Chapter Eight <part 2> ( When you find your Mr. Right Guy )

132 3 1
                                    

Audrey's POV 

Dali-dali kaming nagpunta ni Lexie sa Sunshine Bar. E kasi naman si Jayden uminom inom pa. 

Pagpasok namin nakita na namin agad si Jayden at Oliver. 

"Jayden" tawag ko sa kanya, lasing na lasing na kasi siya. Kitang-kita ko na marami na talaga siyang nainom dahil sa mga boteng nakakalat sa sahig. "What are yo-u-u doi-n-g h-er-e?!" aba ang ganda ng tanong niya. Hindi man lang nagulat or kahit ano. Nakakainis. "Hey! Let's go. You're drunk!" sabi ko agad para makauwi na kami, ang ingay-ingay kasi dito. Napansin ko din na napatingin na samin yung ibang tao. 

"Ano bang problema mo?! Wag kang sumigaw dito! Umalis ka nga!" ayan! Yan yung ikinagulat ko, nang gilid agad yung luha ko. Kasi sinigawan ako ng kababata ko. T.T Tumayo siya, pinigilan naman siya agad ni Oliver. "Dude, umuwi ka na. Lasing ka na."  narinig kong pakiusap ng kaibigan niya pero tiningnan siya ni Jayden ng masama at humarap sa kanya. "WTF is your problem?! Ayoko pa nga di ba!" sinigaw niya iyon sa harap ng kaibigan, ang malupit pa tinulak pa niya ito. 

"Sumosobra ka na Jayden ha! Kung ayaw mong umuwi, sige magpakalasing jan mag-isa!" hindi na nakapagpigil si Oliver, pikon na pikon na rin kasi siya, kitang-kita naman sa mukha niya. Aalis na sana siya pero bigla akong sumigaw.  "Fine Jayden! Gusto mo dito?! Sige jan ka na! Umuwi ka kung kelan mo gusto, maghanap ka ng mag-aalaga sayo! Hirap mong kausap!" hindi ko na rin kaya e. Tuluyan ng tumulo ang luha ko, tumakbo nalang ako. Hindi ko alam kung saan pupunta pero diretso pa rin ako. "Teka Dree" narinig kong tinawag ako ni Lexie pero hindi ko na siya pinansin. 

Narating ko yung park. Tahimik  naman, wala ring masyadong tao, at mahangin. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nakakainis kasi si Jayden, bigla nalang nagkaganun. 

Yumuko ako. "Panyo oh" narinig ko sa bandang likuran ko. Nagulat ako nung makita ko siyaaa. O_________O 

=======================

Pauwi na si Zac nang may makita siyang babae na tumatakbo papuntang park. Huminto muna siya at pinuntahan yung babae. 

"Panyo oh" sabi niya, at iniabot yung panyo pero hindi pa rin kinukuha nung babae. Tumingin sakin yung babae, nagulat ako nung makita ko siya. Si Audrey. Bakit naman kaya siya umiiyak. "Eto oh?" inabot ko ulit yung panyo at naupo sa bandang tabi niya. 

"Salamat" sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya. "Anong nangyari? Pwede ko bang malaman?" hindi kasi ako mapakali, hndi ko alam kung bakit. "Ah, wala. Wala lang to." pinilit niyang ngumiti para maniwala naman si Zac pero hindi umubra. "Wag mo ng itago, alam ko na yung ganyang style. Sige na sabihin mo na." pangungulit pa rin ni Zac, kabisado na niya yung ganong move. 

Kinuwento naman ni Audrey yung nangyari kanina sa Sunshine Bar. 

"Ah sobrang importante pala sayo ni Jayden" tumingala siya at tinitigan ang mga stars. "Oo, simula bata kasi kilala ko na yan. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganun" paliwanag pa rin ni Audrey. "Hayaan mo na yun, baka may problema lang siya." tumingin siya kay Audrey bigla namang napatingin si Audrey sa kanya, nag-iwas lang siya. "Bakit?" tanong niya. Nagulat naman si Zac. 

"Ano, wala. Haha. Gabi na ah, uwi ka na. Tara hatid na kita." nagsmile siya at tumayo na. "Ay nako, wag na. Kaya ko na." pagtatanggi niya, hindi naman kasi sa ayaw niyang makasama si Zac, nahihiya lang siya kasi sikat na tao yung kasama niya. Wag ka tumangi wala ka ng masasakyan. And may sasabihin ako." nagsimula na siyang lumakad papuntang sasakyan niya. "Teka ano yun?" hinabol siya ni Audrey. 

"hahaha, susunod ka din pala e. Sige pasok ka na." binuksan niya ang door ng passenger seat. "Bakit jan? Sa likod nalang?" pagtataka ni Audrey. Baka kasi may makakita sa kanila. "Hindi, dito na. sige na." wala naman siyang nagawa kaya pumasok na rin siya. 

Sa loob ng sasakyan, tahimik lang kami. Suddenly, nagsalita siya. "Ah Audrey, have you know about the issue?" napatingin si Audrey sa kanya, nanlaki ang mga mata nito. "Issue, anong issue yun? Wala yata akong alam don." mejo nangiti-ngiti pa ito. "Hindi ka pala nagbabasa ng newspapers." pagbibiro niya. "Busy lang ako, kaya hindi ko na naatupag yon. So ano yung issue?" nag-iintay si Audrey sa sagot ni Zac pero hindi na ito kumibo. "Oy! Ano yun?" pangungulit ko  pa rin. "Andito na tayo. Nextime ko nalang sasabihin." ngumiti lang siya. "Hay nako, ewan ko sayo. Sige na nga." bababa na siya ng bigla siyang pigilin ni Zac.

"Teka, number mo? Hindi ko pala nakuha non." naupo ulit si Audrey. "Ay ganon ba, osige eto oh." Inabot niya yung calling card niya. "Sige una na ko ha. Bye, salamat." Nagwinked siya at bumaba na. "Sige alis na ko. Call you later?" papasok na ng gate si Audrey non. "Ah sige ingat." Yun lang nasabi ni Audrey. Pumasok na siya sa bahay niya. 

==========================================================

Eto na po muna. Next Chapter na lang po tayo. Maybe next week. May exams kasi kami e. 

Thankyou sa support niyo guys! VOTE pa din kayo ha. Love lotss. :)

~DorkyZhani ♥

~When you find your Mr. Right Guy ♥Where stories live. Discover now