Napangisi si Cleo, kuyom ang mga kamao. Hindi siya mag-aalinlangang suntukin talaga ito kahit babae pa ito. “Thank you for the invitation,” aniya. Pero bago pa siya makaamba ng suntok ay nakalapit na si Margo at nahagip ang kamay niya.

“Cleo, ano ba! Tigilan mo nga ‘yan!” saway dito ng kaibigan “hindi lahat ay kailangan mong daanin sa dahas,” anito.

Marahas na winaksi ni Cleo ang kamay mula sa kaibigan. “Stop getting on my way, kung hindi’y ikaw ang tatamaan sa ‘kin.” Hinarap niyang muli si Yuna. “You killed Alexa! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya,” galit na duro niya dito.

“You’re right,” si Yuna “I did kill her. So punch me. Gantihan mo ‘ko.”

Napatiim ang bagang ni Cleo. At bago siya muling mapigilan ni Margo o ng sino man sa mga kaibigan ay tuluyan nang dumapo ang kamao niya sa pisngi ni Yuna.

Yuna staggered back. Muntik na siyang matumba sa impact. Sapo ang pisngi ay hinarap niyang muli si Cleo. “You punch like a kid,” patuyang komento pa niya.

Muntik na siyang sugurin muli ni Cleo nang dahil sa pagkainsulto ngunit dalawang kaibigan na ang pumigil sa kanya. Pinigil nina Jeffrey at Margo ang dalawang balikat niya kaya’t hindi na siya nakalapit kay Yuna.

“Tama na. Tama na, brad,” saway dito ni Jeffrey.

Sina Quintin at Maxie ay pinigilan na rin ang dibdib ng kaibigan.

“She’s edging me! That bitch!” gigil na saad ni Cleo na pilit kumakawala mula sa mga kaibigan.

“Ikaw naman…” si Maxie na bumaling kay Yuna “ – gusto mo ba talagang mabasag ‘yang mukha mo? ‘Coz she won’t hesitate to do that,” kastigo niya dito.

“Let her, then…” kahit nananakit ang panga ay wika pa ni Yuna “if that’s what will satiate your anger, do it. I know you all hate me. And no amount of sorry can put that off. So go ahead, hurt me. I hate myself too and I also want to hurt myself. But I don’t want to be weak anymore. So, will you do it for me? Para naman mabawasan ‘yong guilt na nararamdaman ko. Hindi lang kayo ang nawalan ng kaibigan. Ironic yes, but Alexa had been my friend too. I also cared for her. I was also hurt.” Hindi napigilang maging emosyonal ni Yuna.

Natahimik ang limang magkakaibigan sa tinurang iyon ni Yuna. 






----






“Sigurado ka bang ayaw mo nang ipatingin ‘yan?” ang tanong ni Maxie kay Yuna. Matapos ang eksena kanina ay dumaan sila sa malapit na ministop. Sinamahan na nila si Yuna na bumili ng ice pack para sa pasa nito.

Kasama din nila sa mesa si Quintin, habang ang tatlong iba pa ay nasa labas at nag-uusap. Kahit papa’no ay hindi na gaanong hostile kay Yuna ang dalawang kaharap ngunit si Cleo ay patuloy pa ring kinakalma ng dalawang kaibigan sa labas.

“This is nothing. I may look like some weak girl but I’m tougher than what you think,” balewalang wika ni Yuna. Idinadampi-dampi sa pisngi ang ice pack.

“Kaya ba ilang beses ka nang muntik na magpakamatay?” medyo sarkastikang komento naman ni Quintin.

Nabaling ang tingin dito ni Yuna. “You might as well be, kung ikaw ang nasa katayuan ko noon,” aniya rito.

“I don’t think so,” kontra ni Quintin.

Nagkibit-balikat na lang si Yuna. “You wouldn’t know if you haven’t been there. Trust me.”

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن