Chapter 2

4 1 0
                                    

Kiana's PoV

" Hoy shanaya! Bumangon kana diyan dali!" Pambubulabog ko sa tulog mantikang si Shanaya.

"Hmm, alas-sais palang eh! Ang aga aga pa!" reklamo nito.

Hinila ko ang kumot at sinigawan siya.

"Bumangon kana diyan! Ililibre kita sa watson mamaya kaya halika na!" halos matanggal litid ko kakasigaw sa kaniya.

Bigla naman itong tumayo at dumiretso ng banyo.

" bigyan mo 'kong 3 minutes sis! Tapos gora na tayo" kita mo nga naman 'tong baklang 'to. Pag usapang watson parang siniliban ng sili ang pwet sa sobrang bilis.

Pfft, 3 mins? Dalawang buhusan lang siguro ginagawa niya.

"Sige!"





"Sis, paalala mo nga sa'kin ulit kung anong ginagawa natin dito? Ang aga pa, 8 pa pasok natin. " Tanong ni Shanaya habang kumakain.

Naka-upo kami ngayon sa isa sa mga bench dito kung saan tanaw ang parking lot.

"May hinihintay lang tayong demonyo. Ipapasundo kita"

" *pout* sis naman eh!"

" 'wag ka ngang mag-pout, nagiging kamukha mo 'yong talampakan ko"

Sasagot pa sana ito nang matigilan kami dahil natanaw namin ang humaharurot na kotse ni  Lexus.

"Sis si Papc lexus oh! Pereng negetem eke bigle"

"Isa pang harot na salita diyan. Pupuluputin ko talaga dila mo" pananakot ko rito.

"Jusko naman sis! Kahit minsan lang umakto ka sa naayon! Kababae mong tao napaka sadista! wala pang filter ang bibig! Gosh!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay tinuon ko lamang ang atensyon ko kay Lexus na bumaba ng kotse niya kasunod ang babaeng pang runaway model ang katawan, sobrang ganda pa. eh mas maganda namn ako diyan, may make up lang yan! Matangkad lang siya ng kaunti sa'kin. Tss, ba't ko ba pinagkukumpara. Parang tanga self.

"Ay sis back out na tayo diyan. Ganda oh! Pang libag lang nyan ang beauty natin!"

"Isa pang buka ng bibig mo ipapalunok ko sayo 'tong hawak ko."

"eh bakit kasi may dala dala kang bato dyan? Don't tell me gusto mong pumalit kay darna? Mas bongga yang bato mo sis ah! Mas malaki pa sa ulo mo" ta-tawa tawa nitong saad.

Hindi ko ito pinansin at ibinaling ulit ang atensyon kay Lexus na kasalukuyang naglalakad na-naka kapit sa bewang ng girlfriend niya. Tss, halatang playboy. At itong babae naman napaka harot! Kung maka-lingkis daig pa yung linta at makamandag na ahas.

"Sis mata mo nawawala" Saad ni  Shanaya nang mapansing nanliliit ang mata ko sa sobrang gigil. Ewan ko ba sa sarili ko bigla bigla umiinit ulo ko, eh hindi ko naman period day ngayon.

"Manahimik ka. Tara na" hinila ko na siya papuntang parking lot nang 'di ko na matanaw si Lexus.

"Oh my gosh sis! Alam ko na binabalak mo! Maawa ka sis! Gusto ko pang mabuhay! Pangarap ko pang maka-suot ng t-back!" Pagpo-protesta nito at pilit bumibitaw sa pagkakahawak ko sa braso niya.

" itik lang ang walang ganti!" inis kong saad at nilabas ang bato sa plastic na dala dala ko.

"Sis Lintik yun! Hindi itik" irap nito sa'kin.

"Tss, ganun nadin yun"

"Sis naman eh! Mas mahal pa sa buhay natin yang kotse tapos babasagin mo?! Ang mahal ng kabaong ngayon sis. Tapos dalawa pa tayo baka sumakit ulo ni tita kakaisip kung saan kukuha ng pambili ng kabaong" Naga-alalang saad nito.

93 days with a Gangster.Where stories live. Discover now