Chapter 1

7 0 0
                                    

Princess Rose Villaluz

"Ano na Rose?! Hindi mo pa tapos?!" Tuwing uuwi ako galing sa eskwelahan yan ang lagi kung naririnig wala silang alam na napapagod din ako. Sinarado ko na ang pinto upang hindi makita ng mga kapitbahay kung chismosa ang gagawin ng aking tiyahin. Binato niya ako ng sapatos na kung saan ay kaharap ko na pala siya ngayon.

*Pak* Isang sampal ang natamo ko sa kanya, Sanay na sanay na akong saktan

"Auntie .. t-tapos ko ng gawin yung pinapagawa ninyo. kung wala na po kayong ipapagawa mag-aasikaso na po ako sa pagpasok sa trabaho." Binigay ko ang ang isang illustration board na may nakapinta doon na kung saan ako mismo ang gumawa nun.

"Hindi ata trabaho ang pinupunta mo doon kundi ang pakikipag landian lamang sa mga bumibili dun. Naku Rose sinasabi ko sayo! kung hindi lang sa ama mong pumanaw ay hindi na kita dito patutuluyin!" tumingin ito sa akin at nagwika ulit ito 

"... Sabagay may magkakagusto pa ba sa isang katulad mo eh isa kang ulilang bata, pinatuloy at binihisan lamang kita dito. Sa totoo lamang ayoko talaga sayo noon pa man. at dahil nakiusap ang magaling mong ama ay wala na akong magagawa kundi ang magtiis sa pagmumukha mo." 

Nakita kung nandoon din ang anak niyang babae naka ngisi at kasama nito ang nobyo niyang walang inatupag kundi ang ang magpakasarap kasama ang pinsan ko. Nilagpasan ko na lamang ang aking tiyahin at hindi na pinapakinggan. Tinungo ko ang aking kwarto na matatagpuan sa pangalawang palapag. Bago ko pa man mapihit ang pintuan ko ng may ibato ang anak nito sakin.

"Gawin mo yan at kailangan ko iyan bukas at kung hindi mo magagawa yan tandaan mo kayang kaya kitang paalisin dito sa pamamahay namin." bumaba na ito naririnig ko ang mga yapak pababa. Isang patak ng luha ang aking pinakawalan.

Lumingon ako sa bagay na binato sakin at pinulot ko ito at nag tuloy ako sa aking kwarto. Binagsak ang katawan ko sa sirang kama na kung saan ay gamit pa ito ng dating naninirahann dito. Ipinikit ko ang aking mga mata at naisip kung bakit pa ako nabubuhay ngayon. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at ngumiti ako sa nakita ko. Maraming laslas iyon dahil dito ko lang natagpuan ang sarap sa pakiramdam.

ilang minuto ay tumayo na ako at inayos ko ang aking sarili pagkatapos kung maligo ay nilagyan ko ng benda ang sugat kung saan ay may sugat. Hindi maaring makita ito ng aking tiyahin dahil alam kung mas lalo pa itong magagalit sakin. Kung sagabay isa lang akong basura na pwede nilang itapon sa kung saan dahil noon pa man ay ayaw na nito sakin. Nang maayos ko na ang dadalhin ko sa trabaho ay bumaba na ako at naririnig ko na naman ang litanya ng aking tiyahin.

"Wala kayong ginawa kundi maglampungan sa pamamahay na ito! eh kung mag-asawa ka na Cynthia ng maranasan mo ang buhay ko! Punyetang buhay to!"  Napapailing nalang ito sa ginagawang katarantaduhan sa harap ng kanyang ina. Tumingin ito sakin at tsaka ako inirapan.

Hinagis ko sa lamesa ang kwadernong hindi ko dapat makita, laking gulat niya ng napagntantong mali ang ibinigay  niya sakin. Pupulutin na sana ito ng kanyang ina pero nakuha niya ito at tumakbo palayo.

"Cynthia!! ANO YAN HA?!" Ang ingay. lalabas na sana ako ng hilain ako ng kanyang ina

"Yung pera! Ano ipapalamon ko sayo kung hindi ka magbibigay?! Tandaan mo ako ang nagpalaki sayong bata ka!" Pinukpok niya ako ng walis at dahil alam kung pati sa labas ay magbubunganga ito ibinigay ko ang limang libo na kung saan ay matagal ko ng ipon. Saka ako lumabas.

Hindi ko alam kung matatakasan ko pa ba ang buhay na ganito.

Ako si Princess Rose Villaluz, kumukuha ng kursong guro. Simula ng nagkandaletse letse ang buhay ko ni minsan hindi ko na alam kung paano maging malaya. Nang buksan ko ang pinto kung saan akong nag tatrabaho ay nabunggo pa ako. Bwesit!

May nakalahad ng kamay sa akin upang alalayan ako, tinulungan niya ako pero dahil hindi ako nagtitiwala sa tao hindi ko na siya tinignan pa yumuko nalang ako bilang paumanhin ko. Ganito na ang nakasanayan ko noon pa man, at nilagpasan siya para makapag trabaho na ako at makauwi dahil madami akong gagawin.

---

Vince Mike Lorenzo 

Sinundan ko ng tingin ang babaeng nakabangga ko. Nakalimutan ko pala yung flashdrive yare ako kay Leo kapag nakalimutan ko baka manapak bigla kapag wala yung presentation. Bumalik ako sa loob, pero nagulat ako ng lahat sila ay nakatayo at nakapila habang ang isa ay nasa gitna at nakayuko lamang. 

Tinignan ako ng aking ama "Why son?" ngunit bakas dito ang galit.

"I forgot my flash drive dad" hawak nito ang sintido ng kanyang ilong na ang ibig sabihin ay umiinit na ang kanyang ulo.  Umupo ako sa malapit sa akin na upuan mabuti nalang at sarado pa ng ganitong oras ang restaurant ng aking ama na sa susunod ay ako na ang magpapatakbo nito.

Sigh. malalim ngunit nakakakilabot itong magalit. "Sino ang pumasok sa opisina ko Rose?" nagpipigil lamang ang aking ama dahil babae ang kaharap nito. Tinignan ko ang babaeng nasa harap ng aking ama hindi ba siya natatakot o iiyak man lang?. 

Binatukan ko ang aking sarili dahil sa aking naisip. Iniangat na ng babae ang ulo niya at tinignan ang aking ama, hindi ko makita yung mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin.

"Kung sasabihin ko po ba sir ang totoo ano pong mangyayari sa taong iyon? bakit hindi niyo na lamang tignan ang locker namin nang sa gayon ay malaman mo po kung sino ang kumuha ng importanteng bagay na inilagay mo sa iyong lamesa." Napaatras ang aking ama. Napataas ang aking kilay (Hindi po bakla ang lalaki dito paalala ko lamang) .

"Hindi po ako takot masaktan o mawalan ng trabaho." Umikot ito at pumila din ito katulad ng kasamahan niya.

"Halughugin ang locker nila." Tinignan ako ng akin ama at binigay ang flash drive na gusto ko ng makuha. Wala naman akong pasok kaya ayos lang na dito muna ako. "Sir" napatingin kami sa security guard namin at hawak niya ang isang kahon kasama nito ang pangalan ng taong kumuha.

"Jon ... pinagkatiwalaan kita pero bakit?" lalapit sana ito ng pero bigla nalang itong natumba.

"Your fired" Sinuntok siya ni papa. at nakarinig nalang kami ng wangwang. Yan ang aking ama mabait pero kung magalit ay isang halimaw.

Ako si Vince Mike Lorenzo, isang estudyante na kung saan pinaka pogi. Well sabi ni mom yun dahil nagmana ako sa tatay ko na gwapo. Joke lang, pangalawang kurso ko na ito dahil ayokong mabigo ko ang aking ama kumuha ako ng Management. Nag-iisang anak.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost but He Found MeWhere stories live. Discover now