ANE22

4 1 0
                                    


Pamagat: Huling Tula
Isinulat ni: ImperialRocelyn


Naalala ko ang mga obrang nilikha ko para sayo. Isinama pa kita sa aking proyekto sa Filipino, dahil ikaw ang inspirasyon ko.
Nakakalungkot lang dahil ang mga obrang isinulat ko, para pala sa taong hindi ko makakasama hanggang dulo.

Pero ayos lang dahil ang kaligayahan mo ang tanging hinahangad ko. Sana masaya ka sa pinili mong direksyon. Tuparin mo lahat ng mga pangarap mo, tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko.

Ayokong maging hangal sa hinahangad mo, kaya kahit mahirap, pati kalayaan mo ibibigay ko. Basta ipangako mo, huling pagkakamali saakin hindi mo na gagawin sa babaeng iyong pinili.

Pareho tayong hindi perpekto kaya relasyon natin naging masaya't magarbo. Hindi ko naman aakalain, kulang pa rin pala ako sa'yong paningin.

Sa babaeng iyong pinili, sana masaya ka ngayon kanyang piling. Sana maibigay niya ang mga bagay na hindi ko naibigay noong ako pa ang iyong binibini. Sana pekeng rosas kanyang tanggapin dahil nasa ngiti mo ang ning ning. At sana lahat ng mga sulat na iyong isusulat kaniyang itabi dahil natatangi ang iyong galing.

Mga regalong ibinigay saakin patuloy kong itatabi. Nasira man ang ilan dahil sa kalumaan, asahan mong litrato mo sa pitaka ko'y patuloy na mananatili. Sulat na hindi naibigay, aking itatago dahil punong-puno ito ng pangakong ikaw at ako hanggang dulo. Nabigo man ako sa laban, hindi ko pinagsisisihang ika'y aking pinaglaban sa aking mga magulang.

Sa aking mga anak aking ipapakita, masasayang ala-ala na ating nilikha dahil ang iyong pinadama ay tunay na kakaiba sa lahat ng aking nakilala. Ito ang ika-siyam na buwan simula noong tayo'y maghiwalay at hinding-hindi ko pagsisisihang ika'y aking minahal. Ngunit sa puntong ito, puso ko'y suko na sa pagbabalik mo. Alam ko, tanggap ko na, inaako ko na, natalo ako. Natalo ang babaeng minahal mo nang tatlong taon sa babaeng nakilala mo sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ito na ang huling tula ko para saiyo, ginoo.

AGOS NG EMOSYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon