Naramdaman ko ang pagbalot ni Mikel sa aking balikat, "Masyado nang malalim ang gabi. You should rest again."

Merong dalawang kasambahay ang sumalubong sa amin. Si Manang Mayla ang isa na halatang nagulat sa pagdating ko. Malungkot niyang tinitigan si Mikel na ngiti lang ang isinukli sa kanya.

"Manang, please bring Gabby to the guest room near mine." Utos ni Mikel.

"Ha? H-hindi siya doon sa kuwarto mo?"

"Oo nga, Mikel. Hindi doon sa kuwarto mo?" Napangisi ako. Mikel just shook his head. My smile faded. Maaring ang dahilan ay ang disgusto sa akin ng miyembro ng mansyon ng mga Dela Vega. I should not bring any more trouble to Mikel.

Merong kani-kaniyang silid ang lahat ng apo ni Guada Dela Vega. Doon nakatago ang personal na gamit ng mga magpipinsan at walang nababago sa ayos non kahit matagal nang hindi napapasyal dito ang kanyang apo. Malaki ang mansyon. Since World War 2, it was renovated just once. Inayos lang ang mga nasirang pundasyon dahil sa giyera, at dinagdagan ang silid ayon sa kagustuhan ng ninuno ng mga Dela Vega. They infused more bedrooms to cater friends and relatives affected by the war. Overtime, hindi na nangailangang kumanlong ang bahay dahil natapos na ang giyera.

Gawa sa matitibay na kahoy ang buong bahay. Ultimo ang sahig, napanatili itong makintab at ang mga muebles mula sa matatandang kahoy ng mahogany ay kumikinang din. The huge windows were made of capiz and paintings of the Dela Vega patriarch proudly welcomes the visitors. The grand staircase were of different shapes and sizes per step, dahil iyon sa magkakaibang kahoy na ginamit bawat baitang.

Tiningnan ko si Manang Mayla at nginitian. "Baka hindi pa po kasi handa si Lola G sa apo sa tuhod."

"Gabby.." Mikel warned. I giggled while Manang Mayla shook her head. Kinuha nito ang duffle bag ko at saka nagpatiuna sa pag-akyat kasunod ni Mikel.

Ipinuwesto ako sa harapan ng silid ni Mikel. Dati ay doon ako natutulog sa kuwarto niya. I wonder if he shared his bed with Scarlette. Of course he did. Ang katotohanang iyon ay sumipa ng mapait na asido mula sa aking sikmura.

Ngumuso ako habang pinapaikot ang tingin sa guest room. Simple lamang iyon at hindi kasinglaki ng silid ng mga apo, it was cozy. A queen-sized bed was placed almost beside the small capiz window. Merong maliit na sidetable sa kabilang gilid ng kama at maliit na night lamp, sa paanan ng kama ay hindi malawak na pinto, palagay ko ay personal bathroom ng silid.

"Okay na ba ito?" Tanong sa akin ni Manang Mayla.

"Wala na po bang iba?" Agap na sagot ko. Hindi man lang umangat ang labi ni Manang Mayla sa biro ko.

"Ang serious mo naman, Manang. Opo, ayos na ito. Salamat."

"Gabby, if you need something—"

"Pati pangangailangang pisikal?"

Tumikhim si Manang Mayla nang makitang napapailing na nakangisi si Mikel.

"Kapag may nararamdaman kang masakit sa'yo, katukin mo lang ako."

"Ilang beses ko bang sasabihing pinapasakit mo ang puso ko paulit-ulit, Mikel?"

"You seem fine now, rest well."

Napangiti ako nang mahuling umangat muli ang gilid ng labi ni Mikel nang tumalikod.

Hindi ako nahirapang matulog ng gabing iyon dahil pagod pa din ako sa byahe. Naging musika sa paligid ang mga kuliglig sa labas ng mansyon. Sa katunayan nga ay napabalikwas ako nang makitang alas otso na ng umaga doon sa nakasabit na wall clock sa harapan ng kama.

Dating My ExWhere stories live. Discover now