A.G. Chapter 7: Muling Pagkikita...

190 10 6
                                    

Prince's POV

Tumawag ng waiter si Mazie at agad ko syang nilapitan. Kinuha ko ang order nilang dessert at umalis. Nang matapos na silang kumain ay sinundan ko sila hanggang sa kwartong tinutuluyan nila dito sa hotel. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ko para sundan pa sila doon.

Nakita ko yung boyfriend ni Mazie na umalis na, pupunta yata sa rooftop? K. wag ko nang problemahin kung san pa ang pupuntahan ng lalaking yun. Basta ang gagawin ko ngayon papasok ako sa kwarto nila Mazie. Hindi naman masama diba? Prince, this is it. Kaya mo yan- pagpapakalma ko sa aking sarili.

Nakaramdam ako ng tuwa non kasi pagkakataon ko na to para malapitan siya, at ipaalala ang mga pinagsamahan namin nung kami pa at wala siyang amnesia. Unti unti akong naglakad papunta sa kwarto nila Mazie. Ramdam kong kabado na din ako ngayon sa gagawin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita ako. Malay mo matakot diba tas biglang tumakbo akala rapist ako. O kaya hindi ako papasukin. O kaya bigla akong saksakin? Ay ano ba tong mga naiisip ko ang OA masyado. Prince kalma!

Hayan na nasa tapat na ako ng pinto. Nag doorbell ako ,syempre alangan kumatok pa ao diba e may doorbell naman. Sosyal kasi sila este itong hotel hanep hahaha XD. Sa ikalawang doorbell ko binuksan na niya ang pinto at pinapasok naman niya ako kaagad. Akala ko nga matatakot siya e at hindi ako papapasukin. Akala ko lang pala yon.

Siguro dahil nakadamit pang waiter ako. Pero ewan kung bakit niya ako pinatuloy dito bakit ba kasi hindi ako nakapagpalit ng damit. Galing naman o. Pero okay na yon Winelcome naman ako ng taong mahal ko. Wew.

Mazie's POV

Ano ba 'tong ginawa ko? bakit ako nagpapapasok dito ng hindi ko naman kilala? Baka mamaya kung rapist ba to o magnanakaw. O baka naman kidnapin ako nito at nagsuot lang sya ng pang waiter para i welcome ko dito? Hay ewan ano ba yan ang creepy tuloy ng mga naiisip ko. god kayo na po bahala sakin.

Pero bakit ko nga ba kasi to pinapasok? Kainis naman e nawala sa isip ko ang wag magpapasok ng strangers dito. Psh. Pero bakit ganon? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Hindi kaya kakilala ko siya? Kaibigan? Or whatsoever ? Hay nakaka stress ha!

"Mazie..." pagtawag niya saken. Para talaga siyang pamilyar sakin. Hmmm.

"Cas na lang para hindi ka mahirap kasi mas maigsi yon. hehe." sabi ko na lang ngunit may halong kaba e kasi naman malay mo kung ano gawin nito. Hayst bahala na.

"Ah ok haha. Cas..."

"Ako 'to si Prince yung... boyfriend mo" pagtutuloy niya sa sinasabi niya. Teka..

"Huh?? B-boyfriend ki-ta?" nag-aalangang tanong ko. E kasi naman...

"Sabi ng mommy ko wala naman daw akong boyfriend dito sa Pilipinas. Sino ka ba talaga? Niloloko mo ba ako?" tanong ko ulit sa kanya.

"Gusto ka niyang ilayo sa amin" Hindi naman niya sinagot ang tanong ko badtrip din e 'no?

"Anung sa amin? Eh nag iisi ka lang naman dito?" nabara ko tuloy XD

"Ang barkada natin..." Barkada?

"teka nga, hindi kita maintindihan e. Saka bakit naman gagawin ng mommy ko yun?" Bakit naman kasi gagawin ni mommy yon diba? Ang bait kaya ng mommy ko. Kung totoo man yung sinasabi niya.

"Kami daw kasi ang may kasalanan kung bakit mayroon kang amnesia ngayon, kung bakit ka naaksidente. Sa amin niya isinisisi ang lahat, lahat ng nangyari sayo Mazie."

Medyo naniniwala naman na ako nung mga oras na yon. Pero kasi iniisip ko din naman na baka niloloko niya lang ako diba? Hindi lang muna ako nagsalita nakinig na lang muna ako sa mga sinasabi niya at sa mga sasabihin niya pa. Pero kahit anong paalala niya ay wala e, wala talaga akong maalala.

May bigla naman akong naisip. "Baka nga talagang kilala niya ako, kasi kung hindi bakit alam niya ang pangalan ko?Bakit alam niya ang nakaraan? Bakit ang dami dami niyang alam tungkol sakin? Pero malay mo naman diba baka nang stalk lang sya o kaya tinanong sa iba ang pangalan ko? Ang Creepy.

Pinatigil ko na siya sa mga sinasabi niya dahil mukhang wala naman akong mapapala, sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung totoo nga ba ang lahat ng yon. Pero dahil ipinanganak siyang makulit at walang modo de joke lang haha. Ipinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa niya at sinubukan pang ikwento sa aking ang mga pangyayari. Pero bago pa siya tuluyang matapos nagsalita na ako. Di ko na talaga kinaya.

"Umalis ka na muna... w-wala akong maalala. Wala talaga. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung totoo ba ang mga sinasabi mo. Baka kasi ginugulo mo lang kami ng Boyfriend ko. Kaya please? Leave me alone?"

"pero..."

"Wala nang pero pero, umalis ka na muna please."

Umalis na siya at mukhang naunawaan naman niya ang pakiramdam ko ngayon. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Pero ilang minuto na din ang nakalipas ng umalis na siya. Pero nababagabag pa din ako sa mga narinig ko. Totoo nga kaya yon? Kung totoo man? Kaya siguro ayaw na nila sabihin sakin ang nakaraan.

Hayst, ayoko na sumasakit na talaga ulo ko kakaisip e. Pilit kong hindi na lang yun pansinin pero may part sakin na pinaniniwalaan yon. Na parang sinasabi na totoo yon. Hayy, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba ang mga nangyayari sakin.

Bigla akong bumalik sa pagkatao ko lutang kasi ako masyado. Nandito na pala si Bryan, nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko sabay sabing...

"Come with me, I have something to show you..." Sabi niya habang nakangiti. Waaah ang gwapo talaga shet.

Tumango na lang ako dahil natameme ako sa kanyang killer smile. Teka... ano nga bang meron? Ano ba yung ipapakita niya daw? Wow ha bongga surprise pa yata. Pa suspense pa masyado XD. Kinikilig ako. Like to the O to the M and to the G. OMG XD.


AMNESIA GIRL (Short Story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें