Yung feeling na alam mo na kung sino ang nagbibigay ng flowers sayo :) kaya lang yung nagbigay ng love letter hindi ko pa rin kilala kung sino
Sino kaya talaga yun????
Habang papunta kami ni Lloyd sa school...
"oh bakit hinihinto mo yung sasakyan?" sabi ko
Hindi siya sumagot
"Lloyd kung naiihi ka sa school na lang, wag dito nakakahiya" sabi ko
Tapos tuluyan nang huminto ang sasakyan
"hindi ako naiihi" sabi niya
"eh bakit mo hininto?" sabi ko
"kusang huminto, nasiraan siguro yung sasakyan" sabi niya
WHAAAAT???!!!
Hindi pwede to malelate na kami 25 minutes na lang
"gawin mo na dali" sabi ko
"ano alam ko sa paggawa ng sasakyan?" sabi niya
"haaa???, hindi mo alam gumawa ng sasakyan???, pano na yan malelate na tayo" sabi ko
Biglang tumingin sakin si Lloyd
"tatakbo tayo" sabi niya
ANOOO??!!!
"ayoko" sabi ko
"bakit?" tanong niya
"masisira ang beauty ko" sabi ko
"bahala ka, tatakbo na ko, ikaw din" sabi niya
Kainisss!!!
"eh pano tong sasakyan?" sabi ko
"balikan na lang natin mamayang paguwi
Tapos tumakbo na siya
Eh wala nang choice tumakbo na rin ako
"sandali, hintayin mo ko" sabi ko
*takbo
*takbo
*takbo
Bigla akong tumigil dahil may nakita kong dress na kulay blue at sobrang ganda
Haaaayyy
"hoy ano ba, tara na" sabi sakin ni Lloyd
Tapos takbo ulit kami
*takbo
*takbo
*takbo
Grabe ang layo pa namin..
"Lloyd mag jeep na lang tayo" sabi ko
"buti pa nga" sabi niya
Nagabang kami
Unang jeep...
Puno
Pangalawang jeep...
Puno
Pangatlong jeep...
Puno
Jusko!!!
"wala na tayong masakyan" sabi ko
"ang malas naman oh" sabi niya
"ano ba ngayon?" sabi ko
Tinignan niya cellphone niya
"Friday" sabi niya
"anong date?" tanong ko
"13" sabi niya
![](https://img.wattpad.com/cover/2180192-288-k472001.jpg)
YOU ARE READING
Section 143 (On Going)
RandomAng story na 'to ay tungkol sa kung ano ba ang buhay ng isang simpleng high school girl. Pano nga ba siya magmahal? Sino ba sa mga lalaking nasa paligid niya ang pipiliin niya? Ang taong matagal na siyang mahal? Ang taong pinoproseso pa lang kung ma...