Chapter 3

2 0 0
                                    

Kiana's PoV

"didn't know you have a lowclass side when it comes to girls. *chuckle* " rinig kong saad ng lalaki.

Boses ng lalaki.. Mainit.. Pinagpapawisan ako.. Nahihilo ako.. Nararamdaman kong nakatali ang mga kamay ko... Wait what?! NAKATALI ANG MGA KAMAY KO!

Agad akong napa mulat at nakitang naka tali ako sa isang silya. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang dalawang lalaking naka-tayo sa harap ko. Kilala ko sila! Mga kaibigan ni Lexus. Ang isang naka tayo sa harap ko ay 'yung naka barbers cut na nag-ngangalang Eddrich at nakatayo sa gilid nito ang kakambal nitong si Adriann na seryosong naka-tingin sa'kin

"Hey bro, your girl is awake. Mind telling us what are you going to do with this trash?" Tanong ni Eddrich na ikina-init ng ulo ko.

"Trash mo mukha mo! G*go! Pakawalan niyoko dito!" Hingal na hingal kong sigaw sa kanila. Ako trash?! Ano tawag sa kanila? Mga guwapong basura ganon?! Tss. Kairita.

"Once you open your filthy mouth again, I won't think twice to rip your neck" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa medyo madilim na parte ng kuwartong 'to. Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa lamig ng boses niya.

"S-sino ka?" pilit kong inalala kung saan ko nga ba narinig ang boses niya. Then realization slapped me real hard.

Ang bobo ko na hindi kaagad ma-realize 'yun. Nandito ang mga kaibigan niya. Syempre andito din siya.

"Tss, c'mon bro. Let her go. Ano bang atraso niya sayo?" boryong na tanong ni Adriann.

Buti pa 'tong Adriann na'to! Mabait hindi kagaya nila mga siraulo.

"She killed my baby" Seryosong saad ni Lexus na nakatititg sa'kin.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito.

"Hoy lalaking guwapong may sapak sa ulo! Anong pinagsasabi mong She killed my baby ka dyan?! Siraulo kaba? Pakialam ko sa anak mo? May anak ka?! Tyaka hindi ako mamatay tao!" siraulo. Kung anong kinaguwapo yun naman kinapangit ng ugali may saltik pa.

"Tss, Idiot! I'm talking about my car." inis nitong saad.

Siraulo nga. Eh kung maayos niyang sinabi edi sana nagkaintindihan kami hindi yung may pa-baby baby pa syang nalalaman.

"Eh dapat kasi inaayos mo! Hindi 'yung may pa-baby baby ka pang nalalaman" irap ko. Sarap bitayin nitong guwapong 'to!

"Shut up. I don't care"

Umalis na ang dalawang kambal at ang natira dito ay kaming dalawa nalang ng baliw na'to.

"So, lets talk about my car. How will you going to pay me? Or lets say, give me another Bugatti La Voiture Noire from Europe that cost €16.7 million. " nakatitig na saad nito sa'kin..

Nakakalasing ang mga titig niya. Feel ko anyminute hihimatayin ako. Parang tumatagos sa kaluluwa. Tsk, ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"Anong pay you?! Pakialam ko sa kotse mo? Ako ba nakasira nun?!" Tama, ganyan nga Kiana, stay calm. Wala kang alam diyan itatak mo sa isip mo. Kahit crystal clear sa ala-ala mo kung pano mo binasagbasag ang baby niya.

"cut the crap bitch" saad nito at sa isang iglap lang ay hawak na nito ang leeg ko.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo" kinakabahan kong saad hindi dahil sa pwede akong mamatay sa mga kamay nito kundi dahil sobrang lapit ng mukha niya at maling galaw ko lang ay maaaring maglapat ang mga labi namin at baka ang baho ng hininga ko kasi ang dami kong kinain kanina. Sh*t lagi na'kong magdadala ng toothbrush. Wait what? nababaliw na'ko. Mas inuna ko pang alalahanin ang toothbrush kesa sa buhay ko.

"Hindi alam? Really? Ang tanga mo masyado para isiping iisa lang ang cctv sa parking lot. Ano bang akala mo sa school na 'yon? Lowclass na katulad ng school mo dati? Para sa mga mahihirap na hindi afford ang cctv sa school? 'wag mong igaya ang School na 'yon sa school mo dati na mas mayaman pa ata ang daga.

Kung sa bagay, Ano nga bang ine-expect ko sa mga mahihirap na kagaya niyo. Mga walang utak. Baka nga nagbenta ka lang ng katawan para lang makapasok sa isang prestigious School *smirk* "

Gusto kong sampalin siya sa lahat ng sinabi niya. Gustong gusto kong sapakin siya sa mga pinagsasabi niya. Naiiyak ako sa mga sinasabi niya. Naninikip ang dibdib ko at ang gusto ko lang gawin ngayon ay sampalin siya hanggang sa mapagod ako.

"Ano bang karapatan mo para pagsalitaan kami ng ganyan? Dahil ba mayaman ka? Ang kapal ng mukha mong insultuhin kaming mahihirap! Wala kang alam! Hindi mo alam ang pakiramdam na mabuhay araw araw na dugo at pawis ang kailangang isakripisyo! At para sa kaalaman mo! Pinaghirapan kong makapasok sa school na'to! Scholar ako! Sorry hah! Hindi ko alam na ang daming cctv dun! Bagay lang sayo yun! Kulang pa nga 'yung pagka basag ng kotse mo! Sana pala wala na'kong itinira kahit gulong sa kotse mo!" umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

Hindi naman ako iyakin dapat nga naiinis lang ako kasi grabe siya makapang-insulto pero ewan ko ba kung bakit ako naiiyak dahil sa sinabi ng g*gong 'to!

"Wala akong pakialam sa drama ng buhay mo. Ang kailangan ko bayaran mo ang kotse ko" Walang emosyong saad nito na ikina-angat ng tingin ko.

"G*go kaba?! Ikaw na nga mismo nagsabi diba?! Na mas mayaman pa ang daga saamin. Patayin mo nalang ako" diretsahang sagot ko.

Naiiyak na talaga ako. Naninikip ang dibdib ko at tila may naka-bara sa lalamunan ko.

"No. I'll make you  suffer first. You'll be my slave"

Gusto kong matawa sa pinagsasabi niya pero hindi ko magawa.

"Nababaliw kana talaga. Sabi nang patayin mo nalang ako! Hinding hindi ako magpapa-alipin sa siraulong baliw!"

"Ganon? Aww, how sad. Okay then. Pamilya mo nalang ang papahirapan ko" naka-ngiting demonyong saad nito na ikinanlaki ng mga mata ko.

" 'wag mong pakialaman ang pamilya ko!"

Jusko lord naman oh. Sabi ko magaaral akong mabuti pero ano ngayon? Mamatay pa ata ako at nasa alanganin ang buhay ng pamilya ko. Si mama.. Si papa na nagta-trycicle driver para lang mapa-aral ako.. Si Shanaya.. Ang pinsan kong bakla na baliw sa watson.

Napa-yuko ako nang maramdaman ang paghulog ng isang butil ng luha sa mga mata ko.

"S-sige.. " Pagpayag ko.

"good. Mabait naman ako kahit papaano so gagawin ko nalang na tatlong buwan kaysa lifetime" Saad nito at umalis sunod namang pumasok ang mga lalaking naka- itim at kinalagan ako.

Sa isang iglap, magiging alipin ako at nasa panganib pa ang buhay ng pamilya ko at kasalukuyan akong naka-sakay sa kotseng maghahatid saakin pauwi. Tss, hindi pa nilubos pagka demonyo niya. Sana hinayaan nalang niya akong umuwi magisa.

Itinuro ko sa driver kung saang ang bahay namin. nagthank you lang ako dito at bumaba na.

Saka ko lamang naalala kung anong oras na, alas otso na at sure akong bubungangaan ako ni mama kung bakit ngayon lang ako.

Kinakabahan akong pumasok ng bahay at hinagilap si mama.

"ma?" tawag ko dito.

"Oh ang aga mo ata Marie. Sabi saakin ni Shawn gagabihin raw kayo ng uwi dahil umattend kayo ng birthday ng mama ni Katnise?" naka-hinga akong maluwag nang dahil sa sinabi ni mama.

"Ah nabored po ako eh. Sige ma akyat muna ako" Sabi ko at kumaripas ng takbo sa kuwarto ko.

Tinext ko si Shanaya na nasa bahay na'ko. Sinabi ko na naka-idlip ako sa library kaya hindi ako kaagad naka punta sa parking lot. Tsk. Ang lame pa ng reason ko. Bahala na si Doraemon.

Nakatulugan ko ang pagiisip ng mga bagay bagay bilang alipin at dahil narin sa sobrang pagod kahit na ang ginawa ko lang naman ay sumigaw.

93 days with a Gangster.Where stories live. Discover now