Nagkatinginan si Mikel at Sabina. I know I sounded bitchy but I can't be as cheerful as Sabina. Masyado akong ininis ni Mikel kanina!

"O, hindi pala tatalon. Dito na lang siya sa lupa. Kayo na lang ni Sabina ang mag-dive." Humalakhak si Ronnie kay Mikel na hindi iniaalis ang tingin sa akin.

"Gab, we went here to dive." Matigas na tono ni Mikel.

"Ayoko." Umirap ako sa kanya.

"Ahm, I will just get my harness." Tila hindi kumportableng paalam ni Sabina, sumunod sa kanya si Ronnie.

"Gab, what is your problem?"

"What is my problem? My problem is you! Aba kanina hindi mo ako pinapansin. Nagagalit ka sa akin kasi ano? Nakita ko yang—yang--- Jumbo Jet mo diyan! Tapos ano? Sa lahat mabait ka? Pangiti-ngiti! Pabeso beso!"

Mikel expelled a heavy sigh, pagod niya akong tiningnan.

"I thought you will like it this time. Hindi pa din pala."

"What do you mean? Dinala mo na ako dito? Nakapag-skydiving na ako?"

Umiling si Mikel, "No, you walked out. You said you are not prepared. You said you hate surprises."

I suddenly want to whack myself for being insensitive that moment. Oo nga pala't dinadala ako ni Mikel sa mga bagay na magpapaalala sa aming dalawa. And here I am being the ungrateful bitch.

"Magpapaalam lang ako kila Ronnie."

"M-mikel. Wait." Hindi siya tumigil sa pag-lalakad.

"Mikel naman, sandali. Gusto kong mag-skydive. Gusto kong mag-dive pero naiinis ako sayo kanina, magkaiba yon, okay? And I love surprises. I love adrenaline rush. I love adventures. Gusto ko ang mga buwis buhay na ganito. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko noon na hindi ko gusto. Maybe I was lying, I don't know but I like this, I really do. Thank you. Thank you, Mikel."

Lumingon sa akin si Mikel, akala ko ay susumbatan ako pero may malapad siyang ngiti sa mga labi.

"You will skydive with me?" Parang bata niyang tanong. I nodded. Hinila ako ni Mikel patungo doon sa bungalow na napag-alaman kong opisina pala ng Skydiving resort. Narito din ang locker area kung saan pupwedeng magpalit ng mga damit.

Ngiting-ngiti si Sabina habang inaalalayan ako sa pagsusuot ng damit. I am not that dumb to wear the jumpsuit but Mikel insisted that someone will dress me up. Hindi pa din ako okay sa babaeng mukhang manika at sobrang ganda. Hindi naman sa naiinsecure ako pero hindi ko gusto ang pag-kinang ng kaniyang mata kapag kaharap si Mikel.

"Matagal nang hindi pumunta si Mikel dito. Nakakatuwa at namotivate ulit siyang mag-skydive."

Now I am not sure if Mikel wants to skydive. Or he's just doing me a favor. Nang maikabit na ang harness sa aking bewang ay sabay kaming lumabas ni Sabina.

I felt like a hiphopper beside a sexy star. Maluwag ang suot kong puting jumpsuit, hindi kagaya ng kay Sabina na hapit na hapit. Palagay ko ay lolobo pa ito sa ere kapag tumalon na ako. Hindi ko na inalintana iyon nang makita ko na ang sasakyan naming eroplano, the excitement kicks in. Nakasuot na si Mikel ng kanyang jumpsuit, his was darkblue. He looks incredible in whatever clothes he's on because of his iron clad chest and ripped arms and shoulders. Bumaba ang tingin ko sa pagitan ng kanyang mga hita, pumula ang pisngi ko. Dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Mikel at kitang kita ko ang paglunok niya at pamumula ng mukha. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Lumipat ang mga mata ko kay Sabina, she's ogling Mikel. Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib, bumalik ang tingin ko kay Mikel na kinakausap ngayon ni Ronnie. Sumama ang aking mukha.

Dating My ExDär berättelser lever. Upptäck nu