Ballpen

180 3 0
                                    

Ballpen

First day ngayon ng klase, and at last! College na ako. I’ve been dreaming about this all my life. Pag college kasi complex na ang life—and I like simple things to be complicated.

Haha! ^___^

By the way, I’m Maribelle Taguinod. Nung high school, tawag nila sa’kin eh Belle. Ewan ko lang ngayong college…

Unang araw pa lang eh may mga nakilala na akong magiging kaibigan ko. Katabi ko kasi si Sidney, kasi Taguinod din ang surname niya. Mahiyain siya nung una, pero nung ako na yung unang pumansin sa kanya, nagkwento na rin siya. Comfortable naman ako sa kanya kasi nga babae rin naman siya.

Pero medyo hindi ko lang ka-jive ang isa kong katabi—Nathan Tabbu ang pangalan. Anglikot likot niya na ewan. Kumakanta-kanta pero wala naman sa tono.

Well, I’m not that mean naman, pero hindi ko talaga type yung boses niya pag kumakanta.

Sa likot pa niya, natatabig niya yung desk ko at nahuhulog lahat ng mga nakapatong. Buti naman sana kung nagso-sorry siya, eh yun, pupulutin lang niya yung mga nahulog, sabay magko-concentrate na naman sa i-pod niya.

Second week ng pasukan, ayan na ang mga quizzes. Na-e-excite ako kasi mag-aaral na talaga ako. Haha! Mababaw lang?? eh kasi, ngayong college, iba na. Bawal na “RAW” ang kopyahan. Wag na “RAW” naming itulad sa high school life na puro group work ang quizzes.

Well, that was what we thought.

Ganun pa rin naman eh, group work pa rin. Naaasar naman ako kay Nathan kasi halos sakin na lang galing lahat ng sagot niya.

Not for bragging, pero nagreview ako eh, tapos siya tong pa-simpleng sumisilip sa papel ko! Grr! Papansin lang. >__>

After a month, saka lang kami nagkaroon ng conversation nung Nathan na yun.

“Pwedeng paki-abot yung ballpen ko? Anglikot mo kasi eh, nahulog tuloy…” – ako.

“Pwedeng makuha number mo? Angganda mo kasi eh, nahulog tuloy ako…” – siya.

Ayy annnnnnak ng!!

“Di bale na lang, ako na lang kukuha.” Tumayo na lang ako at pinulot yung ballpen ko.

Nakakasira ng araw ang presence niya.

Hindi dahil sa isang instance na yun, kundi lahat ng araw na talaga. Papansin talaga na ewan. Buti naman sana kung ganun ka-gwapo. Eh kaso hinde! Kaya nakakasira talaga ng araw ang presence niya. Everrr.

Sa tuwing papasok ako ng room eh, haharangin niya ako. Hindi ko na lang pinapatulan kasi baka ma-office pa ako. Tapos kung wala pang magawa eh, gagayahin niya yung actions ko. Like, pag breaktime, susubo ako ng burger, eh gagayahin niya yung actions ko kahit wala naman siyang burger na kinakain!!

Pag pauwi pa ako, “Gusto mo ihatid kita??” yan ang lagi niyang tanong. Eh ang ginagawa ko, since kasama ko rin yung mga bago kong friends, tinatanong ko sila… “Uy, guys, may naririnig kayo? Meron ba? Ako kasi wala eh…” tapos sabay sabay na lang kaming nagtatawanan. Hahahaha!

Eh sa nakakaasar kasi yung kakulitan niya. >__>

I’m not being mean, I just give him what he deserves.

Hindi ako ganito nung high school, kaya may konting guilt din naman ako sa tuwing intentionally kong pinapahiya si Nathan. Pero slight lang naman noh. :D hindi yung todo na pagpapahiya…

Hindi pa nakuntento si Nathan sa mga pagpapahiya ko, at mas lumala pa lalo ang pangungulit niya.

Akala ko pa man din eh effective na yung drama na yun, kaso mas na-engganyo pa ata siyang mangulit sakin.

BallpenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora