Chapter 1.

5 1 0
                                    

Kiana's PoV

"Hala bakla! Dalian mo! Ayokong ma-late! Kahit kailan talaga napaka kupad mong babaita ka!" nagtitiling sigaw ni Shawn este shanaya.

"Hoy shanaya baka nakakalimutan mong nauna akong nagising sayo! Nauna ka lang sa banyo! Kaya mag-antay ka dyan!" sigaw ko dahil hindi ko mahanap ang isa kong medyas.

Anak ng tipaklong ngayon pa 'ko tinaguan ng medyas ko kung kailan nagmamadali eh! Peste!

"Lokaret! Nawawala na naman medyas mo 'no?! Dalian mo kakaladkarin kita!" para kaming timang nagsisigawan. Nasa baba sya at ako nandito sa taas sa kuwarto ko.

"Ano ba yang pinangsisigawan niyo. Umalis na kayo, anong oras na oh. Mahirap pa naman sumakay ngayon" rinig kong sabi ni mama.

Sa wakas, nahanap ko narin ang medyas ko. Dali dali ko itong sinuot at 'di na nag-abalang magsuklay dahil may suklay naman ako sa bag.

"Tara na bakla!" sigaw ko at kumaripas ng takbo.

"Mag-ingat kayo!" sigaw ni mama.

"Opo!" sabay naming sagot ni shanaya.

Ang totoong pangalan ni shanaya ay Shawn Vida. Sadyang feeling niya lang ang ganda niya pag shanaya ang name niya kaya nakasanayan ko naring tawaging siya sa pangalang shanaya.

Nasa ibang bansa ang parents ni Shanaya at dito siya nakatira samin. Pinsan ko siya sa side ni mama.

"Bakla ang init!" reklamo ni Shanaya habang naghihintay kami ng masasakyang jeep.

"Gagawin ko? Arte mo! Alas otso palang ng umaga 'wag kang masyadong mahadera diyan" Irap ko. Ang arte arte eh hindi naman talaga mainit.

" 'teh 'wag mo'kong igaya sa'yo na walang pake sa itsura, tingnan mo nga yang itsura mo. First day of school mukhang hahabulin ng plantsa ang uniform sa sobrang gusot tapos ang buhok kala mo dinaanan ng ipo ipo. " Maasim na komento niya na ikinanliit ng mata ko.

" pake mo ba?! Nagmamadali ako eh. Saka kahit walang kaayos-ayos ang mukha ko maganda ako 'no 'di katulad mo!" irap ko hanggang sa nagbangayan kami hindi pa kami siguro maawat kung hindi lang dumaan ang jeep.

Halos ganto kami araw araw. 'di mabubuo ang araw nang walang nagaganap na bangayan.

"Bongga talaga dito sis! Pang mayaman ang peg!" saad ni shanaya habang nakatanaw sa malaking gate ng Unibersedad na papasukan namin.

Scholar lang kami dito. Mahirap lang kami, hindi namin afford ang ganitong klase ng paaralan pero dahil sa scholarship nagkaroon kami ng oportunidad na makapag aral dito.

" Nasaan na si Kat? Chat mo nga!" Baka kasi maligaw kami sa laki ng school na 'to.

"Eto na wait, nasa parking lot raw sis. Tara" Natanaw namin ang malawak na parking lot ng school na 'to sa 'di kalayuan.

Nakita namin si Kat na kumakaway saamin. Naka-tayo siya sa gilid ng Red na sport car niya. Sana all, Hanggang bike lang ako eh.

Malapit na kami sa kinatatayuan ni Kat nang may bumubulusok na kotse ang papunta sa direksyon namin.

Nanlaki ang mata ko at agad na hinila si Shanaya. Halos hingalin ako sa sobrang kaba pero halos mahulog ang eyeball ko nang makita ang kotse.

T*angina?! Bugatti La Voiture Noire?! Sa Pilipinas?! Halos himatayin ako sa nakita.

Maalam ako pagdating sa mga kotse kaya naman nang makita ko ang Bugatti na 'to na dahilan ng muntik na pagkamatay ko ay gusto kong himatayin sa sobrang gulat.

Lumabas ang driver nito. Halos kapusin ulit ako ng hininga nang makita ang mukha ng driver na muntik nang makapatay samin.

Jusko lord ano bang parusa 'to? Kinukuha mo naba 'ko?

"Hey you, trash. 'Wag kayong haharang-harang sa daanan, muntik niyo ng magasgsan ang kotse ko.  €16.7 million yan, mas mahal pa sa buhay niyo. " Saad nito at sinuot ulit ang shades saka umalis.

"Oh my god! Okay lang ba kayo? Omg may gasgas ka sa tuhod Kiana!" Nagpapanic na saad ni kat kaya binalingan ko ito nang naka kunot ang noo.

"Ano ba Katnise, Gasgas lang yan malayo sa bituka. 'wag kang OA" Halos magpanic ito sa nakitang mga gasgas sa tuhod ko. Tss, ano bang aasahan mo sa anak ng mayaman.

"Mamsh ang yummy! Nalaglag t-back ko!" kinikilig na saad ni Shanaya kaya binatukan ko ito.

"G*go kaba?! Muntik na tayo mapatay nung hayop nayon tapos may gana ka pang kiligin?! Tyaka ano sabi mo?! Naka t-back ka?!" gulat kong tanong

"Syempre eme lang 'yon gaga! Puro spider man na brief pinadala sa 'kin ni mama. Sabi ko nga t-back e" Gusto ko sanang matawa sa isiping naka brief na spider man si Shanaya pero hindi ko magawa sa sobrang pagka-badtrip.

"Sino ba'yong Hambog na 'yon?! Napaka yabang! 'kala mo kung sinong gwapo! Tapos sinabi pa presyo ng sasakyan niya 'kala niya naman hindi ko alam presyo ng isang Bugatti La Voiture Noire! G*go yon ah! Tatamaan sa 'kin yun pag nakita ko siya. " Inis kong baling kay Katnise.

Tsk. Nakakabwiset! Panira ng araw! Mas nagaalala pa siya na magasgasan kotse niya samantalang kami yung muntik niya nang mapatay!? Masasakal ko talaga yung hayop na 'yon.

"Calm down, Kiana. Hayaan mo na. Ako na magsosorry para kay Lexus" Saad ni Katnise.

"Baliw kaba? Muntik na kami mapatay nung hayop nayon tapos hayaan namin?! Sino ba sya sa akala niya?!"

"Look Kiana. Maimpluwensya ang taong yon! Mahirap ipaliwanag pero baka makita nalang naming palutang lutang ang bangkay mo sa ilog pag pinatulan mo siya.

Siya si Lexus Lorenz Walter.  Malakas ang impluwensya niya. Involve ang parents niya sa Mafia at marami silang Business empire sa iba't ibang dako ng bansa. Halos lahat ng naka-paligid sa kaniya ay hawak niya sa leeg. Kaya please lang Kiana hayaan mo na. " halos takasan ako ng dugo sa mukha. Ramdam kong namumutla na 'ko.

Ewan ko pero kinabahan ako dun sa sinabi niyang baka makita nalang nilang palutang lutang ang bangkay ko sa ilog.
Ayoko pa mamatay. T*angina naman oh! Nandito ako para mag-aral hindi para maghukay ng libingan.

"K-kaya naman pala napaka-hambog. Halika na nga! Kinilabutan ako bigla!" Yaya ko sa kanila. Ewan ko kung late na kami or ewan dahil ang tagal naming naka tayo dun sa parking lot.

"Pero kahit hambog sya engsherep nye sis" Malanding saad ni Shanaya na ikinatawa ni Kat samantalang binatukan ko naman siya.

"kailan pa naging masarap ang kutsilyo hah? Sabihin mo nga?" irap ko sa kaniya.

"whatever" irap din nito

Matiwasay naman kahit papano ang first day of school namin ni Shanaya duon. Hindi kami na-late. nag-introduce your self lang at nagsabi ng mga up coming activities namin at hindi ko narin nakita ang hambog na gwapong yun err! I mean hambog lang tss. Gwapo nga napaka yabang naman.




93 days with a Gangster.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon