CHAPTER 3

70 5 8
                                    

Habang papalapit si V sa Area namin, kumakaway-kaway sa mga fans si V, nakikipag-shake hands.. etc.

Teka, makikipag shake hands din ako!! oops, pasmado ako. Punasan ko muna kamay ko.

Habang papalapit na si V sa Area namin, iniaabot ko ang kamay ko habang sinasabing “Oppaaaa!!!! Annyeong!!!” sabi ko paulit ulit hanggang sa makalapit siya.

Nang makalapit si V sa area namin, hinawakan niya kamay ni Andrea at ni hailey, syempre inabot ko na rin ang kamay ko nang may ibinigay si V sa kamay ko.

Yung Voodoo doll na alieng keychain ko? But.. but.. how?

Napatingin naman ako kay V habang nakatigil siya sa harap ko. Mixed feelings ang nararamdaman ko ngayon. SOBRANG SAYA na NAGTATAKA. Nagtitilian na ang mga fans. May sumigaw pa nga ng “Andwae!!!!”

Kailangan na bumalik ni V sa Stage, kinindatan niya ako bago siya lumayo.

Ako, tulala pa din sa mga kaganapan.

Am i dreaming?

“Uy Alexis~~ !!!!! COME BACK TO EARTH!!!!” Sigaw ni Andrea

“OMG!!!!! YOU’RE THE LUCKIEST GIRL TONIGHT!!! I’M SO JEALOUS!!” Hailey

Tulala pa din ako habang hawak ko Yung keychain ko. Napatingin ulit ako kay V sa stage, and i noticed na nakatingin siya saken. Nung tumingin ako, bigla siyang tumawa.

(O/////O) ~ OMG

Feeling ko nangangamatis ang mukha ko. Di ko na naman ma-control feels ko. Naiihi tuloy ako.

“Guys, CR lang ako. I don’t think na mabubuhay pa ko Pag nagstay ako dito. I need a break!” Sabi ko sa dalawa

“hahahahaha asuuuus!!! Ang sabihin mo kinikilig ka!!!!! Gusto mo samahan ka namin?” –Andrea

“no, i’m fine. Thank you. Babalik ako agad.” Sabi ko.

Napansin ko din na nagpunta ang Bangtan sa backstage. So pinanood muna ang audience ng Video.

Anyway, kahit gusto ko mapanood, ihing- ihi na ko. Nagmadali akong pumunta sa CR.

Masyado akong kinilig kaya siguro na timingan ako ng pagihi. Ammffft.  

Pagbalik ko, nagpeperform na ulit ang Bangtan. War of Hormones. Hindi ko naumpisahan. Sayang. Hahaha

“Ang tagal mo, nagumpisa na oh.” Andrea

“Ah, pasensya na, ang haba eh. Hahaha” pagbibiro ko sa kanila.

Dahil sa ginawa ni V, halos siya lang tuloy ang lagi kong tinitingnan. Pag napapatingin siya sa Area namin, automatic umiiwas ang mata ko. Ang assuming ko ha. Normal lang naman siguro sa isang “FAN” natitigan ang idol di ba?

Hanggang sa natapos ang Concert, tinitigan ko talaga si V. Jusko po. Tinamaan ata ako ni Cupid. Sorry, Suga. Ikaw Bias ko. Pero... Waaaah. Pero si Taehyung kasi eh.

.

.

“Grabe!! Ang saya ng Concert!!!!” sigaw naming tatlo.

Nagkatinginan kami kasi sabay-sabay kami.

Aantayin naming umalis ang bangtan bago kami lumabas. May hi-touch pa kasi.

Gabing-gabi na din, sa hotel ako magii-stay ngayon... kaya anytime, pwede ako bumalik dun. Sina Andrea at Hailey, nagpa-book na lang din sa isang hotel. Too bad, di na kami magkakasama sa iisang hotel.

Soooo, kakatapos lang ng Hi-touch. Time to go. Niyaya ko ulit yung dalawa na kumain sa isang restaurant. Pumayag naman sila, since baka hindi na kami magkita next time.  

This time, antok na antok na kami. Pero nagagawa pa rin naming magkwentuhan. Pero mas kulang na sa energy. Nalowbat kami kakasigaw kanina.

After 30 minutes, dumating din ang inorder namin. Grabe, patulog na kami sa tagal.

Pero nabuhayan kami ulit ng dugo ng naamoy namin ang pagkain.

Lumafang na kami.

.

.

Maya-maya pa, may grupo ng mga kalalakihan ang pumasok sa restaurant, naka face mask sila so di namin namumukhaan. Ang ingay nila, nagtatawanan.

“Alexis, feeling ko BTS yon.” Bulong ni Hailey saken.

“Siguro pag tinanggal nila yung face mask nila, gwapo mga yan.” Sabi naman ni Andrea

“Pssh. Impossible. Para namang ang liit ng Manila para makasabay natin ang Bangtan sa pagkain ha.” Sabi ko habang nginangasab ang barbeque. Oo alam ko, madungis na ko, pero who cares, kakaunti lang ang customer, at di naman nila ko kilala.

^____^ yummmm!

“Alexis! Ayusin mo nga yang pagkain mo! Ang dungis mo oh!” sabi ni Hailey

“Mamaya, pagkaubos na, baka dumungis nanaman ako. Tamo si Andrea, walang pakelam. Dalawang Barbeque ang hawak.” Sabi ko.

“Mas lasap ko ang lasa pag ganito.” Andrea

“I know right!” pagsangayon ko kay Andrea at nag-high five kami.  

Medyo napalakas nanaman ang tawa namin ni Andrea. At napa-roll eyes na lang si Hailey at ginaya kami sa pagngasab ng barbeque.

.

.

Nasa unahan lang namin yung table nung grupo ng mga kalalakihan na pumasok kanina at napansin ko na napatingin sila.

Though, i don’t really mind, bigla ako ulit kinalbit ni Hailey.

“Alexis, Korean Sila! I can hear it!!” bulong ni Hailey.

“Hahaha seriously. Impossible nga. Kahit sumigaw ka ng bangtan, hindi lilingon ang mga yan.” Bulong ko din sa kanya.

“Ano ba yang bulong-bulungan niyo? Mamahagiiii!!!!” Sabi ni Andrea

“Andrea, Tingin ko kasi Bangtan yung mga lalaki sa likod mo.” Mahinang sabi ni Hailey.

“BANGTAN?!?!?!” napasigaw si Andrea. Then napalingon siya.

Napatingin naman kami ni Hailey sa grupo ng mga lalaki, mukhang nagulat din sila at napalingon din.

Kumaway ang dalawang lalaki at tinanggal ang face mask. HALOS MABULUNAN NA KO SA NGINUNGUYA KO AT DALI DALI KONG PINUNASAN ANG BIBIG KO.

Taehyung?! Jimin?! So ibig sabihin, Bangtan ang mga yon!?!

OMG.

--------------------------------------------

A/N: Pasensya na po sa mga typo sa previous chapters. i'll fix it someday. XD 

hope you like it! 
ah sorry, maikli lang ulit ang chapter na to. teehee. [pfft]

-Flying_PandAA #2

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My Miss Right (Bangtan Sonyeondan - BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon