Chapter Two

332 15 0
                                    

“ANO’NG meeting ang dapat nating puntahan sa Silver Grande, Andrew?” tanong ni Jared sa kanyang sekretaryo-cum-assistant-cum-driver habang lulan sila ng sasakyan patungo sa naturang hotel. Napakunot-noo pa siya kanina nang makita ang bungkos ng mga bulaklak sa kanyang tabi. Masama ang kutob niya sa mga bulaklak na iyon.
“Date n’yo po with Miss Tina Rodriguez,” sagot ni Andrew na may pag-aalinlangan sa tinig. Pagkuwa’y inabot nito sa kanya ang tablet na madalas nitong hawak. “Nand’yan po lahat ng kailangan n’yong malaman tungkol kay Miss Tina. S-in-ummarize ko na po para sa’yo.”
Nahilot ni Jared ang magkabila niyang sintido. Napabuntong-hininga siya ng malamang anak ni Greg Rodriguez—ang developer ng Calypso—si Tina. A deep hollow formed in the pit of his stomach. Sigurado siyang si Tina ang Plan B na inihanda ni Roberto sakaling hindi nila makuha ang Calypso project sa bidding against Villarosa & Associates. Ibig sabihin ay hindi pa rin nito ibinibigay ang buong tiwala kay Jared.
Kailan ba ako magiging sapat para sa’yo?
“Andrew, sa tingin mo ba ay magugustuhan ako ni Tina?”
“Oo naman, sir. Sino ba ang hindi magkakagusto sa’yo eh, napaka-gwapo mo?” nakangiting sabi ni Andrew.
“Really? But I’m certain that…I won’t like her,” or any other girl for that matter.
“Eh? Bakit naman, sir? Nakita mo na ba ang picture ni Miss Tina? Maganda naman siya ah,” ani Andrew.
Dahil may gusto akong iba. Still. I still like her, gustong sabihin ni Jared kay Andrew. Pero baka pati iyon ay i-report nito kay Roberto. Sa kanya ito nagtatrabaho pero alam niyang nasa presidente pa rin ang loyalty nito. Kaya tumahimik na lang siya at nag-isip ng paraan kung paano niya iha-handle si Tina Rodriguez. Ngunit wala siyang ibang maisip kundi si Kris—ang tanging babaeng nagmamay-ari pa rin ng puso ni Jared ngayon.
Paano kaya kung ito ang makalaban niya sa Calypso project bidding? After all, sa Villarosa & Associates naman ito nagtatrabaho. Ano’ng mangyayari kapag nagkita silang muli? Would she act like they’re friends or would she just ignore him? Ano’ng gagawin niya kapag nagkaharap silang muli?
They were still friends on Facebook. Binabati niya ito sa pamamagitan niyon occasionally pero hindi pa talaga sila muling nakakapag-usap tungkol sa kanilang paghihiwalay noon. Dahil ang mga ganoong bagay ay hindi dapat sa Facebook pinag-uusapan. After he’d done that dick move of breaking up with her and leaving her, Facebook was not enough means to ask for forgiveness.
Pero malaki din ang pasasalamat ni Jared sa Facebook dahil kahit paano’y pakiramdam niya’y parte pa rin siya ng buhay ni Kris sa nakalipas na limang taon. But still, he regretted breaking up with her. Ito ang naging kapalit ng lahat ng mayroon siya ngayon.
“Nandito na po tayo, sir,” pukaw ni Andrew sa kanyang atensyon.
Humugot ng isang buntong-hininga si Jared bago umibis ng sasakyan. Bitbit ang bungkos ng mga bulaklak na inihanda ni Andrew para kay Tina ay pumasok si Jared sa loob ng Silver Grande Hotel. Iginiya siya ng isang concierge papuntang Silver Plate—ang five star ding restaurant ng lugar—kung saan daw sila may reservation ni Tina. Siyempre, gawa iyon ni Roberto. Pero natigilan si Jared nang makita sina Chino at China pati na rin ang dalawang taong gulang na anak ng mga ito sa loob ng Silver Plate kasama si…Kris.
Nakabalik na pala ito ng bansa? Kailan pa? Dahil ba sa Calypso project? Bakit kailangang ngayon pa niya ito makita kung kailan may “obligatory” date siya kay Tina?


HINDI mapigilan ni Kris ang panggigigil sa dalawang taong gulang na anak nina Chino at China. Napaka-fluffy kasi ng pisngi ng bata kaya panay ang kurot at halik ni Kris kay Philip. Matagal na niyang gustong makita ang inaanak pero nagkasya na lang siya sa pictures at videos nito mula kina Chino at China noon. Kaya babawi siya kay Philip ngayon. Simula sa pagpapakain dito para mas maging fluffy pa ang cheeks nito.
“Oh, God. He’s so cute.”
“Gumawa ka na rin kasi ng sa’yo,” nakangiting sabi ni China.
“Paano? Ni boyfriend nga wala ako, magiging tatay pa kaya ng anak ko?” sabi niya rito habang sinusubuan naman ng spaghetti si Philip ngayon.
“How about Adam?” biglang sabi ni China.
“China…” tila nananaway na sabi ni Chino dito.
“Bakit? It’s not like tinatago ni Adam ang feelings niya para kay Kris, right?” sabi naman ni China sa asawa. Napabuga na lang ng hangin si Chino dahil sa sinabi nito. Pero naintindihan niya ang pag-aalala ni Chino.
“Actually, I’m happy with Adam’s company. Despite the distance between us, ipinaramdam niya sa’king hindi ako nag-iisa sa Singapore. Sa constant Skype calls at messages niya sa Facebook, pakiramdam ko ay nando’n din siya sa Singapore. Hindi ko minamasama ang pagiging makulit niya kasi siya ang happy virus ko. Pero naiintindihan ko ang concern mo, Chino. Don’t worry, wala akong balak na…patulan siya. I don’t like him that way. Mapapagod din sa pangungulit sa’kin ‘yong si Adam,” nakangiting sabi niya sa mga ito. 
Chino used to be Jared’s best friend. Pero katulad ni Kris ay iniwan din ito ng lalaki para sa pangarap nitong gustong makamit. Alam niya kung ano ang iniisip ni Chino. Na baka maipit lang siya sa awayan ng magkapatid—nina Adam at Jared. Naiintindihan niya iyon pero hindi niya mahindian si Adam dahil malaki ang naging parte nito sa buhay niya nitong nakalipas na limang taon. Kahit na nagkalayo sila ay hindi pa rin siya nito iniwan.
Isa pa’y hindi naman niya inaasahang babalikan siyang muli ni Jared.
“Eh, si Jared? May komunikasyon pa rin ba kayo?” tanong ni China.
“Nagpi-PM siya minsan sa Facebook. Tuwing may okasyon.”
“Tinawagan niya ako noon, Kris. No’ng namatay ang Lola Guada mo,” pagkuwa’y sabi ni Chino. “Hindi ko sinabi sa’yo noon dahil ayokong umasa ka na naman sa kanya. Sa kondisyon mo noon, alam kong hihilingin mo sa kanyang umuwi siya at natatakot akong tanggihan ka niya dahil mas mahalaga ang pangarap niya at masasaktan ka lang ulit. Nahiya ako sa’yo noon, Kris. Para sa best friend ko.”
“Napaka-sentimental mo talaga, Chino,” sabi ni Kris dito sabay tapik sa kamay nito. Na-appreciate niya ang pag-aalala nito sa kanya. “Hayaan na natin ‘yon. Nasa past na eh.”
“Pero paano kung balikan ka ni Jared? May pag-asa ba siyang matanggap mo ulit? I mean, kapag sinuyo ka niya ulit,” tanong na naman ni China. Muli itong sinaway ni Chino pero hindi nagpaawat sa pang-iintriga sa kanya ang babae. “Nand’yan pa rin ba ‘yong feelings?”
“I guess,” sagot niya rito sabay kibit ng balikat. “I’m afraid it’s the kind of feeling that stays.” Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo noon lalo na’t ito lang ang gusto mong makasama habang-buhay—noon.
Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita ulit sila ni Jared. Magiging indifferent ba siya dito, ngingitian ba niya ito o ano? Kasi kahit nagpaalam naman ito noon ng maayos ay nasaktan pa rin siya. As if, may “maayos” na break-up. Tuwing iniisip ni Kris iyong apat na taon nilang pagsasama noon na itinapon lang ni Jared para makapag-aral sa ibang bansa—at dahil na rin sa utos daw ng tatay nito—ay gusto niyang dukutin ang mga mata ni Jared mula sa eye sockets nito.
Pero noong nalaman ni Kris na naka-graduate si Jared at nag-assume ito ng mataas na posisyon sa M Architects ay bahagya niyang nakalimutan ang sakit ng nakaraan. Dahil alam niya ang kwento nito. Alam niya ang tungkol sa pangarap nito. Dahil nakita niyang may kinapuntahan ang desisyon nitong pag-iwan sa kanya noon. And she was really happy for him.
Pero sa totoo lang ay wala na siyang balak pang makipagbalikan dito. Nakalipas na ang panahon nilang dalawa at hindi na nila maibabalik pa ang dati.
“Crap! Si Jared ba ‘yon?” pagkuwa’y sabi ni China habang nakatingin sa may entrance ng Silver Plate kung nasaan sila.
“Very funny, China,” sabi niya rito sabay ikot ng mata.
“Hindi nga. Si Jared nga ‘yon at nakatingin na rin siya dito,” sabi pa ni China habang nakatingin pa rin sa may entrance. “Brace yourselves. Palapit siya dito at…OMG! May dala siyang flowers!”
What? Shit. That can’t be…
Nang marinig ni Kris ang tungkol sa Calypso project bidding—na iyon ay magiging laban sa pagitan ng M Architects at Villarosa & Associates—ay inihanda na niya ang sarili sa posibilidad na maaari na naman niyang makita si Jared. Pero hindi yata inabot ng paghahandang iyon ang puso niya. Dahil nang lumapit sa mesa nila si Jared ay naging eratiko ang tibok ng kanyang puso.
Bakit napaka-sutil ng puso niya?
Ugh. No. Nagulat lang ako.
“Hi,” pormal na bati ni Jared sa grupo nila. Pakiramdam niya’y napako ang tingin niya kay China dahil hindi niya magawang lumingon dito.
“Hello, Jared. Long time, huh?” nakangiting bati ni China dito. Samantalang tango lang ang isinagot ni Chino sa dating kaibigan.
“Yeah. It’s been five years, actually,” sabi ni Jared.
Sa pagkakataong iyon ay naramdaman na ni Kris ang mainit nitong tingin sa kanya. Kaya nilingon na niya ito at binigyan ng isang kiming “hi”. Shit.
Gwapo pa rin ito katulad nang dati pero mas lalo itong gumwapo ngayon. Prominente pa rin ang jawline nito—na paborito niyang hawakan noon—kahit na medyo nagkalaman ang pisngi nito. Wala itong ibang alam na hairstyle dati kundi ang simple casual style pero marunong na rin itong mag-side part pompadour ngayon dahilan para mas maging on point ang propesyunal nitong dating. Pero higit na makatawag pansin sa hitsura nito’y ang makapal nitong mga kilay, deep set coffee brown eyes at ang sexy nitong mga labi. Walang mag-aakalang arkitekto ito at hindi isang modelo.
“Para kanino ‘yang flowers, Jared?” pagkuwa’y tanong ni China dito. Lahat naman sila’y napatingin sa bitbit nitong bungkos ng mga pink carnations.
“Ah, you’re meeting someone,” siya na ang sumagot para dito. Hindi para sa kanya ang mga bulaklak na iyon. Dahil alam ni Jared kung ano ang paboritong bulaklak ni Kris at hindi iyon carnations.
Bakit parang disappointed ka? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Pero agad niyang itinanggi iyon sa sarili.
“Uh, yeah. I have—“ Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil lumapit dito ang isang concierge at may ibinulong. Pero narinig pa rin nila iyon.
“Your date has arrived,” ang sabi ng concierge. Ramdam niya ang awkwardness na nararamdaman ni Jared at ang disappointment ni China.
“Excuse me,” anito. “It was nice seeing you.” He said to no one in particular.
“Team Adam,” sabi ni China ng makalayo sa kanila si Jared. Saka ito bumaling sa asawa. “Kampihan mo na ‘yong best friend mo. Pustahan tayo.”
“Oh my, God. China,” nanlalaki ang mga matang sabi ni Kris dito. Pero nginisihan lang siya ng babae saka ito muling tumingin sa gawing pinuntahan ni Jared.
“Ah. Si Tina Rodriguez pala ang date niya. Gosh, I hate her curves. She’s so sexy,” ani China.
Napakunot-noo si Kris. Hindi dahil sa kaseksihan ng kung sinong Tina na iyon kundi sa apelyido nito. “Kaanu-ano siya ni Greg Rodriguez?” tanong niya rito.
“Eldest daughter.”
Shit. Isa lang ang ibig sabihin ng date na iyon—na si Jared ang makakalaban niya sa bidding.
Marahas ang naging paglingon ni Kris kay Jared. Nakaupo na ito sa mesang malapit sa may bintana—kung saan makikita ang magandang view ng pool—kaharap ang isang magandang babaeng naka-blue one piece suit. Naramdaman siguro ni Jared ang masama niyang tingin dahil tumingin din ito sa kanya.
I can’t believe you’d play this dirty, sabi ng tingin na ibinigay ni Kris sa dating nobyo.
I’m sorry, iyon naman ang basa niya sa tingin nito.
“Grabe siya!”
“Bakit?” tanong ni Chino.
“Ang Rodriguez Holdings ang developer ng Calypso project na paglalabanan namin sa bidding with M Architects. Hindi ko akalaing simula na pala ng laban,” naiinis na paliwanag niya sa mag-asawa. “Excuse me,” pagkuwa’y paalam niya sa mga ito saka pumunta sa ladies room.
Alam niya Kris na ma-ambisyong tao si Jared pero hindi niya akalaing magagawa nitong manggamit ng tao para lang makuha nito ang gusto. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya rito gayong nagawa nga siya nitong iwan noon para sa pangarap nito?
Kalma lang, Kris. Hindi pa tapos ang laban, sabi na lang niya sa sarili. Bukas na bukas din ay kailangan na niyang maayos ang kanyang team. Kailangang makapag-conceptualize na sila ng initial plan para sa Calypso. Hinding-hindi niya papayagang manalo ang M Architects dahil hindi naman lumalaban ng patas ang mga ito.
Paglabas ni Kris ng ladies room ay napatda siya ng makitang naghihintay pala sa kanya roon si Jared. Damn you, ngali-ngaling sabihin niya rito.
“Natatakot ba kayo na matalo sa’min kaya ngayon pa lang ay gumagawa na kayo ng counter-measures para manalo?” sarkastikong sabi niya rito.
“It was just an obligatory date, Kris,” palusot naman ni Jared.
“Of course. Utos na naman ng tatay mo. Well, good luck na lang sa’yo. Pero tandaan mo ‘to, Jared. Hinding-hindi ako magpapatalo sa’yo,” mariing sabi niya rito saka ito tinalikuran at bumalik sa table nila nina China.
Pagbalik niya roo’y nagulat siya ng makitang naroon na si Adam—karga si Philip. Hindi niya akalaing ngayon na pala ang “soon” na sinabi nito sa Facebook kanina. Nabanggit kasi ni Chino kanina na nasa isang resort daw sa Laguna si Adam dahil birthday ng lola nito. That explains his white tank top, cargo shorts and sandals. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa hotel na iyon. But knowing Adam, he could get away with anything.
“Hey, kiddo,” nakangiting bati niya rito. Pang-asar niya ang pagtawag ng “kiddo” dito dahil ayaw nitong matawag na bata. Pero wala ng ‘bata’ kay Adam. Mas matangkad pa nga ito kaysa sa kanya.
Tatlong buwan pa lang ang nakalilipas mula ng huling makita ni Kris si Adam—nang bumisita ito sa kanya sa Singapore—pero pakiramdam niya’y iyon na naman ang una nilang pagkikita. Pinagupitan niya ito noon sa Singapore dahil napaka-unruly na ng medyo kulot nitong buhok. Pero mukhang napabayaan na naman iyon ni Adam dahil malago na naman ang buhok nito ngayon na itinago nito sa pagsusuot ng sombrero.
Adam has that boyish charm no one could ever resist. Pero kapag may man bun ito—tuwing malago ang buhok nito at hindi ito naka-sombrero—ay nagiging mapanganib ito sa puso ng mga babae. Lalo na kapag nagka-stubbles ito. Kaya mas gusto ni Kris na palaging maiksi ang buhok ni Adam. Para safe. Because other than his pretty face, he also has a way of charming his way into your heart—into hers.
At ayaw niyang ma-in love dito.
“Hey, yourself,” sabi sa kanya ni Adam at gamit ang isang kamay ay hinila siya palapit dito. Nanlaki ang mga mata ni Kris nang dumampi ang mga labi nito sa kanya. Mabilis lang iyon pero daig pa ng puso niya ang nangunguna sa isang karera.
Damn you, she mouthed to him. Pero ngumisi lang si Adam sa kanya kaya itinulak niya ito palayo sa kanya.
“What?” maang na sabi nito.
“That’s another steal, Adam,” aniya rito. Ilang beses na niya itong sinabihan tungkol sa pagnanakaw ng halik sa kanya pero hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nito.
“Isang halik lang naman. Until I have your heart—
  “Stealing’s a crime,” sabi naman niya rito.
“Pero wala pa namang nagmamay-ari sa puso mo, ‘di ba? Don’t worry, I have no intention of stealing your heart. I’d own it,” sabi ni Adam sabay kindat kay Kris. Sumikdo naman ang puso niya dahil sa ginawa nito.
“Team Adam!” sabi ni China na sinegundahan naman ni Philip.
Itinaas ni Adam ang isang kamay ni Philip at isinayaw-sayaw pa ang bata dahil sa sinabi nito. Pero biglang natigilan si Adam nang may makita itong kung ano…o sino. At hindi na niya kailangang hulaan pa kung sino ang nakita nito.

Something TwistedWhere stories live. Discover now