(NP: Someday by: Juris)
Pamagat: Tama Na
Isinulat ni: ImperialRocelynSa pagbuhos ng malakas na ulan,
Nilabas ang tunay na nararamdaman.
Gulong-gulo ang isipan,
itutuloy pa ba ang laban?Mahirap gumising sa umaga na wala ka, mahirap matulog sa gabi na hindi ka kasama, lalo't hindi pala tayo para sa isa't-isa.
Napakahirap gamutin ng pusong sinugatan.
Pero mas mahirap maiwan ng walang maayos na usapan.Puso'y nadudurog nanaman, mga mata'y patuloy na lumuluha.
Tinatanong kung tayo'y babalik pa ba kung saan tayo nagsimula.Sana dumating ang panahon na wala na, dahil ako'y nahihirapan na. Sabihin mo, saan ba lulugar ang mga taong naiwan at nasaktan?
Gusto kong umiyak ngunit ubos na ang aking mga luha.
Gusto kong lumaban ngunit wala na akong kakayahan.Gusto pa kitang habulin, pero wala ng lakas ang katawan.
Gusto pa kita makasama, pero pagod na akong umasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/190584871-288-k889148.jpg)
YOU ARE READING
AGOS NG EMOSYON
PoetryIba't-ibang emosyon ang nararamdaman ng isang tao. Hayaan mong damayan kita sa pamamagitan ng mga tulang sinulat ko, kasabay ng mga kantang aking inalay para mas lalong sumarap ang iyong pagbabasa. Sana suportahan niyo ang bawat chapter ng librong...