Madilim na kalangitan na sinasabayan ng malalakas na kulog at matatalim na pagkidlat. Malalim na ang gabi na at nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan.
Ang mataas na paaralan ng Sto. Nino ang lugar kung saan ang lugar ng ating storya.
May isang estudyante ang naglalakad sa hallway ng isang paaralan ng dis-oras ng gabi. May kinailangan kasi syang tapusin na project kaya inabot na ito ng dilim.
Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad sa hallway ay nakaramdam sya ng kakaibang presensya na animo may sumusunod at nagma-matyag sa kanya.
Binilisan nya ang paglalakad hanggang sa pagliko nya sa isang hallway ay laking gulat nito dahil nakakita sya ng isang lalaking nakalutang.
May sugat ang mukha nito at tinitignan nya ito ng masama. Dali-daling tumakbo ang babae at sa kanyang pagtakbo ay nakasalubong naman nya ang isang babae na may mahabang buhok at nakaputi na animo'y ikakasal.
Napasigaw ang babae sa sobrang takot.
At sumisigaw din ang grupo ng mga kababaihan na nakikinig sa kanilang kaibigan habang pinagkwe-kwentuhan ang mga nakakakilabot na pangyayare sa paaralan kanilang pinapasukan.
Ang mataas eskwelahan ng Sto. Niño ay kilala bilang isa sa pinaka malaking eskwelahan na may magagandang pasilidad. Ngunit sa kabila ng makabago nitong itsura at magaganda nitong mga gusali. Ito ay nababalot ng misteryo at hindi maipaliwanag na mga hiwaga.
Ayon sa taga-linis ng paraalan. Sa gabi daw habang sila ay naka-duty ay may naririnig silang mga yabag na animo'y may naglalakad. Minsan naman daw ay may naririnig silang umiiyak na babae at mga tumatawang bata.
Nasanay na ang mga gwardya at ilang tagapaglinis ng nasabing paaralan sa mga ganoong pangyayare. Pero ayon sa sabi-sabi. Ang pinagtayuan ng eskwelahan ay dating isang lumang bahay ng mga Tan, isang malaking angkan ng mga tsino.
Pinaniniwalaan na ang pagkamatay ni Gilbert Tan ay sinasadya at isang krimen. Ngunit hindi ito napapatunayan at sa pagdaan ng madaming panahon ay nabaon lang ito sa limot.
Ang bahay na kanilang tinitirahan ay pinaganda at ginawang eskwelahan na tanyag sa buong kabayanan. Ngunit hindi pa din mawawala sa isipan ng ilan ang katotohanan tungkol sa nangyareng krimen na parte na lamang ng kasaysayan.
YOU ARE READING
Kuya J
Mystery / ThrillerSi Janine ay isang espesyal na babae na may kakaibang kakayanan. Bata pa lamang ito ay nakakausap na nya ang mga multo o mga taong yumao na, ngunit ito ay kanyang nakakausap at nararamdaman lamang at hindi nya ito nakikita. Sa kanyang pinapasukang...
