Chapter 3

367 16 0
                                    

CHAPTER 3

“taya na!taya na!”

“wala! Madaya ka Franco! Dinadaya mo na kami!”

“oo! Huwag nga ikaw ang magbalasa nakakapagduda kapag ikaw ang may hawak ng baraha eh…”

“ako na ang magbabalasa!”

Nakatingin lang ako sa kanila na nag-aaway dahil lang sa baraha. Naglalaro kasi sila ng pusoy at puro si Franco lang ang nananalo kaya ayun.

“Aren’t you busy?” napalingon ako sa katabi kong si Damon na nakatutok lang sa libro niya.

“Hindi naman.”

“hindi ka ba hinahanap sa inyo?” tanong niya. Oo nga naman, magkasunod na araw na kasi akong nandito hindi tulad ng dati na isang beses lang sa isang buwan ako nakakapunta dito.

“Nope. The lion is away so I can move freely like a bird.” Nakangising sagot ko.

“I see.”  Magsasalita sana ulit ako ng makarinig kami ng mga kalabog hanggang sa may mga nagsipasukang mga lalaki na tila mga Emo.

Ilang eyeliner ba ang nauubos ng mga ito sa isang araw? Para na silang mga may blackeye.

Mga bente ata sila kasama yung traydor na si Jake.

“Oh! Yow Jakey baby! Nandito ka pala?” sabi ni Joe sabay tapon nung card.

Ano ba naman ang mga to! may mga nakapasok na sa teritoryo namin tuloy pa rin sila sa pagpupusoy!

“sila ba ang tinutukoy mo? Pipitsugihin naman pala itong mga to.” sabi nung lalaking katabi nito. Mukhang siya ata ng boss.

“woohhh!!! Panalo ako!” napatingin kaming lahat kay Cole ng sumigaw siya.

“waahhh!!!kambal!congrats!”  sabi ni Joe at nagyakapan pa silang dalawa.

“hoy! mga walang kwenta. Gangster ba kayo? Parang mga batang naligaw lang kayo kaya pala umalis sa inyo itong si Jake kasi mga walang kwenta pala ang mga kasali dito.”sabi nung boss-bosabos nila.

“kami ba kausap mo taba?” nagtatakang tanong ni Joe sa nagsalita na ngayon ay umuusok na ang ilong.

“Tutal mga wala naman kayong alam sa pagiging gangster kaya kukunin na lang namin itong Haven atleast mapapakinabangan pa namin ito.” Napahinto yung iba sa kanilang paglalaro ng pusoy at napatingin kay Jake ng sabihin niya iyon.

“hmm…ang Haven hindi laruan Jake na binibigay na lang ng basta-basta. Ito ang nagsisilbing tirahan namin kaya bakit namin ibibigay ito sa inyo?”

“hindi ko alam na may pagkabobo ka pala Aidan. Tirahan? Itong lugar na ito tirahan para sa inyo? Ayan ang hirap sa inyo eh mga hindi kayo marunong mag-isip. Teritoryo ang tawag sa lugar na ito at katulad ng sa iba kapag natalo ka kailangan mong isuko ang teritoryo mo. Manang-mana kayo dyan sa leader niyong walang kwenta. Tinuringang lider hindi naman marunong pangatawanan ang pagiging gangster leader.”

“mabuti na lang talaga Jake at namulat ka sa katotohanan na walang kwenta ang sinalihan mong grupo haha!” nakapangalumbaba lang ako habang tinitingnan sila at yung iba ay nagligpit na nung nilalaro nila at isa-isang tumayo tsaka lumapit sa pwesto namin ni Damon.  Ang labas tuloy lahat sila nakatayo at pinaggitnaan nila kaming dalawa ni Damon na nakaupo sa sofa.

Tinitigan ko silang mabuti lalo na si Jake na ibang-iba na ngayon. Mas matanda siya sa akin ng limang taon at ako ang nagdala sa kanya dito. Isa siyang lampa nung una ko siyang makikilala at lagi na lang siyang pinagtitripan kaya dinala ko siya dito at tinuruan kung paano maging malakas kaso nasobrahan ata siya sa ambisyon niya kaya naging ganito na siya ngayon. Isang lunatic na may sayad at uhaw sa kapangyarihan.

Not an Ordinary LovestoryWhere stories live. Discover now