Mayamaya ay dalawang tauhan nito ang pumasok. Ang mga ito raw ang magiging witness ng kasal. Nang magstart ang pagkakasal sa amin ni Jackson ay nakalutang ang pakiramdam ko. I was nervous and excited the whole time. This moment felt almost surreal.


Lalo na ng sabihin ni Judge Madriaga na tapos na ang kasal. "You may now kiss your lovely wife."


Nahihiyang tumingin ako kay Jackson, sa asawa ko. I was about to close my eyes to wait for his kiss when I noticed that he was just staring at me.


He's not making any move to claim my lips. Dapat ba ako ang hahalik sa kanya? Ako dapat ba muna?


Hindi na ako mapakali. Nagsisisi na ba siya agad at ngayon lang natauhan kung kailan kasal na siya sa akin? Hala hindi dapat ganun. Bakit ganito siya makatingin? Naghihintay si Judge Madriaga pero nakatitig lang talaga sa mukha ko si Jackson.


"All right, I won't look." Nangingiting umalis na sa harapan namin ang kanyang ninong. Pati ang mga tauhan nito ay inutusan na nitong lumabas.


"Jackson, bakit ganyan ka makatitig sa akin?" Hindi nakatiis na tanong ko. Kinakabahan na kasi ako.


Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Dahil doon nawala na lahat ng mga pag-ooverthink ko kanina.


Yumuko siya para abutin ako. "I'm gonna kiss you now, wife."


Then, he passionately kissed me, tickling my tongue with his. Hindi lang ito simpleng halik. Isa itong nakakabaliw na halik. Hindi ko alam kung gaano katagal, basta hindi na ako makahinga pero gusto ko pa.


Katok sa pinto ang nagpatigil sa amin. Sumungaw ang ninong niya. "Matagal pa ba?"


Nang tingnan ko si Jackson ay pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg. Cute talaga niya pag ganito.


Hindi ko mapigil ang ngiti ko nang hatakin ko na si Jackson sa braso. "Tara na... Baka matutulog na iyong ninong mo."


Tumango siya at lumabas na rin kami ng study room. Hila-hila niya ako sa kamay pabalik sa sasakyan. Umuwi kami ng mansiyon na mag-asawa na.


Hindi ko ma-explain iyong nararamdaman ko habang nagpapalitan kami ng tingin. Pasimpleng mga tingin pero may laman. Pagpasok namin sa mansiyon ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. Mabuti na lang at mukhang tulog na ang mga kawaksi kaya malaya kaming nakaakyat sa itaas. Sa hallway ay saka niya ako binitawan.


"Sasabihin ba natin na kasal na tayo?" tanong ko sa mahinang boses.


"Yes."


"Pero wag muna agad..." Siguro after next election na lang. Mas worried pa ako sa political career niya kaysa sa kanya na parang walang pakialam.


Pinisil niya ang baba ko. "We're already married. Stop worrying too much."


Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon