Tuwang-tuwa naman si yaya sa ayos ko,ang ganda-ganda ko daw kulang nalang daw sumali ako sa ms.universe,haha ang baliw niya talaga,malapit nang mag 8:00pm kabado ako,ewan ko ba para akong naeexcite na hindi ko maintindihan

Lumabas ako nang bahay at umupo na sa table na para saming dalawa,iniisip ko kung anong magiging reaction ni kiel sa effort na ginawa ko,sana naman magustuhan niya,naglakad-lakad muna ako sa gilid nang pool at nilaro-laro yung mga candle na nakalutang sa pool

Matagal-tagal na rin ang hinintay ko at wala pa ring kiel na dumadating,ayokong isipin na hindi niya ako sisiputin kaya pinalakas ko ang loob ko,nagsalin ako nang konting red wine sa baso at walang sabi-sabing nilagok agad ito

8:30,8:50,9;00pm.. hanggang sa sumapit ang ten nang gabi pero walang kiel na dumating,hindi niya ako sinipot,awang-awang tinignan lang ako ni yaya pero hindi ako nawalan nang pag-asa,halos nakalahati ko’na ang laman nang red wine,hindi ako sanay uminom dalawang tagay nga lang nalalasing na ako

Pero ngayon ay nakakalahating bote na ako nang red wine pakiramdam ko hindi ako tinatamaan dahil sa nararamdaman kong sakit sa puso ko

tama na,cass..baka malasing kapa at mapaglitan ako nang mommy mo!! tinabig ko ang kamay ni yayang pilit kinukuha sakin ang tangan kong baso

no!i’m fine yaya,just..just leave me alone!!

pero..cass asar na sinigawan ko siya

“ I said leave me alone!! “ halata namang nagulat ito sa ginawa ko kaya, natahimik itong umalis sa harap ko

Ang sakit-sakit..sobrang sakit na kiel!! Sobra kana..binato ko yung basong hawak ko na ikinabasag nito,sobrang sakit na hindi ko na napigilan ang magwala,kinuha ko yung bote nang red whine at tinaob ko yung table na pinaglalagyan nang mga pagkain na pinaghirapan kong gawin

Bakit?!bakit ba palagi nalang akong nasasaktan pag nagmamahal ako nang sobra?bakit ang damot-damot naman at nang kapalaran sakin..bakit palagi nalang niya akong pinahihirapan!!

Tinungga ko ang laman nang boteng hawak ko ngayon at pa suray-suray na naglakad,bakit hindi nalang kaya ko mamatay nang mawala na ang sakit?

bakit kiel?!! sigaw ko bakit hindi mo siya maiwan? Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo!! patuloy ako sa pagtungga at umupo sa gilid nang pool

bakit?!! mahal mo naman ako nun ah..mahal mo’ko nung wala pa siya!!patuloy lang ako sa pagsigaw at pag-iyak napatigil lang ako nang narinig kong tumutunog ang cellphone ko,tumayo ako at kinuha iyon,agad kong sinagot ang tawag nang Makita ko ang pangalan ni kiel sa screen

“ hello “ basag ang boses na sagot ko

“ hello cass,umiiyak kaba?bakit ganyan ang boses mo?! “ parang gusto kong matawa sa sinabi niya,wala naman siyang pakiaalam sakin kaya  hindi na rin niya dapat pang malaman kung naiyak ba ako o hindi

“ hindi ako umiiyak,sinisipon lang “ pinilit kong maging normal ang boses ko kahit pa nga sobrang hirap nun

“ sorry kung hindi ako nakarating..may biglaan kasing nangyari..si kate kasi.. “ agad kong pinutol ang iba pa niyang sasabihin

“ ok lang..si kate pala ang dahilan..ok lang yun kiel..ok na ok lang sakin! “ may bumikig sa lalamunan ko,napasinghap na din ako na ikinabahala ni kiel

“ cass? Hindi kaba talaga umiiyak?! I’m sorry..babawi naman ako.. “

“ ok lang kiel!! ganun talaga,hanggang ganito nalang talaga siguro ako para sa’yo! “ hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko,ang sakit-sakit kasi eh..si kate na naman.si kate na naman ang dahilan kaya hindi siya nakarating sa pinaghandaan kong araw

“ cass..i’m sorry!!”

“ I’m sorry too..i’m sorry kasi.. minahal kita!! “ pagkatapos kong sambitin yung katagang yun.. inend ko’na yung call at umiyak nang umiyak,halos mawalan na’ko nang boses dahil sa pag-iyak ko

Si yaya,nilapitan niya ako at niyakap,naawa siya sa naging kalagayan ko,alam na din niya ang estado nang relasyon namin ni kiel,hindi ko kasi masabi kala Eurie at Alexa yung nararamdaman ko kaya pag-umiiyak ako kay yaya ko lang iyon napapakita at ito naman ang bahalang umalo sakin

Hindi ako nakapasok nang school kinabukasan,hindi ko’pa kaya,saka nalang siguro kapag kaya ko nang harapin si kiel na may ngiti at hindi pinapakitang nasasaktan ako sa nangyayari

 >____________________<

AN:

Grabeh..nahirapan ako sa pag update dito kc naman ang saya q kaya ngayon tapos ung update ko kailangan heavy drama.sakit sa ulo.toink!! ayan tuloy lumungkot na din aq..hooho.-tsk! grabe na tlaga ang pagiging martir ni cass..ndi ko na kinaya..as in..hano  ba yan!! sinigit ko lang yung tinatag naming radio station nila JHEM AT DEVIN..hoho MYB radito station..haha..ano sa tingin niyo ang ibig sabihin nang MYB?,,,sa kanya update pag nasagot..hoho..keep voting guyz..and keep reading my story..mamat's..

love

kim_rhoj

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Where stories live. Discover now