Chaper 11: "Forever"

242 11 0
                                    

CHAPTER XI

 

(A/N: So this is it, PANCIT! Last chapter na po ito. SALAMAT SA MGA NAGTIYAGANG SUMUBAYBAY SA KWENTONG MAS WALANG KWENTA PA SA MGA IKINUKWENTO SA PAGONG! XD Salamat sa mga naumay, nabadtrip, nawalan ng gana kumain, nasiraan ng ulo, nabagot, natawa sabay napautot, kinilig, naiyak, tumulo ang sipon, natanga, NABOBO SA MATH, nag-FEELING MATH GENIUS, nagfeeling-ghost, nainlove sa TEACHER NILA SA MATH, natutong MATHulog sa klase, in short sa lahat ng nag-enjoy sa kwento!!! OH SIGE NA HINDI KO NA PATATAGALIN! LAST CHAPTER, HERE WE COOOOOME!)

 

Dahil nga sa last na pagsubok ko na ito, SOBRANG KAKAIBANG PARAAN NA NAMAN ANG GINAWA NI LORD NA PAGPAPADALA SA AKIN NG LAST NA CHALLENGE NIYA. Dinala niya kami ni Sam sa isang kakaibang lugar. Isang lugar na punong-puno ng iba't ibang mga makukulay na bulaklak, halaman, mga hayop, ibon, mga puno at marami pang iba. Para itong isang tunay na paraiso. Isang paraisong kami lang ni Sam ang tao. Parang panaginip. Kinurot ko ang sarili ko (MASAKIT T_T) kaya hindi ito isang panaginip. Tinignan ko si Sam. HAYS. ANG GANDA TALAGA NIYA. <3 Manghang-mangha rin siya sa mga nakita niya. Hindi na siya nagtaka kasi siguro naexplain ko naman sa kanya ang lahat. Alam kong isang napakagandang paraan na ito para mapag-usapan naming dalawa ang mga bagay na dapat pag-usapan. Mga bagay na dapat linawin. Mga bagay na dapat nang linawin. Oo, mga bagay na dapat linawin. Linawin, linawin, linawin. Hays ang gulo pa rin ng isip ko. Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita si Sam.

"Kai? Pwede ba tayo mag-usap bestfriend?" tanong niya sa akin.

NAGULAT AKO. Ngayon na lang kasi talaga niya ako inaddress sa ganung tawag. Bigla kong kinabahan. Kumabog ang puso ko ng sobra. Parang gustong kumawala ng puso ko. Hays wag naman ngayon. MAWAWALA ANG KAMACHOHAN KO EH. T___________T

"Kai, sorry." Paiyak na siya nang sabihin niya ito sa akin.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, PLEASE!"

"Sam, bakit ka umiiyak??? Ano ang problemaaaa? :((((( WAG KANG UMIYAK PLEASE." Sagot ko sa kanya. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT SIYA BIGLANG HUMIHINGI NG TAWAD SA AKIN. Pero basta, AYOKONG MAKITANG UMIIYAK siya. HINDI KO KAYA. Parang dinudurog ang puso ko. Parang 'yung pakiramdam ng may sugat ka tapos pipigaan ng kalamansi? 'Yung tipong magang-maga ang lalamunan mo tapos paiinumin ka ng malamig na tubig? 'Yung pakiramdam ng PIGSA sa PWET habang napasakay ka sa isang BYAHENG-LANGIT na jeep? Isama mo na rin siguro 'yung pakiramdam ng bulateng nilagyan ng asin. GANUN KASAKIT ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON. SOBRANG SAKIT. ANG SAKIT MAKITANG NASASAKTAN 'YUNG TAONG MAHAL MO. T*NGNA! BASTA ANG SARAP MAGMURA!

"Kai, kasi ganito 'yun hin—

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Sam sa akin. HINDI KO NA PINIGILAN PA ANG DAMDAMING KUMAKAWALA SA DIBDIB KO. BAHALA NA SI BATMAN. MAGALIT NA ANG DAPAT MAGALIT. MAGHALO NA ANG BALAT SA TINALUPAN. MAPALABAN MAN SA LASENGGO SA INUMAN, BUMALIK MAN AKO SA SINAPUPUNAN. WALA NA KONG PAKIALAM . ANG MAHALAGA NGAYON,  MAIPADAMA KO SA KANYA KUNG GAANO KO SIYA KAMAHAL. KUNG ITO NA ANG HULING ORAS KO. WALA NA AKONG PAKIALAM. Niyakap ko siya ng MAHIGPIT. SOBRANG HIGPIT. Pagkatapos nun, ISANG PANAGINIP NA ANG NANGYARI. HINALIKAN KO SI SAM. Isang halik na punong-puno ng pag-ibig. Isang halik na katumbas ng katuparan ng lahat ng aking mga pangarap. Ni hindi ko inakalang darating ang panahong ito sa buhay ko. Para kong lumulutang sa hangin. Sa bawat sandaling lumilipas na nagpapatianod kami sa aming mga nadarama sa loob ng paraisong yaon ay isa lang ang naisip ko. PANAHON NA. KAILANGAN KO NG SABIHIN SA KANYA ANG LAHAT. ANG LAHAT-LAHAT. Hindi na ko magpapaTANGA pa. Basta lakasan nalang ng loob. KAILANGANG MAGKAALAMAN NA.

Pagkatapos ng mga sandaling iyon, halos maghabol kami ng aming mga hininga. Napangiti kami sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi pa rin ako makaalis sa kumunoy ng mga sandaling iyon. Pero gaya ng sinabi ko kanina, KAILANGAN KO NANG MASABI KAY SAM ANG LAHAT.

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Where stories live. Discover now