Prologue
"Nice drift!"
I shouted to my Idol who just parked his bike near me.
Tumakbo ako palapit sa kanya at pumapalakpak na parang bata.
"Galing naman! Di ka pa rin kumukupas!"
He looked at me amused and he smirked.
"Of course. It is always my passion."
Inabot ko sa kanya ang isang bote ng tubig at kinuha niya naman ito.
I took my phone out.
"Let's selfie"
Pinwesto ko ang camera sa aming dalawa and we strike a pose. I did wacky, and he just smiled.
"Raj!"
Isang magandang babae ang tumawag sa kanya mula sa likod ko. Nilingon ko ito as she confidently walk her way to us beaming. Pinagmasdan kong mabuti ang paglalakad at ang itsura niyang parang isang Modelo ng Victoria's Secret.
"Hey, Cilzy" bati ni Raj ng nagka harap.
"Look at you! So hot riding your bike!"
Lumapit pa ito kay Raj at hinawakan ang braso. Napangiwi ako sa ginawa ng babae at napaatras ng konti. Napatingin ako sa langit at nakitang malapit ng gumabi.
Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako sa bahay. Nilingon ko ang dalawang masaya pa rin habang nag uusap. Di ko na naisipang magpa alam pa kay Raj.
Siya ang lalaking matagal ko ng iniidolo sa pagkakarera. Noon pa man, palagi ko na siyang nakikitang nag pra praktis sa loob ng village namin at magkasama sila ng kuya ko sa iisang club ng mga riders. Magkaedad lang sila ng Kuya ko ngunit di ko siya tinatawag na Kuya.
I like him as a rider. Gusto ko lahat ng skills niya at magaling talaga siyang dumiskarte.
Minsan na rin akong napagkakamalan na kapatid niya hindi ng kuya ko, ng ibang kasamahan nila sa club. Sa tangkad ba naman niyang iyan, at sa liit kong ito mukha nga naman kaming magkapatid.
"Kumusta ang race, Dzana?"
Bungad ng kuya ko ng papasok na ako ng bahay.
"Panalo ulit si Raj. Ba't ka nga pala wala doon?"
May chix na naman siguro 'tong ginapang.
"Wala ako sa mood manuod. Alam ko na namang panalo kami." tamad niyang sagot.
"Ang sabihin mo, may babae ka na namag pinapunta dito. You're taking advantage of the house while I am outside."
Inignora niya laman ako at nagulat ng inihagis niya sakin ang isang leather jacket.
"Mag prepare ka na. Pupunta tayong probinsya."
"Ngayon na?! Gabi na ah?"
Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig at nilingon siya na may tinetext sa phone.
"We must be ther before sunrise, Dzana." tamad nitong sagot.
"Why? anong meron at bakit agaran tayong susolong?" pagkatapos kong sabihin nito ay uminom ako ng tubig.
"My collegue died. At Ibinalita na may malakas na pag ulan ang darating bukas ng maaga kaya mabuti pa ngayon na tayo bumyahe at wag ng maraming tanong."
Suplado talaga. Tsk. At ano raw? Namatay?
"Teka, sinong namatay?"
Nakalabas na siya ng bahay kaya di niya na ako sinagot pa. Wala akong magawa kaya nagmadali na rin sa pag bihis at pag prepare ng mga dadalhin.
