Chapter 3

8.4K 245 1
                                    

Deene's POV

Tatlong araw ang mabilis na lumipas pero inis na inis padin ako kay Violet sana lang talaga ay hindi na ulit magcross ang mga landas namin. Nasa isang lounge bar kami ngayon kung saan inaya namin si Heather kanina pa siya inis sa boyfriend/girlfriend niyang si Dos dahil hindi daw siya nito sinasagot kasama din namin si Bree at yung asawa niya. Maghahanap na sana kami ng table ng biglang matigil si Heat at sinundan namin ang tinitingnan niya. Patay kang Dos ka. Napailing-iling pa ako.

Umupo kami sa katabing table nina Dos pero inaya nila kami na sumama nalang sa table nila kaya ayun sama-sama na kami ang awkward pa dahil feel na feel namin yung tensiyon sa kanilang dalawa. Hanggang sa magtanong yung isang kabigan ni Dos kung single ba si Heat at sumagot ng oo si Heat. Right then and there i know Dos is in very big trouble. Kaya naman ng mas bumigat pa ang tensiyon sa pagitan nila ay nagkanya-kanya na kaming alisan nakakatawa pa nga ang dahilan ni Bree.

Umalis na din kaming tatlo sa table para naman makapag-usap na yung dalawa. Nasa likod lang ako nina Chale at Bree ng may biglang humila saakin papunta sa di matao at may kadilimang lugar ng lounge bar, sisigaw na sana ako ng mapagsino ang humila sakin.

"Violet? Papatayin mo ba ako sa takot." Bulyaw ko sa kanya na ikinatawa lang niya ng mahina.

"What are you doing here?" Tanong niya saakin.

"Ano namang pake mo? Wait, nakainom kaba?" Muli kong tanong ng maamoy ko ang amoy alak niyang hininga.

"Nope, just a little bit tipsy." Aniya na lumapit pa saakin at yumakap sa bewang ko saka nagsumiksik sa leeg ko.

"Ano ba." Reklamo ko na pilit inilalayo ang ulo niya saakin.

"You smell so good, Deene." Sabi niya bago ako kintalan ng halik sa balikat na ikinagulat ko at ikinatulak ko sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak pa ang kamay ko roon.

"What the heck are you doing?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya kagaya ng di ako makapaniwala sa sinabi niya nung huli na inlove daw siya sakin if I new pinagtitripan niya lang ako kagaya nung mga bata pa kami.

"I told you I'm inlove with you Deene, and i can't seem to get my hands off you." Aniya at muling yumakap saakin.

"Viloet ano ba." Pilit ang tulak ko sa kanya pero hindi man lang siya matinag. Isang malakas na tulak ang huli kong pinakawalan bago siya kumawala sa pagkakayakap saakin.

"I'm so tired of you not seeing me as me. Don't you really get it, I've been inlove with you since we were kids." Parang nahihirapan niyang sabi habang nakatingin saakin na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"You don't know what you're saying, lasing ka lang." Sabi ko naman. No, I like guys, not girls.

"I'll still be inlove with you even when I'm sober, Deene." Sabi niya na nakatingin padin saakin. Ako na ang nag iwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya.

"Sino bang kasama mo dito? Umuwi kana, lasing kana." Sabi ko nalang sa kanya.

"I'll leave, but you'll call me when you get home." Aniya na ikinatingin ko sa kanya. Medyo makapal.

"Ano ka siniswerte?" Taas kilay ko sa kanya.

"Then I won't take my leave. And I won't leave you alone too." Sabi niya.

"Fine, basta umuwi kana." Sabi ko nalang, ayaw ko ng magtagal pa siya rito baka mas lalo pa siyang malasing. Sa ganda ba naman niya, siguradong madaming magtetake advantage sa kanya.

Isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya bago umalis nang wala man lang paalam saakin. Grabe talaga.

Ilang oras pa siguro ang inilagi namin doon bago magpasyang umalis. Hindi padin naman naayos ang di pagkakaintindihan ni Heat at Dos. Nakakaawa nga yung huli parang nalugi.

Nang maihatid ako nina Bree ay agad na akong naglinis ng katawan at nagbihis ng pantulog. Matutulog na sana ako ng maalala kong kailangan ko nga palang tawagan si Violet. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at agad na idinial ang number niya, limang ring din ang lumipas bago niya iyon sagutin.

"Hello, are you home?" Tanong niya sa kabilang linya. Nakatulog na ata siya dahil medyo husky na yung boses niya.

"Did I wake you up?" Tanong ko sa kanya.

"You're worth waking up to." Aniya na di ko inaasahang magpapangiti saakin. Seryoso ba siya na gusto niya talaga ako?

"Ang dami mong alam, matulog kana ulit. I just called 'cause i promised." Ani ko. Napabuntong-hininga pa siya sa kabilang linya bago patayin ang tawag. Di naman ako makapaniwalang napatingin sa cellphone ko. Ang kapal, siya pa talaga nagpatay ng tawag.

Uggghhhh!

ZyyyRilll

Heredera Series: Deene GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon