Habang sina Marcelo at Lucio kasama ang ilang kawal na natira ay nandoon lang sa labanan.

MARCELO:Paano iyan Mahal na Hari malalakas ang ating mga kalaban at malapit na maubos ang ating mga alagad.

LUCIO:Huwag kang mag-alala Heneral hindi pa iyan ang aking plano.

MARCELO:Ano ba ang ibig mong sabihin kamahalan?

LUCIO:Pasukin mo ang loob ng bahay magsama ka ng ilang mga kawal.

MARCELO:Masusunod Kamahalan!

Habang abala sina Vanessa sa pakikipagtunggali ay sinamantala ni Marcelo ang pagkakataon na pasukin sila Haydie at Bong sa loob.

SA LOOB NG BAHAY

HAYDIE:Sino ka?!a-anong ginagawa niyo dito?!

MARCELO:Ako lang naman ang papaslang sa inyo!

BONG:Hindi mo magagawa iyan sa a ni amin!

MIDS:Kuya Bong ano ng gagawin natin ngayon?

BONG:Tumakbo na kayo ni Haydie ako na ang bahala dito!

Tatakbo na sana sina Mids at Haydie ngunit nahawakan sila ng mga kawal.

BONG:Hayop ka!

Aatikin na sana ni Bong si Marcelo ngunit naunahan siya ng Heneral ng saksak kaya natumba ito.

HAYDIE:BONG!!!

MARCELO:Bitiwan mo muna siya at bigyan natin siya ng maikling panahon upang magluksa Wahahaha!! 😈😈

HAYDIE:Mga hayop kayo!!

MARCELO:Huwag kang mag-alala ikaw na ang susunod!

Kagaya ng ni Bong ay sinaksak din ni Marcelo si Haydie

MIDS:ATE HAYDIE!!

BACK TO VANESSA'S PROVERBS

Sa gitna ng labanan ay napansin ko na wala na si Marcelo kasama ng ilang mga kawal at biglang nakadama ako ng kaba sa aking dibdib kaya dali-dali akong pumasok sa bahay pagpasok ko ay nakita ko ng nakahandusay ang mga kinikilala kong mga magulang.

VANESSA:NAY!!TAY!! (Sabay tingin ko kay Marcelo) HAYOP KA!!

Nagpakawala ako ng isang napakalakas na kapangyarihan kaya napaslang ang ilang mga kawal nabitawan nila si Yaya Mids at bigla nalang naglaho si Marcelo agad akong lumapit nila Nanay at Tatay at inutusan ko si Ate Mids na tawagan sina Dasha baka sakaling maisalba pa sina Nanay.

GENERAL'S PROVERBS

Nagtamo ng malalang sugat si Marcelo mula kay Vanessa kaya dali-dali siyang naglaho pabalik kay Lucio.

MARCELO:Kamahalan nagawa ko na ang pinag-uutos mo.

LUCIO:Mabuti naman kung ganon.

Kaya naisipan na nila Lucio na bumalik sa kanilang pinagtataguan.

JUNO:Wala pala itong mga mokong na ito aatras din pala.

ARGO:Sinabi mo pa, teka si Vanessa?

EMMANUEL:Puntahan natin sa loob.

Kaya pinuntahan nila ang Diwani ng Lahar sa loob at naabutan nila iyong tumatangis agad naman siyang dinaluhan ng kanyang mga pinsan.

JUNO:A-anong nangyari kina Tita Haydie?!

VANESSA:Sinaksak sila ng walang hiyang Marcelong iyan! (Sabi niya habang tumatangis)

ARGO:Kailangan malaman nila Ina ito, siya nga pala nakahingi ka na ba ng tulong?

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon