Unang Bugso

11 2 0
                                    

"HI mga katropang Batibot! Welcome to our vlog!" sabay-sabay na sambit nina Sha, Andrew at Jayson. Mula sa pagkakahawak ni Andrew ng camera, tinapik ni Sha ang braso nito at agad inagaw ang hawak ng binata.

"Wait lang, Drew! Ako muna!" giit ni Sha.

"Daya! Okay, sige. Lady's first," nakangusong sambit nito bago tuluyang ipinaubaya ang pagrecord nila.

Pilit na ngiti ang namutawi sa labi ni Sha habang nakatuktok sa kan'ya ang camera na ginagamit nila sa paggawa ng videos. Madalas silang magpost sa isang online website kung saan libo-libong subscribers ang naghihintay sa mga pakulo nila.

Six months ago, noong nagsisimula pa lang silang mag-vlog, ni hindi man lang sumagi sa isip nila na kahit sa ganitong pagkakataon, o sa mga maaaring huling araw o oras nila'y magkakaroon pa rin sila ng lakas ng loob mag-video.

Nakangiti man, hindi niya maiwasang mangilid ang kan'yang mga luha lalo't ang daming negatibong bagay ang pumapasok sa isip niya. "Mama Pints." Pagbanggit pa lang ni Sha ng pangalan ng tita niya'y kumikirot na ang kan'yang puso. Ang ideyang mamamaalam siya'y napakabigat para sa kan'ya. "Kung sakali man na mapanuod mo 'tong video na 'to, maybe I'm already dead. But, hey... I'm still hoping we could all survive this shit. Pero mukhang... malabo na."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Kahit anong pagpipigil ang ginawa niya, kahit anong ngiti pa ang ipakita niya, hindi niya na magawa pang itago ang kan'yang mga luha. Tuluyan na siyang humagulgol sa harap ng camera. 

"Mama Pints, I love you," malambing na saad niya kasabay ng sunod-sunod na pagpahid sa kan'yang mga luha. "Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa 'yo, kahit pa wala ka naman ibang pinakita sa akin kun 'di purong kabutihan. Sana kahit hindi na ako personal na makahingi ng tawad sayo, mapatawad mo pa rin ako. You deserve a better daughter, Ma. And all I could wish for is to be that daughter, pero huli na ang lahat."

Nagmamadaling ibinigay ni Sha kay Andrew ang camera habang panay ang kan'yang paghikbi. Hindi na niya kaya pang ipagpatuloy ang mga sasabihin, kaya minabuti na lang niyang makinig sa mga hinaing ng kabarkada.

Agad naman itong kinuha ni Andrew at sandaling tumikhim. Isang magandang ngiti ang ipinakita nito na para bang wala ito sa isang mapanganib na sitwasyon. "Hi, guys, una sa lahat at hindi panghuli," napangisi pa ito habang marahang napapailing. Nagawa pa talaga nitong magbiro sa gitna ng takot na nararamdaman.

"Wala naman akong pamilyang maiiwan pero para sa mama at papa ko na nang-iwan sa akin sa bahay ampunan noong bata pa ako, pinatatawad ko na kayo." Sa bigat ng kinasasadlakan nila, hindi nito maipaliwanag ang gaan na nadarama. Matapos ang maiksing mensahe, inabot ni Andrew ang camera kay Jayson na kanina pa tahimik. "Son, ikaw na."

Walang alinlangan naman itong kinuha ni Jayson at marahang kumaway sa camera. "Ako 'yong tipo ng taong mahilig manuod ng mga mystery, thriller at horror movies pero hindi ko inakala na mangyayari rin sa akin ang bagay na 'to sa tunay na buhay." Nagkibit balikat ito at bahagyang ngumiti. "See you soon mga ka-Batibot! I'm not yet ready to say goodbye." Isang ngisi at kindat ang pinakawalan ng binata bago tuluyang tinapos ang video recording.

---

2 DAYS EARLIER...

"OMG! Help!" Nagmamadaling binuksan ni Athena ang pinto ng cubicle nang may makita siyang malaking gagamba sa pader. "OMG! Sha!" Halos mapatid ang litid niya kasisigaw at agad na napayakap sa kan'yang kaibigan.

Vacant hours nila at isa't kalahating oras pa ang dapat nilang hintayin para sa susunod na subject. 2nd year college na sila at ang kanilang mga kaibigan sa kursong Tourism.

Actus ReusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon