"You only have one day, one day and then babalik ka na dito." Pagpapaalala sakin ni Mommy
"Aye,aye captain." Sigaw ko at tumawa ng malakas
"Dapat na ba kitang palagi payagan na lumabas para palagi ka ding masigla?" Birong tanong nya
"Bahala ka..." Pabitin kong sagot kahit na wala na talagang kasunod yun.
"Kaso hindi pwede at alam mo naman kung bakit hindi ba?" Pagsasabi sakin ni Mommy. Alam ko naman kaya nga nagbebehave na ako dito.
"Pwede na po akong lumabas?" Tanong ko kasi nasasayang na yung one day na binigay nila sakin.
"Pero 5 am palang baka mapano ka." Pagaalalang sabi nya sakin
"Mama naman eh I'm 17 na tsaka dinadaya nyo na po ako." Pagmamaktol ko
"Oh sya, sya be safe sa labas iba na ang panahon ngayon." Pagpapaalala nya
Masaya akong lumabas. Hindi pa sumisilay si haring araw kaya parang gabi parin. Ang presko ng hangin dito sa labas hindi kagaya sa loob na ka aircon sobrang lamig. Naglakad-lakad ako at naghahanap ng pwedeng kulitin. Wala naman kasi kaibigan sa labas kaya gagawa pa lang ako ngayon.
Mamaya-maya pa ay may nakita akong lalaking naka-hoodie. Pwede na siguro sya. Patalon-talon akong naglakad pa punta sa kanya. I'm just happy that's all kaya parang bata ako kumilos tsaka hindi ko kasi to nagawa dati.
"Hi kuya, I'm Kristel Hernandez and I'm 17 years old. Are you single?" Bungad ko sa kanya. Nagsisigurado lang na wala syang first priority bukod sa family.
"No talking to stranger." Dinig kong bulong nya na halatang kinakabahan. Bakit kaya? Naglakad na sya at sinundan ko lang sya.
"Kuya, wala ka pa pong sagot." Sabi ko habang sinusundan ko pa rin sya
"Don't talk she might be a killer." I still can hear. Kinakabahan talaga sya dahil masyadong napapalakas ang pagbulong nya.
"I'm no killer. I just want to be friend with you." Sabi ko ulit at mukhang hindi nya na ako matiis at tumigil na sya.
Tumigil lang sya pero hindi nya ako kinausap o tinunghay manlang ang ulo nya para tumingin sakin. Ganon ba sya natatakot sakin? Grabi ba akong nakakatakot? Maayos naman ako nung lumabas ako kanina.
"Hi, I'm Kristel Hernandez and I'm 17 years old. Are you single?" Pag-uulit ko sa kanya at nilahad ang kamay ko.
"Are you sure you're not a killer?" Kabado nyang tanong.
"Silly question. Sa tingin mo ba aamin ako kung killer ako at kung hindi naman for sure mao-offend sila pero I'm special case because I won't be offended." Sagot ko kasi nakakatawa talaga sya.
"I'm Frost Tejada and I'm single too." Sagot na sakin. Finally.
"Your smile its creepy parang ikaw yung killer satin eh." Sabi ko sakanya at tumawa kasi awkward nung smile nya tapos big smile pa haha parang si joker lang.
"Should I be offended or not?" Taka nyang tanong sakin. Umiling lang ako.
"Can you accompany me in this whole day?" Bigla kong tanong sa kanya
"Sure, I don't have any sched today." Sagot nya naman na ikinapalakpak ko.
"So do you have any phone?" Tanong ko habang naglalakad kami
"So holdaper ka?" Tanong nya pero alam kong joke lang yun
"Syempre hindi. Punta kang notepad at i-type mo yung sasabihin ko. Kristel Hernandez happiness list. Park and mall. Street foods, fast food chain." Sabi ko at nakita kong nagtitipa sya sa phone nya.
