Hahahaha! Uto-uto pala iyong si yabang eh! Saka naniniwala din pala siya sa mga alien! Hahaha! Sinong baliw sa amin ngayon?

          Nung nakalayo na ako sa lugar ni Kaizer at nang makalayo na ako sa iba pang papasok na estudyante sa Eastton, bigla akong napatingin sa langit.

          Ano bang malay niyo di ba? Baka nga nasa langit ngayon 'yung spaceship ni Matteo Do.

          "Ahm... Excuse me."

          Biglang nawala sa langit 'yung atensyon ko saka ko hinanap 'yung nagmamay-ari ng boses na iyon.

          At sa paglingon ko, nakakita ako ng angel. Ay hindi! Ng dyosa pala! Ay hindi pa rin!

          Nakakita ako ng isang napakagandang babae.

          "B-Bakit po?"

          Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko nang bigla akong mautal doon sa babae.

          Sino ba naman kasing hindi mauutal eh ang ganda talaga ni Ate na nasa harapan ko. Saka parang ngayon ko lang yata nakita 'yung mukha niya dito sa school namin.

          'Baka transferee.' Sa isip ko.

          "Alam mo ba kung saan 'yung registrar?" Tanong sa akin nung babae sabay napatingin doon sa papel na hawak niya na sa tingin ko ay 'yung schedule list niya. "Kanina pa kasi ako hanap ng hanap sa registrar pero hindi ko pa rin siya nahahanap."

          Sandali muna akong napatingin sa mukha nung babae na iyon saka ako mahinang sinampal 'yung pisngi ko.

          Grabe! Sobrang ganda talaga niya! Paniguradong magwawala na naman si Kris kung sakaling siya 'yung nasa katayuan ko at paniguradong mababatukan na naman siya ni Patty dahil doon sa pambababae niya sa unang araw ng bagong semester.

          "Pumasok ka lang sa main building tapos 'yung unang room sa kaliwa ang registar." Sabi ko sabay turo sa kanya ng main building namin.

          "Doon ba?" Tingin nung babae sa building bago niya binalik ang tingin niya sa mukha ko. "Salamat nga pala, Miss?"

          "Wag mo na akong tawaging, Miss!" Nahihiyang sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa harapan ko. "Ako nga pala si—"

          "FELICITY SANDOVAL!!!"

          Oh-oh. Boses ni yabang iyon ah!

          "Lagot ako." Sabi ko sabay harap ulit sa babae. "Sige Ate mamaya na lang. Pasok ka na lang dyan sa main building." Dagdag ko pa sabay tumakbo papalayo sa direksyon ng babae na iyon nang makita ko na 'yung mga fan girls ni Kaizer na pinagtuturo kung saan ako nagtatago.

          Ano ba namang simula ng araw 'to oo! Bakit ba hinahabol na naman ako ng mga babae ni Kaizer dito?

          Saka bakit ba ako tumatakbo? Parang may kasalanan lang ako sa kanila ah!

          Ah basta! Ayokong makita ang mukha ko doon sa AD poster na iyon! At hinding-hindi ako aattend sa opening ceremony na 'yan!

          Pero ang ganda talaga nung babae kanina huh?

          "Sino kaya 'yun?"

***

            Ito na ang araw na pinaka hindi ko inabangan talaga.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now