Shanaiah POV
"WAAAAAHHHH! Anong ginawa mo sakin!? Saan mo ko dinala!?" Tiningnan ko yung buong katawan ko nakadamit pa naman pala 'ko? "Anong balak mo!?" Tayo ko sa kama.
"Wag ka masyadong OA, wala akong ginawa sayo. Umuwi ka na nga gising ka naman na. Abala ka pa." Ako OA? Abala? Kapal.
"Baka ikaw." Tiningnan ko yung relo ko 9:30 pm na pala. Baka nag aalala na sila Tita. Ano ba yung nangyari? Sa pagkakaalam ko pinataob ko lang yung limang mga panget kanina.
Nag angat naman ako ng tingin sa kanya napatitig ako abs niya habang pinupunasan niya yung buhok niya. Zac Efron ikaw ba yan? Sa pag kakaalam ko walang abs yung mga unggoy?
"Hoy! Pinagnanasaan mo pa yung katawan ko." Natauhan ako sa sinabi n'ya.
"Sa ang hot este ang p-payat m-mo! magbihis ka na nga!." Bigla naman siyang ngumisi at tumingin sakin. "T-there's something funny? I'll go." Paalis na 'ko pero bigla siyang humarang sa dinadaanan 'ko. Problema ne'to?
"Anong sabi mo? Hot ako? Pakiulit? Unti unti naman siyang lumapit sakin at wala akong ginawa kundi ang umurong ng umurong.
"A-Ang pa-panget ng k-katawan mo ang payat! M-magbihis ka na nga!" ****, nauutal pa ko. Nung naramdaman kong wala na 'kong maurungan inilagay niya ang isang kamay niya sa pader at bagyang tinagilid ang ulo at bumaba ng kaunti para magpantay kami.
"Hindi yun yung sinabi mo. Ee kung ayokong magbihis? At bakit nauutal ka pa? Ang hot ko no?" Sabay sayaw niya ng sexy dance. Waaahh. Tama na, pleasee. "Eto ba yung mukha na ayaw mong makita?" Lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Y-yah, I got really pissed every time I saw you."
"Sa gwapo kong 'to? Kung gawin ko kaya sayo 'to." Napapikit na lang ako ng unti-unti niyang nilapit yung mukha niya.
"Stop it!" Tulak ko sa kanya. Tapos bigla siyang tumawa ng malakas.
"Y-yung itsura mo!" Turo niya sa mukha 'ko. "Epic! Akala mo hahalikan kita no? Ang p-panget mo! HAHAHA!" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa sinabi niya.
"Panget ako? Kaya pala todo titig ka sakin nung unang nakita mo 'ko. I remember what happened in the cafeteria." Tawa ko ng malakas "Stop calling me panget, sa tuwing sinasabi mo 'yon parang tinatawag mo na rin yung sarili mo. Unggoy!" At tumakbo ako palabas. Goodness, sa tingin 'ko di ko na kayang mag stay pa don ng matagal ang hot... ang init sa kwarto na 'yon.
"What are you doing here?" Napahinto ako sa nagsalita." Siguro magnanakaw ka no? May magnanakaw!"
"I'm not a thief to steal something! I didn't know why and where the hell am I so shut up your ******* mouth!"
"Liar. Blaze!"As if na magnanakaw talaga 'ko. Duuhhh. Is he gay? Di ba niya kaya yung sarili n'ya kung sakaling may dumating talagang magnanakaw? -__________-
"Kiel!? Asan yung sinasabi mong magnanakaw?" Tanong n'ya habang bumababa ng mabilis. "Shanice, gising ka na pala. Where's Frost?" Tanungan ba 'ko ng nawawalang unggoy? Tss. Asan ba 'kong bahay at andito sila? "Siya ba yung sinasabi mong magnanakaw? No, she's not."
"Mukha lang pala." Ngisi ni Ezekiel di ko na lang siya pinansin. *manners*
"Asan ako?"
"Nawalan ka ng malay and Frost brought you here." Ayon pala yung nangyari. So, nandito ko kila Blaze pero bakit dito? "Ayos ka na ba? Padating na yung family doctor namin para tingnan ka, hintayin mo na."
"I feel better now, thanks but its too late."
"Are you sure? Saka nag thank-----" I cut him immediately because I know he will repeat his always question. Nakakairita. But before I turn back inabot niya sakin yung cellphone 'ko.
"Here, I can't open it I dunno what was the pattern. Ipapasundo sana kita senyo wala namang may alam kung san ka nakatira. By the way I'll take you home. Wait for me."
Hinatid niya 'ko, I didn't reject his offer dahil alam kong hinahanap naman na 'ko nila Tita. They worried about me after explaining what happen kaya minabuti na lang nila na magpahinga na 'ko. Gusto 'kong tanungin si Sheryll kung nasa'n siya kanina but I'm pretty sure that she will also asked what happened even the smallest detail kaya mas pinili ko na lang matulog agad.
"Beshii, let's go! We're excuse in our classes. May praktis tayo. Yehey!" Palakpak niya. Anong meron?
"Huh? For what?"
"Acquaintance. Pinagsama na nila yung kanta't sayaw. Di mo ba alam? Kasama na din natin yung ibang section, masyado kasing konti yung talented satin e. Nakakatawa nga e, ang unique ng acquaintance natin may mag mamascot pa. Hahaha." Wala naman silang nabanggit sakin na may praktis ngayon.
Ngayon ko nga lang napagtanto bakit ganon yung acquaintance namin? Mascot? Unique.
"Saan ba?"
"Kila Blaze. Let's go!" Hitak niya sakin. Di naman siya siguro nagmamadali?
"Alam mo ba yung papunta?"
Napahinto siya't humarap sakin "Diba don ka naman galing kagabi? Una ka na I'll follow you na lang. Hehe." Napakamot na lang siya ng ulo at napailing na lang ako.
"Too much excited. Tss."
"Of course Beshii, Ragoon will be there! They're so very special ang yayaman at ang ga-gwapo nila!" Hagikgik niya.
"Popularity, aspect, appearance? Is that the basis of being special? Not money nor power will complete you and make you special. Everyone in this world is nothing without love. Aanhin mo yung lahat ng 'yon kung wala naman nagmamahal sa'yo?"
"Ahh e, s-sabi ko nga e. But I love them all! Chos. Hahaha! Wait tawagan ko lang si manong para ihatid tayo." Napairap na lang ako sa kanya. Sa totoo lang ngayon lang naging ganito 'to.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasundo na kami ng driver nila Sherylle.
"Manong kakaliwa po and then kakanan."
Turo 'ko. Nakarating naman kami agad sa bahay nila Blaze. Their maid open the door for us and she said that they are already starting kaya pumasok na kami.
"Beshii ang laki naman ng bahay na'to. Ang yaman pala talaga ng mga Klein." Aniya habang tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. Ngayon ko lang din napansin na ganito kalaki at kaganda yung bahay nila.
Nagkatinginan kami ni Sherylle ng may narinig kaming nagsisigawan kaya agad kaming tumakbo kung saan nangagaling yung ingay.
"You know what to do with the big fat butt, wiggle wigle wigle." Napabuntong hininga na lang ako akala ko kung anong kaguluhan yung nangyari nagsasayaw lang naman pala ng mga naka topless yung Ragoon kaya nagtitilian yung mga babae.
Napahalukipkip na lang ako at napailing habang tinitingnan si Sherylle na isa pa sa nakikitili.
Pumunta 'ko sa likod kung saan may sofa sumandal ako don at pumikit.
Napapatango ako sa bawat beat ng kanta ng biglang tumunog yung cellphone 'ko.
"Who's this?"
"What?! Are you kidding me?!"
########
