CBM ( TED ) : A01

17 0 0
                                    

Sa bulwagan ng Avheen........

"Kamahalan , naisakatuparan na po ang utos nya" , sabi ng isang arkanghel na may kasuotang kulay ng dalisay na tubig habang nakaharap at nakaluhod ng isang tuhod sa kataas-taasang konseho.

"Syang ikinababalisa na po ang lahat ng nilalang" , wika naman ng isa pa ng arkanghel na may luntiang kulay ng kagubatang kasuotan na tumabi sa nauna.

"Maraming unos na po ang nasaad na dahilan ng paglisan"

"Unti-unti na pong nawawasak ang limang mundo dahil sa pagkakagulo" , saad pa ng isang bagong dating na arkanghel na may kulay kayumanging kasuotan ng lupa.

"Nalalapit na syang dumating" , biglang sabi ng isang arkanghel na may suot na koronang ginto sa ulo habang ang kasuotan naman ay kakulay ng nag-aalab na apoy na pula.

*Trumphet Sound*

"Narito na ang mensahero mula sa nakatataas , syang taga-ulat ng salita ng dakilang lumikha" , pagbibigay alam ng isa sa mga kawal na anghel mula sa labas na tarangkahan.

"Humayo kayo't sya ay paraanin" , pagbibigay permiso ng tagabantay sa grasya ng lahat na si Chaos sa dalawang punong kawal na nasa pintuan ng bulwagan upang ito ay buksan.

"Kamahalan" , sambit nito't yumukod upang magbigay galang.

Lumakad ito patungong centro , saktong sa lugar ng paghahatol.

"Nais nyang ipabatid ang isang balitang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan , ito po sana ay inyong patnubayan"

"Magpatuloy ka" , wika ng dyos ng dilim. Nasa kanang gilid na position na si Nyx.

"Lulubog ang araw at dadanas ng uhaw. Maghihiwalay ang buwan ng gabi sa liwanag ng bituin , syang magiging tulay upang isasantabi ang mithiin. Sanlibutan ay mawawalan ng kaalaman sa kanilang pagdayo mula sa kasulok-sulukan , mawawaglit ang emosyon at mapapalitan ng pawang kawalan sa paghahari ng katahimikan. Ito ang magiging tanda na hihinto ang oras , mawawala sa nakaraan ang bawat yapak o bakas. Magugunaw ang hinaharap at hindi na magbabalik pa ang bukas , ang kasalukayan ang magsisilbing una at huli sa paninging hindi na mauulit muli"

"Isang propesiya" , biglang wika naman ng dyosa ng liwanag. Nasa kaliwang gilid na position na si Lianne.

"Kailangang paghandaan nila ito" , dagdag pa ng dyosa ng kapangyarihan na si Aether.

"Ipagpaumanhin nyo , ngunit sa sandaling ito ay hindi nila naaalam ito" , wika ng dyosa ng hangin na si Caeli.

"Kaya nga't nagkakaroon ng sakuna sa bawat mundo at hindi matatawarang pinsala na rin ang nasasaad sa pangyayareng ito ngayon mismo" , pagpapaalala ng dyos ng apoy na si Ignis.

"Ano nga ba ang dapat nating gawin? Kung hindi pa tayo kikilos ay baka tuluyan ng mawasak ang lahat" , ani naman ng dyosa ng tubig na si Aqua.

"Dapat ay maagapan kaagad ang problemang ito at ng maisakatuparan na ang paghahanda sa kanila" , saad pa ng dyos ng lupa na si Terra.

"Marapat yatang magdesisyon na ang konseho ukol sa usaping ito" , pagpapahayag ng paghatol ng dyosa ng yelo na si Glacies.

"Huminahon kayo't mag-isip ng paraang makatutulong upang malutas ang palaisipang suliraning ito" , saad pa ng dyosa ng mga espesyal na bato na si Lapis.

"Mabuti pang maghatid pa tayo ng
taga-observa sa bawat daigdig ng may magulat ng pagbabago kung may mangyare man , upang mapabilis nating maagapan ang butas sa kasagutan" , ani naman ng dyos ng kidlat na si Fulgur.

"Sang-ayon ako , ngunit masyadong mapanganib ang paglalakbay sa pagtawid ng bawat dimensyon para sa kanila" ,
pag-awat salita ng dyos ng init na si Lava.

"Maaaring mapadala ang limang arkanghel sa bilang ng ikalawang punto uno disesyete sa hanay ng paglilitis , yun ay kung inyong mamarapatin at ng mapabalik sa anumang sandali gamit ang kanilang biyayang abilidad" , pagbibigay informasyon at paghinging permiso naman ng dyos ng kinang na si Metallum.

"Tama , maaari nga naman at marahil ay mas mapabilis ang paghahatid-ulat ng mga ito kaysa sa mga nauna"

"Kung ganon ay nakapagdesisyon na ang lahat , ipadala silang may kasamang isang kawal na anghel bawat isa upang may
taga-suporta" , paglalahad ng hatol ni Chaos.

"Humayo kayo't magmadali bumalik at magsaad sa amin ng balita" , saad pa nya at nagbigay ng basbas ng pagpayag upang makalabas sa sagradong lugar kung nasaan sila.

"Ikinagagalak po namin kamahalan" , wika ni Gabriel na nangunguna sa kanila.

"Nasa amin na po ang karangalan" , wika naman ni Michaelo.

"Isang malaking pagtitiwala po para sa inyo" , wika pa ni Samuel.

"Makaaasa po kayo sa aming katapatan" , syang wika ni Miguel.

"Magdadala kami ng katiwasayan hanggang sa kadulo-duluhan po ng paglilingkod" , pagsaad pa ni Seraphim.

Tunay ngang sila ay tumugon sa nasaad na kautusan upang humagilap ng impormasyong makatutulong sa pagtatama ng lahat , sila'y naglakbay ng may kasalong gabay na bantay.

OBLIVION'S HOPE: LAST BREAKDOWNМесто, где живут истории. Откройте их для себя