-Sorry hindi kagandahan, hindi kasi ako inabot sa oras habang ginagawa to kasi may program kamiii-
𝑀𝑎𝑦 11,1926
𝐼𝑘𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑚 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑎𝑟𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝐾𝑎𝑖𝑛𝑎ℎ.
𝑁𝑎𝑔 𝑖𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔 𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎 𝑆𝑒𝑛𝑖𝑜𝑟 𝑎𝑡 𝑆𝑒𝑛𝑖𝑜𝑟𝑎 𝐷𝑒𝑙 𝑅𝑒𝑎𝑙.
𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑟𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑖𝑛𝑖𝑟𝑒𝑔𝑎𝑙𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝐼𝑛𝑎ℎ 𝑛𝑎 𝑖𝑑𝑖𝑛𝑢𝑔𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑖𝑛𝑎ℎ.
"Ang sabi ay sampung taon nitong nakakasama ang manika dahil hindi pala kaibigan ang bata at ang manika lang ang lagi nitong nakakasama at nakakusap hanggang pagtanda"
Tumatango kami sa narinig mula sa aming hepe.
"Idagdag pa ang maaga din itong naulila kung kaya itinuring na nitong isa sa pamilya ang manika na iniregalo sa kaniya."
Nakadama ako ng awa para sa babae ngunit mas lamang rito ang pagkamunhi rito.
"Ang sabi sabi sa mga kapitbahay nito ay nawawalan na daw sa isip ang babae at nakakulong nalang sa kuwarto kasama ang manika.
Tuwing sumasapit ang ika alas tres ng madaling araw ay laging nakabukas ang ilaw nito sa gawing kuwarto at tila may mga kalampag ng matitinis at maiingay na metal, na hinihinala nilang nag oorasyon ang babae"
Napakunot ang noo namin sa narinig. Isang misyon na hindi mo aakalaing totoo palang nangyayari.
Mga magagaling na pulisya ang ipinadala upang mahanap ang babae. Aakalain mong isa lamang na gawa gawa upang makapanakot ng tao.
Pulisya ang kinuha kong trabaho hindi paranormal expert!
Tumikhim ang hepe at inilipat sa pahina ang impormasyong ibinigay sa amin upang matagpuan na ang dalaga at ang manikang sinapian nito.
Isang delikadong misyon na buo na ang aming kasiguraduhan na malabo kaming mailigtas rito.
"At pinaslang mismo ng dalaga ang kaniyang sarili at inilipat ang kaniyang kaluluwa sa isang manika upang magkaroon ng walang hanggang buhay"
Umayos ng tayo ang hepe dahil mukhang pati ito ay kinikilabutan na sa nakuhang mga impormasyon na akala namin ay pumapatay lamang ng mga tao at hayop.
"Ngunit nitong buwan lamang natagpuan ang manika sa gitna ng kagubatan na walang ulo, subalit patuloy parin ang mga natatagpuan nating mga bangkay na kababaihan"
"Ang sabi ay maaring inilipat muli ng babae ang kaniyang kaluluwa sa isa namang tao at isinama ang ulo ng manika"
May nadinig ako ng kaunting pagtawa sa aking gawing likudan kung kaya't napalingon ako dito. Natagpuan ko si Blythe na kasamahan ko din mula sa Baclaran na malapad ang ngisi at nakatingin mismo sa aming hepe at tila may ibinubulong bulong.
Hindi ko inaalis ang titig sa kaniya at sinusuri ito. Nakapagtataka ang kinikilos nya!
Nagawi ang tingin niya sa akin at mas lalo pang nilakihan ang ngisi na ikinalaki ng aking mga mata.
Dumudugo ang kaniyang bibig dahil sa inabot hanggang tenga ang kaniyang nakakakilabot na ngiti at itinaas ang kamay na bigla nalang nagkaroon ng ulo ng nakakatakot na manika at hinimas ang buhok nito.
