Kabanata 11

1.6K 42 0
                                    

WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS |


"Miss Elisa may nagpapabigay sa iyo."



Kasalukuyan akong abala sa paggawa ng grado ng aking mga estudyante ng may iabot sa akin. Tatlo iyong kulay pulang rosas na nakapagpakunot sa akin ng noo.



"Sino 'daw ho nagpapabigay?" Nagtataka ko pang tanong. Nagkibit balikat ito sa akin at bumalik sa kanyang upuan.



Nagsimula naman magtuksuhan ang mga taong nandoon.



"Halah, Miss Elisa baka manliligaw mo na 'yan!" Sabi ng isa sa kapwa ko guro na dinugtungan naman ng isa pa.



"Ang sweet naman Ma'am!"



"Magkaka-boyfriend ka na, friend!"



Parang gusto kong magtago sa kinauupuan ko sa ngayon dahil sa mga sinasabi nila.



Ayokong magpaapekto sa mga ito at minabuti nalang na huwag pansinin iyon. Hindi naman nila alam ang totoo kaya siguro ganon nalang ang reaksyon nila.



Sabay sabay nalang kaming napalingon mula sa pinto ng pumasok ang isa sa kasamahan namin at halos naghahabol ito ng kanyang hininga.



"Du—mating na si Mr. P—resident." Tila nawawalan ng hiningang sabi nito.



Narinig ko pa ang singhapan ng mga taong nandoon at tila ba'y naging aligaga ang mga ito at kanya kanyang inatupag ang kanilang ginagawa.



Parang natuwa yata ako sa balitang iyon. Syempre nagulat dahil hindi ko naman inaasahan darating na pala iyon. Dalawang araw ko rin iyong hindi nakita at parang gusto ko yata siyang pugpugin ng halik.



Mas lalo pang naging aligaga ang mga taong nasa loob ng ianunsyo nito na may meeting raw sa opisina ng Presidente.



"Ang aga naman yatang napauwi ni Pres!" Ani ng isa kaya napatingin ako.



"Oo nga, balita ko kasi tatlong araw daw ang itatagal niya sa Maynila." Dagdag pa ng mga nandoon.



Napapailing nalang ako sa mga naririnig ko at napagpasyahan ng lumabas dala ang mga gamit ko. Naabutan ko pa ang dalawa kong kaibigan na naghihintay sa akin.



"Girl, jusko umuwi na 'daw si Mr. President." Tila kinikilig lang sabi sa akin ni Ulap at niyugyog pa ang balikat ko.



"Sandali, huwag mong sabihing sa kanya yan galing." Napatingin pa kami sa hawak kong rosas ng mapansin iyon ni Klea. Napakibit balikat nalang ako.



"Hindi ko alam...." Sagot ko.



Siguro! Wala naman kasing nakalagay kung sino ang nagbigay. Sayang naman kung itatapon ko lang. Marunong naman akong magpahalaga ng maliit na bagay.



"Nakakakilig talaga siya 'no?" Napapikit nalang ako ng aking dalawang mata sa komento ni Ulap.



Sabay kaming naglakad papunta sa pagdadaungan ng meeting. Tila mga nababahala ang mga nandoon kaya nagtaka ako. Naupo kami sa likod ngunit sapat na para makita at marinig namin ang dapat talakayin.



Nagsisidatingan na ang mga empleyado ng unibersidad at ilang sandali pa ay dumating na rin siya. Daeus Levaughn!



Parang gusto kong lumubog ngayon dahil sa kakaibang titig nito. Mabilis lamang iyon ngunit para sa akin ay tagos na tagos iyon.



SEDUCTRESS - CompletedWhere stories live. Discover now