CHAPTER 1

6.6K 228 57
                                    


CHAPTER 1
🍻🍻🍻

“ANG KAPAL ng mukha niya! Bwisit siya! P*tangina niya! Pagkatapos niya akong gatasan, iiwan niya ako dahil lang ayaw kong makipag- iyutan sa kanya!? Punyeta!” Sigaw ng lasing na si Shynne.

Nasa unit sila ngayon ni Melodia sa 142. Pa- despidida ng kaibigan dahil lilipat na daw ito sa bahay ng best friend nitong si Nika.

Nahuli niya ang boyfriend niyang si Jed na nakikipag- sex sa empleyado niya sa milk tea shop. At sa office pa talaga niya. Mga walang- hiya! Pera lang talaga ang habol sa kanya ni Jed.

“Sige, ilabas mo lang ‘yan, Sissy.”  Sagot naman ng may tama ng si Rodessa na taga-unit 145.

“Hayop talaga ang mga lalaki eh. Mga hayop!!! Pagkatapos mong tanggapin kahit gaano sila kapangit at kataba, iiwan ka pa!! Nyeta!!” Hugot naman ng medyo may tama na ring si Jarine na taga- unit 147.

Mahinang natawa si Melodia. “Jusko naman puro broken itong mga ‘to. Despidida ko ‘to eh. Dapat masaya tayo.”

Naging malapit niyang kaibigan ang tatlo dahil ilang taon na din silang magakakatabing- unit at magkaka- edad. Well, maliban kay Rodessa na medyo mas bata sa kanila.

Pagak na natawa si Jarine. “Sorry beshy ha? Pwede ikaw na muna mag- adjust? Nakakapagod na mag- adjust!”

Natawa lang si Melodia at Rodessa kaya binalingan niya ang mga ito.

“Nakakatawa ‘yon?” She spat at them but they just laughed. Sanay na sila sa ugali niya.

“Kapag kayo nasaktan huwag kayong iiyak- iyak sa amin ha. Mga pashneya kayo.” Ani Jarine at bumaling ito sa kanya. “Halika dito, sis. Tayo na lang ang magdamayan. Pa- kiss nga!”

Lumapit ito sa kanya, niyakap siya at hinalikan sa pisngi. Lasing na nga ito. Minsan lang kasi ito umiinom.

“Lika! Bwisit ang mga lalaki eh!” Yumakap din siya sa kaibigan at pareho silang natawa.

Wala na. Finish na. Lasing na talaga sila.

“Hay naku po. Rodessa, huwag mo akong iwan dito mamaya ha. Dalawa tayong mag- asikaso sa mga broken na ‘to.” Naiiling na sabi ni Melodia.

“Sige, teh. Walang iwanan tayong apat di ba.” Sagot naman ni Rodessa.

“Pota walang forever.” Wala sa sariling sambit niya.

“Yaan mo sis, hanap tayo ng mas gwapo at mas daks.” Ani Jarine na nakayakap pa rin sa kanya.

Mahina siyang natawa nang may maalala. “May nahawakan akong daks, shit, sis, I cannot.”

Kahit may tama siya, naalala niya ang alaga ni Christian. Nagulat nga din siya at malaki iyon. Malaking- malaki. Makapunit- matres siguro ‘yon.

“Gosh! You’re so naughty! But I like naughty.” Sagot ni Jarine sa kanya at ngumisi silang dalawa.

“Daks? Ano ‘yon?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Rodessa.

Ngumisi siya. “Daks. Dako. Malaki. Big.”

Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Rodessa. “Malaking ano?”

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Where stories live. Discover now