How to move on?

2.4K 51 17
                                    

1.       DELETE EVERYTHING. Unang una, i-delete mo messages niya diyan sa cp mo na ubod ng sweet promises (na nasan na ngayon?) i-delete ang pics na kapag nakikita mo naaalala mo ang sandamakmak na memories niyo (kulitan or lambingan moments, Pagiging PDA niyo. Ew) i-delete ang conversations sa FB (like chat, wall posts, etc) But neither block him nor unfriend him. And siyempre, delete mo number niya (na nakaname pang sweetie pie/honeybunch/babe o kung ano pang call sign niyo sa contacts. Ew) basta i-delete mo number niya, kahit pa memorize mo. Moving on starts with erasing and forgetting.

2.       WAG KANG PAPANSIN. Wag ka ng pahalata na nasasaktan ka. In short, nagpapaawa. Don’t be a martyr! Wag mo ng daanan ng gm (Kung saan ang GM KUNO pero sakanya lang pala sinend) at pagkatapos, puro patamang quotable quotes lang naman ang tinetext. Wag ka na rin magpost o magstatus sa FB na sad ka. Like posting patamang quotable quotes (again) habang siya naman walang pakialam sa posts mo dahil ang mga post naman niya eh about sa something na HINDI RELATED SAYO OR SAINYO (e.g. Dota, music, sports o kung ano pang likes & hobbies niya ang pinopost niya. Ni hindi siya nagpopost na sad siya diba. Pinapakita niya pang parang wala lang sakanya ang lahat) I therefore conclude that they don’t care. They’re insensitive, cold-hearted person. Ay person ba talaga? Di ba ko nagkakamali? Akala ko kasi HAYOP.

3.       NEVER MAKE EYE CONTACT. Kung siya man ay iyong classmate/schoolmate wag mo na siyang tignan kahit isang sulyap. Basta wag! Sasyado siya ha. Kung aksidenteng napatingin ka sa kanya and it happen na nakatingin siya sayo, ibaling na kagad ang tingin sabay IRAPAN MO AGAD! Pero kung napatingin ka lang at di naman siya nakatingin, just simply look away. Wag mo ng titigan at pagpantasyahan pa! DUUHHH?! Feeling naman niya!

4.       DON’T EVER CRY FOR A BOY WHO BROKE YOUR HEART. Don’t cry, just smile. They don’t even deserve your tears! Okay, sige, pagpalagay na nating mahal na mahal mo siya and you just can’t seem to let go. Pero tandaan, ang lahat ng mabigat gumagaan kapag binibitawan. Learn to accept, understand and go with the flow of everything na nangyayari sa buhay mo. Because EVERY EXIT IS A NEW ENTRANCE.

5.       GIRLS ONLY. For sure ngayong single ka na, madami ka nanamang admirers/suitors. I-entertain mo! Malay mo isa diyan ang taong katulad ng hinahanap mo <3 Pero siyempre, USO GAMITIN UTAK. Wag lang puro puso, wag pairalin masyado ang damdamin. Mamaya, mabiktima ka pa ulit. Paglaruan, gaguhin, lokohin. Tsss. Kaya kilalanin mo muna ng mabuti. Pero kung di mo type suitior mo, PERAHAN MO NALANG! Hahaha jk. Ayaw mo nun? Reregaluhan ka ng chocolates at kung ano anong bagay. HEEEEEE :”>

6.       FIND YOURSELF (AY NAWAWALA BA?! XD). Mahalin mo muna sarili mo bago ka magbf/gf ulit. Kasi pag di mo ginawa yun, yung bf/gf mo lang din masasaktan (yung tipong siya na nga ang kasalukuyan mo, pero nakabaling parin ang puso’t isipan mo sa nakaraan) di mo mabibigay ang pagmamahal mo ng buong buo kasi di ka pa masyado nakapagmove on. Kaya give time and space for yourself. Para din sayo ito at sa future partner mo. At siyempre, love yourself first before others. Kasi sa huli sa sarili mo lang din ikaw dedepende.

7.       APPRECIATE YOUR FRIENDS. Sila yung nandiyan simula/bago ka magka bf/gf. Andiyan padin sila kahit may bf/gf kna. At kahit di mo na natutuonan ng pansin masydo (kase busy ka kakadikit sa jowa mo to the point na nalimutan mong may kaibigan ka) Sila yung napagsasabihan mo at nahihingan ng advice kapag warlalu kayo ni jowa. At hanggang ngayong break na kayo, diba andiyan pa din sila? Supportive sa lovelife mo, mapasingle, taken, engaged, live in, married, separated, divorced or widowed pa civil status mo XD Pero ang pagmamahal walang pinapanigang sulsol ng barkada at di iniintindi ang tingin/sinasabi ng iba. Ikaw ang nakakaramdam nan kaya ikaw din dapat ang nagdedesisyon :)

8.       LET GOD. This time, be spiritually open. Si God lang ang kaisa-isang nilalang na minamahal tayo ng tunay at walang hanggan, pinapatawad tayo kahit mabibigat ang nagagawa nating kasalanan. In short, we don’t deserve His love sa taong katulad nating makasarili. Kung may nangyaring chuva sainyo ni jowa, learn to confess your sin. Masama ang makipagtalik hanggat di pa kinakasal. Lean on God’s mighty palm, kausapin mo si God about sa problems mo. Humingi ka ng tawad sa nagawa mong kasalanan. And each day, baguhin mo ang sarili mo ng unti-unti. Si God lang ang kaisa-isang tao na hindi tayo iiwan. Just keep your faith high, and God will speak and answer through your conscience and you’ll feel it in your heart :)

9.       HAVE FUN. Hang out, with family or friends. Mas masaya kasama ang family/friends sa sine, park, mall at etc na pinagdadate-an ng mga magjowa. HAHA! Dun mo mailalabas ang tunay na ikaw. Makakahalakhak ng parang walang bukas. Makakalamon ng sobrang daming pagkain, na feeling mo parang wala ka ng poise XD Di katulad pag kayo ni jowa ang nagdadate.. Pahinhin effect kung babae, pagentleman naman kung lalaki. Siyempre, pa-goodshot. Pakitang tao :)

10.   FIRST THINGS FIRST. Aba! Atupagin mo muna school/work matters mo. Busy yourself. Kasi pag wala kang ginagawa, maaala’t maaala mo lng siya. At pagkatapos ano? Iiyak ka nanaman ng gabaldeng luha? Kaya magbusy busyhan ka. Kung wala ka namang school/work stuffs na dapat gawin, Libangin mo sarili mo like playing sa iPad, iTouch, cp, computer etc. Odi kaya manood ng movies/TV. Magsoundtrip (yung senti. Para damang dama mo lyrics. At para makarelate ka at di mo dinidibdib yang pagkaBH mo).

11.   MAGLABAS KA NG SAMA NG LOOB. Sabihin mo lahat ng saloobin mo sa isang taong pinakamalapit sayo (either bestfriend, kapatid or kung sino mang relative) Ipagpalagay mo na yung kausap mo siya yung nanakit sayo. Sigawan mo sila, murahin mo sila, Iyakan mo sila, magreklamo ka sa kanila, basta sabihin mo at ilabas ang lahat ng nararamdaman mo. At pag nailabas mo na ang mga bagay na yun sakanila, gagaan ang pakiramdam mo. For sure, aadvice-an ka nila. (MINSAN MASARAP DIN YUNG SUMIGAW NG MALAKAAAAAAAAAAAS EH!! XD)

12.   ENJOY YOUR SINGLE LIFE. Mamuhay dalaga/binata ka ng masaya! Kasi balang araw dadating din tayo sa oras na magkakaasawa’t pamilya na tayo. At hindi biro ang pumasok sa ganung sitwasyon. Kaya enjoyin natin ang kabataan, minsan lang tayo maging ganito. Sometimes, learn how to fling. But know your limits. Don’t feel any regret for the past because at some point of your life, it will be exactly what you wanted. Relasyon niyo lang naman ang natapos, hindi ang buhay mo. Di mo naman siya buhay diba? Learn to live happily. Because everything happens for a reason kaya don’t blame anything. Wag ka ding maging bitter, oo sa umpisa you’ll feel bitter towards your ex. But learn how to forgive and forget. Be mature enough to handle things and to accept truth. Ganun talaga, truth hurts. But let him see that you’re strong and happy. That when he left you, you felt like you can breathe at ease. Ipakita mo na hindi ka obsess, martyr at patay na patay sakanya. Act like everything’s okay. Ganyan talaga sa una, mahirap mag move on. Pero habang tumatagal you’ll enjoy the pain and then you’ll forget the feeling of being hurt. It’s not his loss anyway. He won’t be missed >:) For today, just smile and don’t give a damn.

 A/N: VOTE AND COMMENTS PLEAAAAASEE? :">

How to move on?Where stories live. Discover now