buti naman at pumayag si sir na.kahit hindi salitan basta babae at lalaki pa rin ang mga linya namin ....
hay sa wakas .... nakatapos na rin ....
kailangan nalang paghandaan ang presentation namin .... yung costume , dahil sa sobrang kaseksihan ko ( weh ???? ) kinailangan ko pang magpatahi ng saya ...
Araw ng presentation .... nakapag palit na rin kami ng damit ...
pagbalik namin sa room, inaayos na ni sir Rick yung mga index card ... ung index cards na yun ay samin , nakalagay dun ang mga names namin at doon niya nirerecord ang ilan sa mga grades namin sa mga activities ...
at bubunot siya dun kung sinong mauuna ....
nasa kalagitnaan na kami ng presentation , pigil na pigil kami sa pagtawa , dahil sa mga facial expressions lalo na ng mga boys ... ang kukulit eh ....
nang bumunot na ulit si sir Rick , pagka basa niya ng pangalan , ay agad niyang binalik sa pagkakataob yung index card ....
>_______< " waaa ang daya ni sir " sabi ko na ikinatawa lang niya ....
" mamaya na yun , sa huli na "
waaaaa ... panigurado kami yun ... kainis ..... bakit kailangan ihuli pa ....
hanggang sa kaming dalawa na nga ni Luis ang tinawag ....
" palakpakan natin ang Finale ! " pang aasar pa ni sir ....
pagkapwesto namin sa may harap , ewan kung bakit pero magkalayo kami , nasa magkabilang dulo kami ....
" magkagalit ba kayo ? ang layo niyo ah " natatawang puna ni sir .....
natawa rin tuloy ang buong klase .....
O\\\\\\\O
" aaaaayyyyyyyyyyiiiiiiiiieeeeee "
pang aasar ng mga kaklase namin ....
kasi naman tong si Luis , bigla bigla nalang nang yayakap ....
" ano ba ? bitaw na nga " sabe ko ...
" ayaw ! " sagot niya ...
halah !!! o e di sige magyakapan nalang tayo ... hahahhaha ....
ang landi ko ^______^
matapos ang ilang minutong landian .... este yakapan ..... nagsimula na rin kami ...
muntik ko pang malimutan ang mga minemorize ko dahil sa yakap na yun .... haaaayyy kaloka ....
wala naman na akong nararamdaman sakanya ... alam ko yun .... sigurado ako .... though meron pa ring konti ....
pero bakit siya ganito sakin ngayon .... sumobra ang closeness , mas naging sweet ...
ilang araw ng nakakaraan ng matapos ang presentation na yun ....
andito kami sa physics lab , vacant period namin ngayon at dito lang namin trip tumambay dahil mainit sa labas .....
si ate Jean , Kate , Aizel , Yhallie at ako lang ang nandito ....
" kyaaaaaahhh " sabay sabay pa kaming napasigaw ng biglang bumukas ang pinto ...
" hahahahaha , sorry girls " tumatawang sagot ni Luis ...
" pasaway ka " sabi ko na nakahawak pa sa may dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ....
" heheh sorry , ano ginagawa niyo dito ? " Luis
" wala lang , nakatambay lang " ate Jean
" mainit kasi sa labas eh " Yhallie
" aah , Maddz , may pulbos ka ? pahingi naman " sabay lapit pa ni Luis sakin
kinuha ko sa bag ko ang pulbos at iniaboy sakanya ....
naglagay siya ng pulbos sa mukha niya pero hindi maayos ...
" yan , ganyan nalang , labas ka na dun dali " pang aasar ko sakanya ...
nagulat ako ng bigla niya kong kilitiin sa may tagiliran ko kaya napasigaw ako ....
hanggang sa nagkulitan ulit kami ng nagkulitan ....
" pahiram naman ako ng cp mo " sabay hablot niya sa cp ko ....
" nagpaalam ka pa e kinuha mo na , ano ba gagawin mo diyan ? " tanong ko ...
" picturan ko lang ang sarili ko , kasi baka hindi pantay ang pulbos eh " sagot niya at nagsimula na siyang magpicture ....
" bakit sa cp pa ? tumingin ka nalang sa salamin ... "
" may salamin ba kayo ? " tanong niya samin
" wala " sabay sabay naming sagot ...
" wala pala eh , e di eto nalang " at nagpicture siya ulit ng nagpicture ...
natawa pa ko ng bigla siyang tumuntong sa table at inilapit ang mukha sa may ilaw ... para daw mas maganda ang kuha ....
masaya ako ngayon , sobra .... hindi ko akalain pagkatapos ng mga hindi magandang pangyayari samin noon , naging ganito pa rin kami ngayon ....
dahil tapos na ang Final exam , aasikusin nalang namin ang clearance namin .... pirma dito , pirma diyan , habol kay prof , akyat baba sa hagdan ...
in short ' STRESS '
mga HAGGARD-o verzosa kami ..
at ngayon , andito kami sa school para kumuha ng grades ...
nakatambay sa canteen ......
nakita kong papalapit samin si Luis , may kasama siyang babae ....
maganda siya ....
" uy , nasan na ba ang bagong office ng guidance ??? " tanong niya samin ....
" sa fourth floor na " si ate Jean na ang sumagot ....
" mga classmates ko nga pala , ayun si Maddz " pakilala niya samin sabay turo sakin ..
ngumiti ako sakanila ...
wala akong kahit na anong pain na naramdaman .... siguro nga naka move on na ko ....
at ngayon pa nga kitang kita ko na , na sobrang saya niya .... at hinding hindi ako ang magiging dahilan para masira ang kasiyahan niyang yun ...
ang luwag sa dibdib ang hindi pagiging bitter .....
sabi ko nga diba
' less BITTERness is less craziness '
-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/
a/n: thank you po sa mga nag abang at naglagay nito sa reading list nila :)
CZYTASZ
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Dla nastolatkówpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...
Offline Message 11
Zacznij od początku
![SML2 [ Offline Message: I'm here ]](https://img.wattpad.com/cover/1933759-64-k720278.jpg)