Chapter 8: "Wala po akong maalala."

185 7 2
  • Dedicated to Andrea Paragas Senorio
                                    

CHAPTER VIII

 (A/N: Ito pong chapter na ito ay idinededicate ko po sa isa sa mga PINAKAMAHALAGANG TAO SA BUHAY KO. <3 Alam ko pong magugustuhan mo ang story lalo na ang chapter na ito kahit na bunsong kapatid ka ni Kai ^___________^ Muli para sa'yo ito Andog at sana magustuhan mo!)

May isa na kong nasagot. 1 down. 9 more to go. Pero ako nga ba talaga ang sumagot? Eh si Ms.President ng Mathematics ang tumulong sa akin e. ;// Pero wala akong magagawa kundi magtiwala sa Kanya. Siguro may plano siya kung bakit siya nagbigay ng CHALLENGE sa akin gamit ang WORST SUBJECT ON EARTH. Sa dami ng ibang subjects that I excel, dun pa sa HINDI AKO MAGALING. INUULIT KO, "HINDI AKO MAGALING" AT HINDI KO SINABING "BOBO AKO SA MATH" 'KAY?! Siguro ganun lang talaga si Lord. Alam Niya kasi ang lahat-lahat sa atin. Alam Niya ang ating mga STRENGTHS and WEAKNESSES. Walang kahit anomang maitatago. Sabi nga ng mommy noon, ultimo bilang ng ating mga BUHOK sa ULO ay bilang Niya (I am strictly emphasizing "BUHOK SA ULO" kaya 'yung mga BERDE diyan MAGSITIGIL KAYO ://)

kaya ibig sabihin lang nun na alam ni Lord ang ating kabuuan.

Naglakad-lakad akong muli kasi parang may lugar na naman na gustong puntahan ng paa ko at sa isang iglap, nasa harapan na ako ng isang mataas na gusaling ito. Wait, pamilyar ito. Kelan nga ba ako huling pumunta rito? Sige na nga makapasok na nga lang para malaman ko na ang sagot sa tanong ko. Pagkapasok ko palang, may nakita na kong isang babaeng papasok ng elevator. Hinabol ko siya para sumakay na rin doon. Hays medyo nasasanay na ko sa get-up ko ngayon. MULTO lang ang peg.

Medyo nakakalungkot lang kasi GUSTONG-GUSTO ko siyang yakapin ngayon pero alam kong hindi naman niya ko nakikita. :( Pero siyempre dahil makulit nga ako, NIYAKAP KO PA RIN SIYA. Alam ko medyo parang naweirduhan siya sa mga nangyari. Bigla nalang siyang nagmadali sa paglakad papunta sa isang kwarto. Siyempre sinundan ko siya. Mabilis siya kaya nakita ko nalang na pumasok siya sa isang kwarto at sinarado ang pinto. Sumunod pa rin ako. NAGULAT DIN AKO NUNG TUMAGOS AKO SA PINTO. Parang 'yung mga napapanood ko lang na mga palabas sa tv or sa mga movies na tumatagos ang mga multo sa pinto. Ganun na ganun. Sobrang kakaiba sa pakiramdam. Pero ano pa bang ikinagugulat ko at ito na nga, MULTO NA NGA AKONG TUNAY. -____- Haysss ;//

Pagpasok ko nga sa kwarto, nalaman ko agad ang sagot. Ito nga ang Ospital na iyon. 'Yung ospital na madalas pagdalhan sa akin everytime na nagcocollapse ang katawan ko. Last 2 years pa nung huli akong naadmit dito. Ayoko kasi. Hangga't maaari ayoko sa ospital. Ayoko ng amoy, ayoko ng itsura at lalong ayoko ng mga doktor! Basta AYOKO SA OSPITAL! GALIT AKO SA MGA DOKTOR! MGA GAG* SILANG LAHAT! NATURINGANG MGA DOKTOR MGA BOB* NAMANG LAHAT! BAKIT SILA ANG NAGDIDIKTA SA BUHAY NG TAO KUNG KELAN NILA LILISANIN ANG MUNDONG ITO? ANO SILA SI LORD? SI LORD NGA BINIBIGYAN PA KO NG PAGKAKATAONG MATAPOS ANG MISYON KO RITO TAPOS SILA KUNG MAKAPANG-DIKTA?! F*CKSH*T!

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Baon-baon ko pa rin pala ang mga poot na iyon sa puso ko. Gusto kong MAGWALA para tuluyan nang magwakas ang lahat ng kapighatiang ito sa PUSO ko. Pero hindi ko magawa. HINDI KO MAGAWA. NATIGILAN AKO. May narinig akong isang boses na UMIIYAK. Saan galing 'yun? Nang iangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko ay tila NAGWAKAS ANG LAHAT NG AKING PAGHIHINAGPIS. PAKIRAMDAM KO ANG SAMA-SAMA KO AT SOBRANG SELFISH KO. WALA AKONG IBANG INISIP KUNDI ANG NARARAMDAMAN KO. BUONG BUHAY KO PURO SARILING DAMDAMIN KO LANG ANG PINAHALAGAHAN KO AT NI HINDI KO MAN LANG INISIP ANG NARARAMDAMAN NG MGA NAGMAMAHAL SA AKIN. ANG TANGA KO. SORRY LORD. ;// PATAWARIN MO PO AKO. LALO KA NA, "ANNE."

Kitang-kita ko kung paanong lumuha si Anne sa harap ko. Sa harap ng katawan ko. Naalala ko tuloy 'yung eksena sa salamin.

"Tignan mo Kai, ikaw ang nasa higaan." sabi ng lalaking mahaba ang balbas.

"Bumigaw na ang katawan mo. In short, malapit ka na talagang mamatay." pahabol pa niya.

"HAAAAAA? WHAAAAAAAAAAAAAAT? DI NGA? OWSSS?! WAG KA NGANG ECHOS DIYAN!" sagot ko naman sa kaniya.

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Where stories live. Discover now