Sick."Pumunta ka na naman don?" Nakapamewang si Lexy habang pinapanood akong dampian ng malamig na ice pack ang ulo ko dahil sa pagkirot nitong muli. My head is still throbbing from the emotional encounter I had with Mikel.
Nakakapagod kayang magsalita tapos di ka kinakausap!
"Ano? Hindi mo ba titigilan si Mikel at ipipilit mo yang sarili mo?" Pagalit muli ni Lexy.
Lumabi ako at kumilos para talikuran siya mula sa kinauupuan kong sofa.
"Kahapon lang yun eh.." Bulong ko.
"Gabby."
Suminghot ako dahil sa nagbabadyang luha. Gusto kong manghingi ng music para sa feels pero tinatamad akong abutin ang MP3 player na nandoon sa ilalim ng TV.
"Kahapon lamang.. Kay sarap ng ating pagmamahalan, ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan..." Malungkot kong kinanta ang lyrics na eksaktong nagpapaalala ng nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin ni Mikel. Inekis ko ang nakasarang palad ko sa ibabaw ng noo ko.
"Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin.. Napakasakit na marinig, na ayaw mo na sa akin... Hapdi at kirot!" Tiningnan ko si Lexy na panay ang iling sa ginagawa ko. Hindi ata nagustuhan ako boses ko. "Sa tingin mo Lexy, sino kaya ang inspirasyon ni April Boy Regino sa kantang yon. Tagos eh.. Dito.." Tinuro ko ang puso ko. Halos umusok na ang gilid ng mga mata ko sa sobrang hapdi ng luha pero hindi pa din ako matigil sa pag-iyak.
"Lexy. Bakit ganon? Of all people, si Mikel pa.. Si Mikel na minahal ako non sa kabila ng kajubisan ko. Si Mikel na kahit payummy eh ako ang inibig sa lahat. Si Mikel yon, Bes... Ginto na, naging bato pa. Jackpot na ko eh! Nanalo na ako.. Bakit ganern? Pak ganern?"
Lumuhod si Lexy sa carpeted na sahig ng kanyang apartment para silipin ako. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang kanyang palad na halatang halata ang awa sa mukha.
"Sana naikwento mo din sa akin kung bakit.. Sana may sagot ako diyan sa tanong mo." Kumislap ang mga mata ni Lexy sa nagbabadyang luha. Napasimangot ako dahil doon.
"Gaga, wag kang umiyak. Ako ang nag-e-emote. Supporting actress ka lang, galingan mo lang sa facial expression. Yung pagbagsak ng salita mo kailangan may diin. Pero yung luha mo, wag mong patutuluin. Diyan nanalo si Alessandra De Rossi ng best supporting actress. Sa pagiging bestfriend nung bida."
"Gabrielle Bethany. Baliw ka talaga." Ngumiti si Lexy kahit alam kong nasasaktan siya para sa akin. Sumeryoso siya at tinapik ako sa pisngi. "Wag ka na ulit babalik sa condo ni Mikel, okay? I don't want anymore trouble, Miss Semilla."
"Pwede ba! Wag mo akong tatawagin sa apelyido kong yan." Napatakip ako ng tainga. Ngumuso akong muli at tinakpan ang sarili ko ng kumot. Hinawakan ni Lexy ang magkabila kong pisngi at hinilot iyon.
"Say Ah." Utos niya.
"Ah." Sunod ko naman.
"Eh?"
"Eh."
"I."
"I"
"O."
"O." Lahat ay nakukuha ko.
"Rapunzel."
"Lexy, inaantok na ako."
"No, Gabby. Say it. Rapunzel, Rebecca, Reema."
"R—r—a-Ra—punzel. R—r- R-reb-ecca."
Napakamot ako ng ulo. "Bukas na lang ulit."
BINABASA MO ANG
Dating My Ex
Romance"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance