Offline Message 11

402 16 3
                                    

- 11 -

- Maddie's POV -

haaayyyy ... bakit ganito pakiramdam ko ... kinakabahan ?? for what ??? aissshhh ....

nakarating ako sa school na medyo weird ang feeling ....

" kanina ka pa balisa " puna ni Yhallie ...

" ewan ko ba , kinakabahan ako na hindi mawari >_< " sagot ko ....

andito na kami sa room para sa klase namin .... nagsusulat kami para sa assignment namin sa isang subject ... medyo hindi kasi namin naintindihan nung una kaya mali mga sagot namin .....

maya maya pa dumating na yung prof namin sa filipino ....

naunang nagsipasukan sa room ang mga boys , ang ingay ! psh !

" sir sige na please !!! " sabi ni Luis ... nagmamakaawa siya kay Sir ...

" maupo ka na dun " sir

" sir maawa ka na , kahit ano gagawin ko , kahit ipartner niyo pa ko kay Kate o Resa , please sir ! "

" ano kaya yun ? " bulong sakin ni Aizel ... katabi ko kasi siya ...

" ewan ko lang , baka sa project niya " sagot ko habang inaayos ang binder ko ...

dahil kasi sa pagiging varsity player niya , medyo napapabayaan niya ang ilan sa mga major subjects namin .... isa sa rules ng pagiging varsity ay dapat walang failing grades , dahil tatanggalin sa team ang may failed grades ....

malamang yun ang problema niya ngayon ... hindi kasi yan nakapag pasa ng project nitong prefinals ... kaya dapat bumawi ngayong finals ...

" oo na , sige na , maupo ka na dun ... payag na ko .. partner mo si Maddie " sir

O___________________O

" huh ??? ano yon ??? bakit ako nadamay sir ??? " napasigaw ako sa gulat ...

" yown !!! thank you sir " Luis

" sir ano yun ?? san yun ?? " tanong ko ...

" explain ko mamaya , umayos muna kayo " natatawang sagot ni sir Rick ...

>____< ano na naman kaya yun ... tsk ... dahil din sa project sa filipino kaya kami nagkaron ng gap noon ... tapos eto na naman , magkasama na naman kami ...

inexplain na ni sir Rick ang project namin ... by pair lang ito ... at kailangan namin kumuha ng mga lines o stanza sa tulang Florante at Laura .. kung sa babae daw ang linya o stanza na nkuha namin dapat daw babae din ang mag sasalita so pag lalaki obviously ay sa lalaki ... by choice ang pagpili ng partner ....

pero dahil sa kalokohan ni sir Rick eto na stock ako sa pagiging partner ni Luis ....

hindi naman sa ayaw ko siyang kapartner , pero kasi may nalalapit silang game , kaya todo ang practice ng mga yan .... baka mamaya niyan , ako na naman mag isa ang gumawa ... tsk ...

ok balik ulit sa project , pag nakahanap na , itype at iprint daw ito saka ipasa ..... pero ngunit subalit datapwat , kailangan memorize namin at irerecite siya sa harap ng klase ... at salitan ang pagbigkas nito ....

at eto pa , kailangan naka costume !! WTH ?!?! kaloka ....

dahil maraming mga project na gagawin , nag umpisa na kaagad kami ....

sumakit ang ulo ko kakahanap ng pwdeng gamitin dahil wala naman ako makitang salitan para samin ... napag balibaligtad ko na ang libro pero wala ako nahanap ....

SML2 [ Offline Message: I'm here ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt