pero ano po ba ang kailangan kong gawin?!! Masyadong masakit Mahal na mahal ko kasi siya sa totoo lang ayokong makarinig nang mga ganitong story kasi naalala ko lang yung nararamdam kong paghihirap ngayon

ganun talaga ang pagmamahal siguro nga hindi mo kaya ngayon dahil masyado pang masakit pero dadating din ang araw na masasabi mo sa sarili mong kaya mo na siyang mawala sa’yo dahil kinaya mo!ang tanging ikakasaya mo at ikakalimot mo sa kanya ay nasasa iyo din,kung hindi mo siya pakakawalan at patuloy kapa din sa pagiging tanga sa kanya hindi mo talaga makakaya,kaya ang payo ko sa’yo maglibang ka,humanap ka nang alam mong ikakasaya mo,hindi naman purkit may nawala sa’yo hindi kana ulit makakahanap nang kapalit. dahil ang pag-ibig hindi yan titigil hanggat hindi mo nahahanap ang tunay mong kaparehas “-DJ KIM

tumayo ako at lumabas nang room hindi ko na kayang makinig sa mga ganyang drama,nahihirapan kasi akong huminga,minsan naiisip kong igive-up na si kiel pero pag sa tuwing nakikita ko siya hindi ko magawa dahil hindi ko makaya. kaya, kahit masakit nagtitiis nalang ako at kahit pa nga mas madalas na siyang kasama ni kate kaysa sakin pinipilit ko pa din ngumiti! ok lang. ganun talaga.. ito ang pinili ko,ang pagiging isang martir

Valentine’s day

Excited ang lahat,binigyan ako nila Eurie nang chocolate,pinag bake ko naman sila nang cookies na talagang pinagpuyatan ko’pa,nagulat naman ako dahil inabutan din ako ni Gian nang chocolate wala naman nakapansin sa ginawang iyon ni Gian kaya walang naging chismax sakin

Si kiel hindi siya pumasok,tnxt ko nga pero hindi naman ako nireplyan siguro kasama niya ngayon si kate,naiiyak man ginawa ko pa din ngumiti sa mga taong nakapaligid sakin,may boyfriend nga ako pero dinaig pa’ko nang mga taong loveless ngayon dahil buti pa sila masaya samantalang ako naghihirap

Cass,san ang date niyo ni kiel?! tanong nang ngiting-ngiting si Eurie,syempre in love kasi ang bruha!!kaya ganyan makangiti.

ah..hindi ko alam!!

bakit hindi mo alam?hindi kaba tinawagan ni kiel?! umiling ako at bahagyang ngumiti

busy yata siya!! sumimangot naman si Alexa sa sinabi ko

don’t tell me na si kate ang ka date niya ngayon?! masakit man tanggapin malamang ganun na nga ang mangyayari

hindi siguro,ang alam ko kasi busy din si kate ngayon! tumaas lang ang kilay nang mga ito sakin

Cass,kaibigan ka namin at matagal kana naming kilala at halatang halata na sayong nasasaktan kana,bakit kailangan mo’pang magpakatanga kung alam mong nahihirapan kana?! “-Eurie

alam niyo na ang sagot diyan! tumayo ako at iniwan silang napatanga lang sa sinabi ko,pagod na’ko..pagod na’kong isipin pa ang katangahan ko

Pagkatapos nang klase naghanda ako nang dinner sa bahay,kung ayaw niya akong yayain pwes ako ang magyayaya sa kanya,tinxt ko si kiel para sa bahay nalang mag dinner,nag reply naman itong dadating daw kaya nagluto ako nang mga putaheng alam kong lutuin

Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang ginawa ko,sa likod nang bahay sa may pool ko naisipang gawin ang dinner namin,with candle lights pa yung ginawa ko,super effort yung ginawa ko na pinalagyan ko pa ang pool namin nang mga malilit na candle na lumulutang-lutang para magsilbing liwanag namin

Habang hinihintay ko ang pag-sapit nang alas-otso nang gabi,naisapan ko na din ayusin ang sarili ko,suot ko ang elegant white dress na binili ko sa mall kahapon,pinaghandaan ko talaga itong maigi para alam niyo na..mas ma inlove sakin si kiel,haha

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Where stories live. Discover now