Chapter 24: Relationship Status

Start from the beginning
                                    

Dave

"Talaga? Hindi ka ba galit o tampo?" ang tanong ko sa kanya. Nahihiya ako sa kanya, actually, dahil baka isipin niya na ikinakahiya ko na naman siya sa iba, kagaya ng nangyari kahapon. Pero nang magpaliwanag ako, agad niya naman akong pinakinggan at inintindi. Lalo tuloy akong nabuhayan, natuwa -- lahat na. Iba talaga si Maggie sa lahat ng babaeng nakilala ko, lalo na kay Lani. Kapag nagpaliwanag ako, pilit akong iniintindi ni Maggie, unlike Lani na marami pang pagdududa.

"Hindi nga. OK lang. Tsaka kagabi, 'di ba, sasabihin mo naman talaga sana sa'kin, kaso nga, ayun, naka-silent ang phone ko. OK lang. Walang kaso, Dave." Ngumiti pa siya sa akin, kaya lalo akong ngumiti, pero 'yung ngiti ko, may halong hiya na para ba akong batang binigyan ng regalo nang hindi nag-eexpect.

"Wait, guys." Sumingit si Chloe sa usapan namin, kaya napunta sa kanya ang atensyon naming dalawa ni Maggie.

"With or without the relationship status, bashers, haters, insecure people will always strive to get you down. Here, see this." Iniharap niya sa amin ang I-Pad niya, kaya nabasa namin ang ilang negative comments sa pagiging single uli ng status ko sa FB. "Almost everybody thinks that you and Maggie had broken up. As expected, nagdiwang ang mga insecure bitches."

"Huwag na lang natin pansinin, Chlow" ani Maggie.

"No. Hindi lahat ng bagay kailangang deadma-hin. Ang iba, kailangan patulan."

"Anong balak mo, Chlow? H'wag na lang. At least tayo, masaya, sila hindi, 'di ba, Dave?"

"Ah...yep. Never mind those people, Chloe." ang sabi ko.

"Awww...sige na. Ganito. Let's post a picture of you together para ipamukha sa kanila na kayo pa rin. Tapos lalagyan natin ng caption nung sinabi mo kanina Dave -- 'yung relation niyo is more than Facebook status ek-ek."

"Chloe, kaya ko nga inalis 'yung status namin ni Maggie, para makaiwas na sa mga pamumuna ng iba, tapos gaganyan pa tayo?" ang sagot ko.

"Mm...Ganito na lang. Tutal sa FB naman 'yung relationship status choo choo na 'yan, edi, kahit sa Twitpic o Instagram na lang natin i-post. Pakita lang natin na kayo pa rin. Sige na, Dave."

Napatingin ako kay Maggie at napatingin din siya sa akin. "Ah, ano, picture tayo?" ang tanong ko sa kanya.

"Hmm?? Ikaw...bahala ka!"

Inakbayan ko agad si Maggie at nagsabi kay Chloe ng "Game, Chlo. Maggie, smile tayo." Inilapit ko ang pisngi ko kay Maggie.

Maggie

Hindi pa rin talaga nag-iiba ang pakiramdam ko sa t'wing magdidikit kami ni Dave -- nakakaramdam talaga ako palagi ng kakaibang kilig. Inakbayan niya ako at idinikit pa ang malambot niyang pisngi sa mukha kong mala-middle east sa sobrang oily. Napailag tuloy ako bigla at nasabing "Sandali". Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa ko para magpunas, at nang ok na, nag-pose kami uli ni Dave. Nakaakbay siya sa akin at magkadikit ang mga pisngi namin. Eee.

"1, 2, 3, smaaayl!!!" ani Chloe. Nang ma-click na ni Chloe ay nabigla ako sa nangyari. Totoo ba ang nangyari?

Kiniss ako ni Davee sa cheeks sa count of 3. OK. Pwede na akong mamatay!

"Eeee...ang sweet! Tignan niyo, oh! Nakuhanan ko 'yung shot na kiniss mo Dave si Maggie. Look, oh!" Ipinakita sa amin ni Chloe ang shot. Ang cute ng kuha namin. Parang couple sa mga napapanuod kong palabas wherein naka-kiss ang guy sa girl -- lalo akong kinikilig deep inside, pero hindi ko lang pinapahalata outside.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now