Bakit kaya parang ang bait niya ngayon sa akin? Parang noong nakaraang linggo lang ay sinabi niya sa akin na disappointed siya sa akin. Masakit siya magsalita at diretso. Walang paliguy-ligoy at totohanan.


Nakita ko rin siyang magalit nang sigawan niya si Hazel dahil sa script. Para siyang halimaw na nagtatago sa gwapong mukha at magandang katawan. Nakakatakot pala siyang magalit. Kaya pala siya tinawag na Terror Director.


"Congratulation nga pala kanina," mayamaya ay sabi ko sa kanya. Gusto ko lang basagin ang katahimikan.


Nagsimula na kasi ang shoot kanina at naging successful ang lahat ng scenes. Walang palpak at naulit na take kanina.


"I'm lucky 'coz Rogue is a great actor," aniya habang sumasandok sa kanyang plato.


Halos lahat kasi ng scene na na-shoot kanina, karamihan dito ay sa point of view ni Rogue. Ayoko man aminin pero magaling talaga ang hinayupak na yun. Masyadong organized ang lalaking iyon at kabisado na nito ang script kaya hindi ito nagkamali. Walang film na nasayang dahil hindi na nagkaroon ng another take kapag ito na ang nakasalang.


"If this will continue, mabilis matatapos ang shooting na ito. In fact, I'm kind of unsatisfied in this set. This place is unrealistic. I'm planning to go to the real island."


"S-sa totoong isla?"


"Yeah."


Napaisip ako. So pupunta kami sa totoong isla. Hindi katulad ng set dito na man-made lang na isla? Bigla akong nasabik na makatapak sa totoong isla.


"The production is setting a meeting with the Deogracias."


"Deogracias?"


"We're planning to rent their island. The one and only Isla Deogracia."


Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko ang islang iyon. Madalas na naf-feature iyon sa mga magazines and commercials. Iyon raw ang pinakamagandang isla sa buong mundo. Pati ang mismong hotel and cabins ay worldclass ang pagkakatayo. Pag-aari iyon ng mga Deogracia. Wala raw ibang nakakapunta doon kundi mga mayayamang afford ang lugar. Kung doon na nga gaganapin ang shoot ay malamang na malaki ang magagastos ng production.


"Imagine, it's like a vacation, right? Isla Deogracia is the best place where our set should be. It's a perfect island to film this movie."


Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya sa plano niyang ito. Assistant slash helper slash extra lang naman ako dito sa set. Wala rin namang kwenta kung magsa-suggest ako sa kanya.


Magastos ang pag-rent sa Isla Deogracia at baka mahirapan silang itawid ang lahat ng gamit papunta doon. Kakailanganin ng jetski o chopper para sa mabilis na biyahe. Lalo na't araw-araw ay may catering sila kaya siguradong hindi biro ang presyo nun. Kung tutuusin kasi ay pwede naman silang humanap ng mas murang isla.


Pero kung malaki talaga ang budget sa movie na ito, hindi problema ang pera. Balita ko nga na marami ang nag-invest para lang mabuo ito. Sana nga lang talaga ay malaki ang kitain ng pelikulang ito para mabawi ang lahat ng expenses.

The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon