"I'm asking you. Nagagandahan ka ba sa kanya?" Humagikhik ako.

"Of course, Coreen Aquino is pretty." Sabay lingon ni Stan sa kay Coreen.

"She is." Pag amin ni Noah.

There, Megan.

Tumango ako at ngumiti, tumingin kay Coreen na hinahawi ang umaalon na buhok. "Yup. Bagay kayong dalawa. Look at her fair skin, red lips, and her body. Isang taon lang ang tanda natin sa kanya pero dalagang dalaga na siya. Have you seen her sa P.E. nila? Swimming?" Wala sa sarili kong sinabi.

"Tomboy ka, Meg?" Natatawang sinabi ni Warren.

"No!" Tumawa ako. "Naaappreciate ko lang talaga ang beauty niya. Noah, pormahan mo kaya. She likes you. Have you read her letters? What can you say?" Bumaling ako sa kanya at titig lang na matalim ang kanyang ipinakita sa akin.

"You want me to date her?" Kumunot pa lalo ang noo ni Noah.

Nag iwas ako ng tingin. "You might like her. She's pretty and she likes you."

"You want me to date her?" Tanong niya ulit sa mas seryosong tono na para bang hindi niya narinig ang salita ko kanina.

Nanahim silang apat na naroon sa table namin. Pinapanood lang kaming dalawa sa nagtatakang mga ekspresyon. Ang mga mata ko ay nasa mineral water sa harap ko samantalang titig ni Noah ay kanina pa nasa akin.

"Excuse me." Tumayo si Noah at mabilis na tinalikuran ang mesa namin.

Binuksan ko ang nilalarong mineral water at uminom. Tahimik silang tumingin sa akin na para bamg may ginawa akong masama.

"What was that, Meg?" tanong ni Stan sa akin.

Tumikhim si Everlyse at umiling, "Ganon ba gagawin mo?"

"Ireto natin siya kay Coreen, Stan," nilingon ko ang pinsan ko.

"Wha- Bakit?" Ginulo ni Stan ang buhok niya.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na nakahanap ng salita. Panay ang tanong nila sa akin kung ano ang nangyayari ngunit wala akong maisagot. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Noah at lumilipad ang utak ko patungo sa kanya sa loob ng halos tatlong oras naming pag upo doon sa cafeteria.

Hindi ko parin sinasagot ang tanong nila kung bakit ko iyon nasabi. Panay ang pilit nila sa aking hanapin si Noah ngunit hindi ko ginawa. I felt so dumb. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Noah ngunit alam kong magiging mahirap na iyon.

Nag angat ako ng tingin nang pumasok si Noah sa classroom, tatlong minuto na ang nakakaraan nang nagsimula na kami sa aming exam. He's late. Malamig ang kanyang tingin at hindi man lang siya sumulyap sa akin. Dinungaw ko ulit ang papel ko nang lumagpas na siya sa akin para magtungo sa kanyang upuan at sagutan ang exam.

Pinukpok ko lang ang ballpen ko sa aking testpaper. Kinukurot ang puso ko habang sinasagutan ng wala sa sarili ang exam. Paglipas ng isang oras ay narinig ko ang galaw ng upuan sa likod.

Napalingon ako sa nagpapasa ng papel. Si Noah ang pinakamabilis natapos. Siya rin ang unang umalis. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pag alis doon at huminga ng malalim.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon