungkot na araw ng buhay ko. Mula sa masaya at maaraw na panahon kanina, ngayon malungkot at maulan na panahon na.

Tumayo ako sa pagkakaupo dito sa isang bench na pang-tatluhang tao na inilagay ko noong nag-highgschool ako. Dati noong elementary ako naglagay ako dito ng isang bench na pang-isahan lang.

Pagkatayo ko ay pumwesto ako sa may dulo ng bundok na makikita mo ang magandang tanawin, ngunit hindi ko makita ito ngayon dahil sa pagpatak ng mga ulan sabay ng aking mga luha.

I am a failure. I am a failure. I am a failure. Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko. Lagi ko itong naririnig at sa tuwing ganito ako wala akong malapitan dahil kahit na marami akong kaibigan, di ko sila mapagsabihan ng kahit anong problema kasi kilala nila akong masiyahing tao, palangiti, at ang taong laging nagmomotivate sa kanila.

Iniisip ko parang gusto ko ng mawala. Gusto ko na lang maging bula na Kung saan maaaring mawala na lang bigla. Nasa dulo na ako ng bundok ng biglang...

When it rainsStories to obsess over. Discover now