UNANG CHAPTER: Ang RULES and REGULATIONS bow!

11.1K 144 16
                                    

PASALAMAT muna ako DOON sa LAHAT ng mga nag-COMMENT sa PROLOGUE ko...

KEEP READING GUYS!!!

*************************************************************************


APARTMENT number 143.


Dito ako magsisimula ng bagong buhay. Ang bahay na ito ang magiging saksi sa pag-abot ko ng mga pangarap ko. Gusto kong yumaman. Gusto kong ihaon sa kahirapan ang pamilya ko. Marami pa akong mga pangarap na gustong makamit para sa pamilya ko!

At sa APARTMENT na ito, bubuuin ko ang lahat ng mga pangarap kong iyon!

6am.


Maaga pa lang nailipat ko na mga gamit ko sa apartment na ito. Hindi naman ako nahirapan dahil kung tutuusin kunti lang naman mga gamit ko. Damit. Sapatos. Maliit na kama. Unan. Kumot. Plantsa. Electric fan. Electric Kettle. maliit na Rice Cooker. Balde. Tabo. Planggana.

Maayos naman ang bahay. Malinis. Bagong pintura. Maaliwalas sa mata tingnan. May kusina. Dirty kitchen. Isang banyo. Dalawang kuwarto. Siyempre, kinuha ko ang kuwarto na malapit sa hagdan.

Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko. Naalala ko... Oo nga pala, hindi lang pala ako ang titira sa bahay na ito. Meron pa. Ang asungot na 'yon na nakihati pa sa akin!

Saan na kaya ang lalaking iyon? Sabi niya kahapon, maaga din daw siya lilipat dito.... Wala pa rin siya. Napangiti ako. Sana nagbago isip niya. Sana nag-back out na ang asungot!

Nakarinig ako ng busina ng isang trak.

Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba.

Lumabas ako ng kuwarto. Sumilip sa hagdan...

BADTRIP!

Si Asungot! Dumating na sa bahay!

Marahan akong bumaba ng hagdan.

Agad niya akong napansin. Tinanggal niya ang suot niyang sunglass at ngumiti sa akin.

"Hi! Nauna ka pala sa akin. Ito ba mga gamit mo?"sabi niya sabay turo sa mga nakakalat na karton doon.

"O-Oo. Kadarating ko lang kaya hindi ko pa siya naililigpit."inis kong sagot. Ang yabang naman kasi tingnan nito. Eto na naman, halos malukob ang buong bahay sa pabango niya.

 "Pwede mo ba siyang iligpit na? Because ipapasok ko lang mga gamit ko."sabi pa niya.

Napakamot na lang ako ng ulo. Bumaba ako ng hagdan tapos kinuha ang mga karton.

Bumukas ang pinto ng bahay. Doon pumasok ang isang lalaki buhat ang isang 21 inches LED TV. Then sinundan ng mga lalaking may bitbit na Home theater speakers, sala sets, aircon, rice cooker, refrigerator, queen size bed, cabinets and tables... and more.... as in super daming appliances at kung anu-ano pang mga gamit...

NAtigilan ako. Para naman akong nanliit sa mga dala niyang gamit. Parang halos buong bahay yata ay sasakupin ng kanyang mga gamit.

"Sorry kung madami akong gamit."nakangiti niyang sabi ng tingnan niya ako.

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon